Thursday, November 30, 2006



ang sad mawalan ng internet connection. :( sobrang excited pa naman ako magupdate kahapon, tapos biglang ayaw magwork nung internet. hindi ko na tuloy maalala ung mga dapat kong ikwento. pero at least gumagana na siya ulit ngayon...




sina choops, niccolo at josef ung kabonding ko kahapon. sa sm lang kami nagpunta. pero happy day talaga. :)


nanood kami ng happy feet. ang kyut kyut nila!!! kakaiba nga lang ung story. at syempre slow alert ako, kaya nung bandang huli ko na lang siya nagets. at pagkatapos na lang rin nung movie ko narealize na mumble pala ung pangalan nung bida. :p haha. akala ko kasi mambo eh. pero hindi lang naman ako ung nag-isip nun, pati rin si choops. first time ko nga pala manood ng kiddie movie kasama ang friends. nakakatuwa!


nagpastudio pic kami after. ang kwela nung mga poses, lalo na ung isa. secret na lang kung ano yun! hahaha! basta ang ganda nung mga pics. nakakaaliw talaga.


bumili rin kami ng friendship bracelet sa borloloy. at nagpagawa sa the bead shop. mga adik talaga kami! :P pero ang saya kasi eh. kinukulit pa namin ung gumagawa ng bracelet, kaya closeness na kami. hehe. at nagkaroon rin pala kaming apat ng pangalan: I F


tapos kumain kami sa goldilocks. syempre gutom na kami by that time! kaya enjoy kami sa pagkain nung mga panahon na yun. share pa kami sa isang slice ng cake. :) bumili rin kami ng candies sa the block. yum yum!! sarap ng choco rocks forever. at pumunta rin pala kami ng toy kingdom. ang saya maging bata!!!!! ang daming toys. may mga nakita pa nga kaming happy feet toys eh, kaya lang sobrang mahal. :(


happiness talaga kahapon. next time ulit I F ah! :D




si kassa naman ung kabonding ko kanina. at syempre sa sm pa rin. :)


gusto namin ung for one more day ni mitch albom!!!! waaaah!! sa national kasi kami nagkita kanina, tapos nandun ung libro. at feel talaga namin ang ganda niya! pangarap namin yun. kaya lang ang mahal kasi niya eh. gusto ko rin ung the prestige! last month ko pa yun napanood, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin naiintindihan. haha.


kumain muna kami since pareho na rin naman kaming gutom. at sa burger king ulit! sobrang memorable na nung place na yun sa amin. tuwing magkikita kasi kami, dun na lang kami kumakain. favorite kainan na talaga namin yun. :p


at nanood na kami ng november movie namin! every month kasi kami nagkikita para manood ng movie. para hindi kami mawalan ng connection. :) at ang november movie namin? casino royale. first time ko manood ng james bond movie. akala ko nga sobrang nosebleed niya eh!! pero hindi naman pala masyado, medyo lang. haha. basta asteeg ung movie! ang daming twists. naenjoy ko talaga ung panonood kanina.


pero may nakakatakot na nangyari nung pauwi na ko. ayoko na talaga magcommute mag-isa kapag gabi na. natrauma ako kanina. :( scary talaga! or baka paranoid lang talaga ko?? feel ko kasi any moment mahoholdap ako eh. wah!




happy talaga ako these days. as in. never pa yata ako naging ganito kasaya sa buong buhay ko? haha joke! pero basta ang sarap ng feeling. :) sana forever na ung happiness.


at sa mga taong malulungkot ngayon: wag na kayo malungkot noh! sayang ung every minute na malungkot kayo. maaaring marami tayong problemang pinagdadaanan, pero pwede naman natin piliin maging masaya diba? wag niyo sayangin ung chance to be happy. promise.


it's the summer feeling i really love
7:29 PM





Tuesday, November 28, 2006



ang sipag ko magpost noh? come on. nakakatuwa naman. :P


and that only means one thing. i still have time for things like these. hindi lang puro acads ang iniintindi ko ngayon, meron pa rin akong net life. and sana hindi talaga siya mawala.




so physics lec kanina. finally nakaperfect na ulit kami ni pidee ng quiz after 48 years!! haha.




then chem lab. natatakot na talaga ko sa lab instructor namin promise. ang taray niya kasi masyado eh. :( at hindi naman daw siya ganun last sem? pero understandable naman ung pagiging strict niya. chem17 na, to a higher level na kami.


nakakapagod pala magmix ng chemicals for more than 20 minutes non-stop. and supposed to be may reaction siya, hindi nga lang obvious. waaah!


wala na naman kaming chem lec. nasaan kaya si mam????




ayoko na talaga ng math namin. hindi ko alam kung naiintindihan ko ba talaga siya, or nakikisabay lang ako kapag discussion. nakakaloka kasi eh! i hate calculus forever. pero kailangan ko pumasa. really.




nagquiz kami sa comm3. at syempre wala akong nasagot! mali pala kasi ung nabasa ko. puro barbero tuloy ung mga sagot ko.


and i badly need to read the comm book. hindi lang pala basa, pero kailangan ko rin magpay attention sa mga dinidiscuss niya. nagpapahiya kasi si sir eh. :( at ayokong mabiktima! baka maiyak lang ako. love ko pa naman ge ko ngayon.




dapat uuwi talaga ako ng maaga ngayon. pero paglabas ko ng cal, nakasalubong ko si kuya ivanz. at nanghihiram siya ng id. hindi kasi siya papapasukin kung wala siyang id. at dahil mabait ako, pinahiram ko siya. :P ibabalik niya dapat after his class.


kaya pumunta muna ko sa kalai. at pumunta kami nina niccolo, choops, louie, josef and marlon sa sc para bumili ng mangga. ang sarap!!


hanggang sa tinamad na rin ako kunin ung id ko. ang saya kasi nila kachikahan eh. kami na lang nina niccolo, choops and josef ung natira sa kalai. hinintay lang nila dumating ung sundo ko. wala lang. salamat sa inyo. :) buti na lang pala hindi ako umuwi ng maaga ngayon. ang dami kong mamimiss if ever. hahaha!


it's the summer feeling i really love
7:57 PM





Monday, November 27, 2006



happiness. or not. :P




maaga ako sa physics kanina. or maybe not. late lang yata talaga si mam. syempre may quiz again, at going down na rin ang standing ko sa physics. :( too bad.


dapat sasama ako kina josef, louie and kara sa nip kanina. pero nakita ko sina ikay, patty and cam pagdaan namin sa as lobby. so nagstay na lang rin ako. naglunch ako kasama sina gab at ronald. then nakipagkita kay jaimee and kim.




naglakad ako papuntang math. which is a very bad idea. ANG INIT PALA! wah! nasayang ung pagod ko. stressful.


pagdating naman dun, sa seesaw ulit kami tumambay. at nagkagulo dahil dun sa take home quiz ni sir wong. nakakawating talaga! at mukhang mali pa ung mga pinagsasagot ko. so going down na rin ang standing ko sa math. :( saklap naman!




kem tambayan naman kami pumunta nina kara and kenneth. kinuha lang namin ung donuts at hinatid sa physics pav. and back to the tambayan again. nagchange outfit for pe.


masaya ang pe! kaya lang mahirap na ung mga steps. sabi nga namin, drop na eh. :p pero syempre joke lang yun. we love streetdance so much!! sana lang wala masyadong nanonood kasi medyo nakakahiya. pero fun pa rin talaga.




isaw day today. :) kasama ko sina choops, josef, niccolo and kumi. syempre nagtinda na rin kami ng donuts sa kalai.


tapos pumunta kami ni josef sa tambayan para ihatid ung order ni ron! haha! special delivery pa talaga. at nag-ayos na rin kami ng financial matters for our batch project. finally malapit na rin kami matapos!!!! yehey! sana wala na maging problema.




happiness naman diba? basta ako sobrang happy today. yun nga lang, may mga taong mukhang badtrip kanina. hopefully they're fine na ngayon. para lahat happy. :)


at mukha na bang ang gc ng post ko?? may nalalaman pa kong going down standings. hahaha. feel ko talaga ang pangit ng second sem for me. oh well. hindi pa huli ang lahat! pwede ko pang bawiin yun!! go kathy!!! gc mode na talaga...




share ko lang ung tinext ni gab: bitterness is when you either can't forgive others for wronging you or you can't forgive yourself for being so unforgiving.


bakit ko yan sinama sa post ko? wala lang. bitterness kasi eh. i'm not saying i'm bitter ah. :p


it's the summer feeling i really love
8:09 PM





Sunday, November 26, 2006



hindi talaga dapat ako magpopost ngayon. dahil maraming nakatambak na kailangan ko munang gawin. pero oh well, andito na ko eh. may magagawa pa ba ko?


tsaka nainspire kasi ako ng blog ni gerald. >>miss you na nga pala ka-swasti. syempre special mention ka pa diba! omg! miss ko na talaga ang buong swastika!! :( sana matuloy naman ung overnight na matagal na nating pinaplano. or kahit bonding man lang at least. diba diba??




excited na rin pala ko magchristmas vacation. ang layo pa noh? wala lang. gusto ko lang talaga magstay dito sa bahay or kung maswerte this year, magbakasyon naman sa ibang lugar. wish ko lang talaga! isama mo na ko cheche!!!!!




pero bago ang lahat, engg week na muna!! nabasa ko kasi kanina sa blog ni inah eh. feel ko rin talaga na masayang event siya. GO KEM! kaya natin yan. :p


at sana suportahan niyo ang event namin na AWITAN! sa december 11 na siya, 7 pm sa up theater. lapit lang kayo sa kahit na sinong kemer kung gusto niyo bumili ng ticket. pumunta na kayo!! masaya yun promise.


sa mga chemical engineering students naman dyan, join UP KEM!! application on-going na. kung interested kayo, just go to our tambayan. :)


*haha. todo promote talaga.




sinong gustong manood ng hamlet dyan? dali samahan mo na ko. nood tayo sa december 1, 7-9 pm. please??




hindi ko pa pala nasasabi. sira na naman ung cellphone ko. at this time mukhang natuluyan na talaga siya! waaaah! ayaw na talaga magfunction eh. >.< pero that's fine. gusto ko na rin ng bago eh. kailangan ko nga lang mag-ipon para makabili kaya tipid mode muna. aja!!




and what's with blog? wala lang. ang dami ko kasing nakikitang posts na about blogs eh. at natatamaan ako! nadama kong walang kwenta talaga ung mga pinagsasabi ko dito. puro mga kwento lang at wala masyadong emosyon.


ung dati ko kasing blog, puno ng kadramahan. parang drama queen ang dating ko nun. ngayon puro nakakatawa naman. ewan. basta masaya ako ngayon!! :)


it's the summer feeling i really love
7:34 PM





Saturday, November 25, 2006



thursday was a very funny day. ang dami kong bloopers eh!


pumunta kasi kami nina kara, josef, louie and kenneth sa cellos after nung physics lec. kukunin namin ung inorder na 10 boxes na ibebenta namin to raise funds for our batch project. sumakay na kami ng taxi pabalik ng up. mga past 10 na yata nun tapos may klase pa ko sa nip ng 10.30 and that is physics lab. since hindi nila alam kung saan nila ako ibababa, sinama na rin nila ako hanggang sa tambayan. maglakad na lang daw ako hanggang vinzons then sakay ng katips na jeep.


so yun exactly ung ginawa ko. pero pagdating ko ng vinzons, walang katips na jeep!!!! kaya natataranta na ko kasi mga 10.25 na nung mga panahon na yun. ang tagal ko rin nag-isip kung magtataxi na lang ba ako or still wait for the jeepney. in the end, pumara na lang ako ng isang taxi na dumaan.


and guess what? same taxi na sinakyan namin ung nakuha ko. :p hahaha! sa kinadami daming taxi na dumaan sa harap ko, yun pa ung napara ko. ang funny talaga nung nangyari. tawa nga ako ng tawa pagkasakay ko eh. pagkasabi ko kasi na sa katips ako pupunta, sabi sa akin nung driver: "babalik ka na naman ng katipunan?" so naalala pa pala niya ako. nakakahiya! at chinichika chika pa niya ako, kasi naging friendly friends sila ni louie nung una kong sakay dun.


pero late pa rin ako sa klase ko. :( pasalamat na lang talaga at wala pa silang ginagawa! nagbibigay pa lang si mam ng mga handouts. at ayoko na talaga ng sig fig kahit kailan. nahilo lang ako kakasagot nung worksheet!! ~at wala lang, mahal ko ung mga groupmates ko. hahaha. go group 4!


at ang saya saya ng pe sobra!! nakakapagod at masakit sa katawan, pero nakakaaliw talaga siya. ang galing ni sir sumayaw! :)




kahapon naman ay happy day pa rin dahil hindi ko na naman nadama na it is a darna day! maaga kasi kaming natapos sa chem lab, at walang chem lec. ohyes!! kinakabahan ako kasi wala akong alam sa chem dahil hindi ako nakapag-aral at feel kong zero na naman ako sa exam niya. failing talaga ako sa chem17. :( kaya kailangan ko na talagang magsipag. pero as if naman kaya ko diba??


ang gwapo talaga ng recit prof ko. haha! sabi nga namin ni kumi, huwag na lang kami titingin sa kanya. baka hindi pa namin matapos ung pinapasagutan sa amin. :P


love ko na rin ang comm3 ngayon! wala lang. :D dati kasi yun ung class na tinatamad na kong pasukan, at maraming beses ko na rin naisipan magcut dun. pero nag-eenjoy na ko ngayon eh!! heavy load siya pero mukhang marami ka naman talagang matututunan.


nagkita naman kami nina jaimee at dina sa as lobby. hinintay lang namin si abi na galing math, tapos sinamahan nila ko sa tamabayan ng kem. tapos naghiwalay na rin kami. sina dina at abi pumuntang cmc para sa broad ass. at kami naman ni jaimee pumuntang sm. dun kasi ung daan niya pauwi, tapos hinihintay naman ako ng nanay ko dun. shopping galore. :) hahaha!


it's the summer feeling i really love
8:21 AM





Wednesday, November 22, 2006



update update update! *bangag mode*




oh well. dapat madjik ang kasama ko today dahil balak sana namin manood ng sine at magliwaliw lang sa sm. pero dahil sa mga unexpected na pangyayari kanina, hindi na ko nakasama sa kanila. waah! sorry sa inyo. :( next time na lang siguro.




nagstay lang ako sa up at walang ibang ginawa kundi manood! haha! literal na nanood lang talaga ko. mga 11 na yata ako dumating sa yakal at may game kami nun versus engg soc.


tapos kumain kami nina ron, duane, hannah at patrick sa ihaw-1. kaaliw ung fish bowl! ang laki niya promise. at masarap rin naman ung food nila. kumain rin kami ng mango caramel sundae from jollibee. ang tamis!! yum yum! plus may picture taking rin na naganap nun. mga adik talaga kami sa pichuran. happiness. :p




pumunta naman ako ng nismed pagbalik namin ng up. nanood ako ng mathira. congrats kina nat, francis at therese. :) umabot kayo ng finals. ang galing niyo!! keep up the good work. nakita ko rin dun sina angelo, sir chua, kuya jireh, ray at ate millicent. nakakamiss ang kisay!




at nagyakal na naman ako. hindi ko naabutan ung ciem vs kem game, pero nanalo naman kami kaya so happy pa rin. panalo rin kami sa volleyball game versus cursor! GO KEM!!


kaaliw ung mga cheers namin kanina. ang daming versions! the best ung boom tarat tarat. hahaha. at wala na talaga kong ibang ginawa kundi tumawa. nakakabangag ang buhay ko! nakakaloka talaga ung mga banat kanina. :P




nag-isaw kami nina niccolo, josef, ron, choops at pidee after nung mga games. adik na kami sa isaw grabe. ang sarap kasi! tsaka masaya rin magbonding habang kumakain. puro kwentuhan lang tsaka kung ano ano pang mga kalokohan. kumain rin ulit kami ng ice cream!




katips naman ung next destination namin. kasama ko sina von, niccolo, choops, pidee, ron at ruth. pumunta kami ng cellos para iupdate ung request namin for our batch project. tapos umalis na rin si von para pumunta dun sa hamlet niya. at ano pa nga bang ieexpect sa amin?? syempre pichuran galore na naman kami dun. may props pa kami! ung christmas tree! hahaha! ang saya talaga. :) happiness to the highest level.




at sobrang excited na ko sa mga susunod na araw!! waaaaaah!!!!


it's the summer feeling i really love
8:42 PM





Tuesday, November 21, 2006



oh come on. napakastressful ng life. pero masaya pa rin. :)




november 20, 2006


as usual late na naman ako sa physics. bago pa ba yun?? haha. at syempre may quiz ulit kami. sanayan factor na lang talaga siya.


almost 5 hours ang break ko kapag monday. so anong ginawa ko? nagliwaliw sa buong up. :P nakakapagod pa rin pala siya kahit na forever ka na naglalakad. kumain muna kami nina duane at kara sa casaa, and then pumunta na sila sa nip. kaya naiwan na ko mag-isa.


since under assessed nga ako, yun na lang ung inasikaso ko dun sa mahabang oras na yun. naglakad ako from as papuntang pnb sa may sc. tipid mode sana ako eh. pero nung from sc papuntang our na, hindi na kinaya ng powers ko. kaya nagtoki na rin ako. bayad na rin ako sa wakas!! hindi na ko maiineligible next sem dahil lang sa underassessment.


tapos pumunta ako sa kisay tambayan sa as. in fairness lang, sobrang namiss ko sila. :( kasi kahapon ko na lang ulit nakita ung mga taong yun. kaya bonding moments. so happy!!!!


kasabay ko si beaujez papuntang math. at guess what? ung nagpapanggap na jeep ung nasakyan namin!! waah talaga! ayoko sana talagang sumakay dun kaya lang no choice eh. hindi ko rin naman trip maglakad dahil sa sobrang init. kaya pinilit ko na lang. huhu!


after a very long day: nag-isaw kami nina choops, niccolo, josef, kumi at marlon. mga adik talaga sila sa isaw! pero masarap naman eh. :) salamat nicco sa libre! hehe. next time ulit!! joke!




november 21, 2006


ngayon ko lang nadama ang pagiging darna days ng tf. :( at nakakapagod talaga siya promise!


chem lab pa lang sobrang stressed na ko. ang hirap pala gumawa ng sariling reagents. at nasagad rin namin for the very first time ang 3 hours na lab! partida, hindi pa kami tapos sa experiment namin. continuation pa next meeting.


pagdating naman sa chem lec, nagquiz ulit kami. at nakakaiyak!! T_T tama naman ung sagot ko. pero wala pa rin siyang points kasi mali ung solution. kasaklapan naman talaga!


*blind item lang: sino itong dalawang classmates ko sa chem lec na sa harap at medyo gitna pa nakaupo, pero kung makatulog parang wala ng bukas?? hahaha. peace! pero tawa talaga kami ng tawa kanina dahil sa inyo. buti na lang hindi napapansin ni mam ratilla. or is it?


at syempre naloka ako sa comm. surprise quiz ang drama ng prof ko. pasalamat siya at nakapagbasa ako ng libro. :p wahaha! at ang aliw nung activity namin kanina.


first time rin pala this sem na nakauwi ako ng may araw pa. usually kasi sobrang ginagabi ako, kaya sinadya ko na umuwi ng maaga ngayon. tinapos lang namin ung game ng volleyball sa yakal. sobrang saya namin dun kanina! KEM GO FIGHT!!




so happy ko talaga ngayon. oh well. pagbigyan na. :) 21 naman ngayon eh! huwag na maintriga ung iba dyan. hahahaha!


it's the summer feeling i really love
8:17 PM





Sunday, November 19, 2006



happy birthday louie arelvi villanueva!! ohyes. ang tanda mo na! :)




randomness lang:


~ ang sarap matulog. :) yun lang kasi ginawa ko buong araw eh!


~ nagmumukha na kong jollibee. haha! paano ba naman kasi, puro yun na lang ung kinakain ko these past few days. at enjoy naman ako masyado. sobrang taba ko na!!! kailangan na magdiet.


~ magastos rin akong kasama sa sm at grocery! kaya beware. :P


~ september 21 is a special day for me. or is it?? hahaha. salamat kay inah at jaimee dahil sila ang nagpaalala nyan sa akin. oh well. whatever.


~ malapit na ang enggweek. at excited na ko! :)


~ may pasok pala bukas. at tinatamad ako!! wala pa nga akong nagagawa eh. patay na naman ako. :( kailangan ko na magsipag.


~ bagong buhay na ko ngayon! sa lahat ng aspects ng life. wala lang, gusto ko lang ishare. para masaya. :p diba??


it's the summer feeling i really love
7:40 PM





Saturday, November 18, 2006



wala lang. medyo matagal rin akong hindi nakapag-update, kasi sobrang naging busy ang life ko. at siguro tinamad na rin! hahaha! oh well.




wednesday


nagstay lang ako sa bahay. kumusta naman yun diba?? kakaiba pala ung feeling ng wala kang pasok kapag wednesday. pero masaya siya! lalo na kapag stressed ka na! pwede kang magpahinga ng isang araw.


dapat pupunta ako ng moa kasama ung mga math17 classmates ko. pero hindi na ko sumama sa kanila. :( ang dami kasing problema nun eh, at nagkasakit pa ko. sayang naman!




thursday


nakilala na namin ung physics71.1 prof namin. ang aliw niya!! :p tsaka ang kakaiba rin nung class. hindi namin kailangan ng lab manual! kasi kami daw ung experimental class, meaning different ang physics lab namin compared sa iba. hindi daw namin gagawin ung procedure na nakalagay sa lab manual. we have to make our own. challenging!!!! :p


rtr day rin. kasama ko sina kara, kenneth, pidee at von. sa simula sobrang nakakahiya talaga! pero nag-enjoy rin naman kami. :) at ang favorite line namin? being part of an org is good. but being part of up kem has always been better. ang taray!


may adventure rin palang nangyari sa akin that day. pumunta kami ni pidee sa katips para bumili ng materials for chem, tapos nagcellos na rin kami. eh 4 pm may klase pa ko. mga 3.30 dapat babalik na ko ng up kaya lang wala akong masakyan na taxi. at hindi rin ako makapagjeep kasi sobrang traffic naman. so nung mga 3.40 na, i decided to walk na lang pabalik ng up. literal na lakad mula katips papuntang up! at solo flight pa ako nun kasi umuwi na si pidee. lakad lakad ako dun. nung medyo malapit na ko sa nip, may biglang dumaan na taxi. sumakay na ko. pero in fairness ang haba rin nung linakad kong yun!!! waaaah!!! sayang ung effort ko. pero ang importante hindi ako na-late sa class! smile!! :)




friday


ang pangit ng araw academically speaking. sinimulan kasi ng physics eh. recitation class kami. pero masaya naman kasi ang gwapo nung prof! hahahaha!!!


hindi naman natuloy ung experiment sa chem. actually ayos lang yun kasi tinatamad rin kami mag-lab that day. pero hindi okei ung chem lec! pesteng quiz yun. bagsak agad ako!! kasi naman eh, wala akong naiintindihan dun sa sinasabi nung prof ko. dictation pa naman ung exam! babawi talaga ako next time.


sa comm naman, syempre hindi ako nagbasa nung reading namin. tapos bigla akong tinawag! at wala akong nasagot! napakabarbero ko!! ang saklap.




saturday


nagpunta ko ng hospital for check-up. at happiness yun! hahaha!


do-day rin pala namin for batch project. pero apat lang kaming pumunta. ako, ate mary, duane at von. inayos lang namin ung bigating locker at glass display sa dept. tapos umuwi na si ate mary. kumain naman kaming natira plus si kuya martin sa jollibee. at nagpunta ng sm. nakita ko naman dun sina nat at cherry.




ang daming nangyari noh? syempre. :) colorful ang life ko eh! haha!


happy birthday nga pala sa lahat ng taong may birthday ngayon at nung past few days. :p pasensya na kung hindi ko kayo nabati ah. mahal ko kayo!!


it's the summer feeling i really love
8:51 PM





Tuesday, November 14, 2006



ang dami talagang problema sa mundo!! waah! pero masaya na ko ngayon. :) hahaha! mood swing alert talaga eh.




nakakatawa ung physics kanina. nagquiz na naman kami. pero kumusta naman ung dahilan niya diba?? kasalanan ng isang cellphone. nag-ring kasi habang nagdidiscuss siya, kaya ayun nagpaexam. buti madali lang! may nalalaman pa siyang ringtone quiz dyan.


at ang chem lab naman? ang tarush ni mam carillo. pero mabait pa rin! :p sabi ng iba kong blockmates, ganun lang daw talaga siya kapag first meeting.


nosebleed naman ang chem lec!! huhuhu. :( hindi kasi ako nakikinig kanina eh, kaya wala akong naintindihan. note passing pa ang drama namin nina niccolo at pidee. kaantok kasi eh! kaya nagsusulatan na lang kami, para lang hindi makatulog.


si louie naman yung kausap ko nung math. at nakakaloka! buong math time, panalangin ung kinakanta namin. buti sana kung alam namin ung lyrics eh. kaya lang hindi!! omg! paulit ulit ung lines na kinakanta namin.


papampam naman ung comm3 kanina. sobrang shocked ako, as in. biglang nagpaimpromptu speech! syempre. ano pa nga ba ieexpect ko diba? comm subject kaya yun. ;p pero kakaiba. ang ganda nung question na nabunot ko: what is the best advice you could give yourself today? saktong sakto sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko.




ang sarap pala ng feeling ng nakikinig sa iba. at syempre, ung nasasabi mo rin ung gusto mong sabihin sa ibang tao. oh well. ang dami ko talagang namimiss ngayon! waaaaaah!!


it's the summer feeling i really love
8:59 PM





Monday, November 13, 2006



warning: napakarandom nito. pagpasensyahan na. :)




late ako kaninang physics. tapos nagquiz pa kami. pero ayos lang naman, halos binigay niya na rin ung sagot. pumunta kami ng sc after. bumili ng sobrang daming blue books at kumain rin ng siomai. nung naiwan na ko mag-isa, pumunta ako ng sm para kunin ung pics namin ni duane.


ang saya nung first gen meet namin!! ohyes. damang dama ko na ang pagiging isang kemer. KEM GO FIGHT! KEM GO FIGHT! KEM GO FIGHT!!! haha. :p




pero napakapangit ng araw. lahat ng tao mataray. lahat ng tao badtrip. at syempre, isa na rin ako dun sa mga taong yun. ang dami kong inaway kanina. pero parang gantihan na lang rin ung nangyari. sana lang talaga lahat joke lang.


kaya lang may mga nasaktan. may umiyak. ang saklap! akala ko maayos na buhay namin, pero hindi pa rin pala. life nga naman.




sorry sa inyo. nadamay kayo sa mga moodswings ko ngayon. hindi ko ginusto makasakit, hindi ko sinasadya yun. naguguluhan lang talaga ko ngayon. kaya huwag niyo na lang muna ko kausapin. huhuhu! nahihirapan na rin ako. hindi ko na rin alam kung ano gagawin ko sa sarili ko. nakakapagod na!! hay talaga. sorry sorry sorry. :( wrong timing talaga lahat.




*kung gaano kagulo ung post ko ngayon, ganun rin kagulo ung isip ko. naloloka na yata talaga ako.


so many things to do. so little time. am i too late? :(


it's the summer feeling i really love
9:16 PM





Sunday, November 12, 2006



tapos na ang rummage sale part 2!!!! waaaaah!


pero mas naging mabagsik ung mga bumibili ngayon. kung nakita niyo lang ung mga itsura namin kanina, mukha na talaga kaming papatay ng mga tao. haha joke! pero basta. to the highest level talaga sila. mga walang patawad. ang hirap talaga! shocked kami sa mga nangyari kanina.


ang mahirap pa dun, nakakaawa talaga ung ibang bumibili. kaya binibigay na rin namin kahit mababang presyo. lugi talaga! pero masaya naman makatulong sa iba kahit papaano.


medyo wala lang talaga ko sa mood this days kaya hindi ako masyadong nagtagal sa rummage sale namin. nung dumating na ung iba pang 06A, umalis na rin ako. nakakastress kasi eh! at sobrang nagmamaldita na naman ako kanina. kaya ayun. :p




pumunta kami nina kuya jayson at kuya josh sa sm. at sa burgoo kami kumain. happiness!


in fairness lang talaga ah, ang sarap nung food nila. lalo na ung veggies. the best talaga yun!!! love na love ko siya kanina. sabi ko pa nga sa kanila, gusto ko na maging vegetarian ngayon. at dun ako palagi kakain. masarap rin ung carbonara at baked mac nila. nakakabusog talaga.


at syempre naenjoy namin ung crayons nila. talagang kinarir namin ung pagdesign! mukha talaga kaming mga batang first time lang nakahawak ng crayola. ang sarap balikan ng childhood days. :)




~pangarap nga pala namin mag-gym! oh well. one of this days, magkakatotoo rin yan.




dumating rin si ate tricia, kuya addison at duane. pumunta kami ng national para bumili ng school stuff. tapos umalis na rin si ate tricia.


favorite tambayan ko na talaga ang cerealicious!!! sobrang happy ko talaga kapag nandun ako. at medyo kilala na nga yata kami nung staff dun eh. ang ingay kasi namin sobra kanina! ;p natuwa kami masyado sa mga flavors nila. at sinubukan pa namin tikman lahat. haha!


pero hindi namin nagawa. ang dami kaya nun! pero grabe talaga ung nakadalawa ako kanina. charlie and the chocnut factory tsaka harry butter and the fingers of azkaban. yum yum!!




~tawag nga pala ni kuya josh sa akin ngayon ay piglet! ang takaw ko daw kasi. wala akong tigil sa kakakain. at siya naman si pig. hahaha!! mataba rin kaya siya. :) pero pasaway yun. dapat sasamahan namin siya magpahaircut kanina, kaya lang biglang umayaw. sayang!!




hanggang sa kami na lang ni duane ung natira kanina. nagpapicture kami ng 1x1 tsaka 2x2 para sa mga requirements. gc mode na talaga ko!! haha. at after 46672134 years, nakapagmaniax na ulit ako. ang bano ko na!!! WAAAH!


it's the summer feeling i really love
8:32 PM





Saturday, November 11, 2006



ayan. medyo okei na ko ngayon. masaya na ulit!! hahaha! salamat sa mga kausap ko kagabi. :p kaya kwento time na...




physics71: ang aliw nung prof! bata pa kasi siya eh, kaya feel ko makakasundo namin. medyo strict nga lang siya. pero nakakatawa pa rin!! naaalala ko pa sa kanya si mam moreNOH. haha! sana magaling rin siya magturo para ayos talaga.


chem17 lab: si mam carillo ung prof. ohyes! siya ung prof nung kabilang lab sa chem16, at sobrang mabait talaga siya. minsan kasi sumasama kami sa class niya nun. ang saya saya!! hindi na ganun kasaklap ang chem17 life namin. :)


chem17 lec: medyo nakakatamad ung schedule. ang boring tuloy nung class at nakakaantok talaga! :( pero mukhang matino ung prof. unang meeting pa lang kasi nagdiscuss na siya at in fairness lang talaga ah, magaling siyang mag-explain. may natutunan na agad ako.


math53: voltes V daw si sir wong?! come on. totoo ba yun? hahaha. hindi nga siya pumasok sa amin kahapon eh. nagmadali pa naman kami pumuntang math!! hmp.


comm3: asteeg ung prof ko!! naeexcite tuloy ako masyado sa mga activities namin. pakapalan na ng mukha! wahaha. though damang dama ko na ngayon na heavy load talaga ung ge ko, gusto ko pa rin siya. ;p challenging eh!




*classmate ko pala sa physics ung isang mini crush ko. ang galing nga eh! pagpasok ng room, siya ung una kong nakita. hahaha!! pero joke time lang naman yun...


it's the summer feeling i really love
5:52 PM





Friday, November 10, 2006



nakakatawa. mood swing alert nga naman talaga. :( kung kagabi sobrang happy ko na, ngayon naman sobrang sad ko. ang wating noh?




ewan ko ba. i just feel so bad. may kakaiba talaga ngayong araw eh! madami naman kaming laugh trips, at masaya ung mga classes ko ngayon. pero there is something missing. and i just can't figure out kung ano yun. nakakainis.


ang dami ko rin tuloy na inaaway kanina. nafeel kong sobrang maldita ko. sorry guys. :(




sana kahit papaano maging matino na ko bukas. ayoko ng ganitong feeling. masyadong nakakadepress! gusto ko ng maging masaya ulit.


*dahil kaya 10 ngayon?? haha. bitterness. :(


it's the summer feeling i really love
9:58 PM





Thursday, November 09, 2006



tapos na ang first day!!! waaah!!! :p




at ang ganda ng start grabe. wala kaming physics! so kumusta naman ung 7.30 nasa up na ako, at 1 pa pala ung klase ko for the day?? pero ayos lang naman. nagtinda na naman kami ng C2. C2 fan na talaga ako forever!


ung math prof naman namin, i smell something fishy talaga. :) hahaha! mukha kasi siyang mabait eh. tapos nagpapatawa pa. pero parang may pagkaevil ung smile niya, ung feel ko mahirap magpaexam. okei lang sana yun. basta ba siguraduhin niya lang na may matututunan ako sa kaniya! ang narinig ko naman na chismax about him: madali magpaexam pero hindi yata magaling magturo at mababa pa magbigay ng grade. bigla tuloy naglaho ung pangarap namin ni kenneth na terror prof na babae at magaling magturo. :( gc mode na talaga ito.


nakakatuwa naman ung prof ko sa pe. ;p ang sosyalin niya in fairness. may nalalaman pang video para sa practical namin, at babawasan ang grade ng .25 tuwing nagkakamali. so goodluck na lang talaga sa amin!




hanggang dito na lang muna siguro. ang sakit na ng ulo ko eh! dahil na rin siguro sa sobrang pagod at pag-iyak kanina. nakakastress talaga ang life!!! pero masaya na ko ngayon, kasi may contentment na kong nararamdaman regarding certain matters. sana ganito na lang forever. :)


mahal ko ang batch 06A!! kaya natin yan. :p at sa mga chemical engineering students dyan ng upd, join up kem!!!!!!! sobrang dami niyong matututunan. and you will become a better person in the process.


it's the summer feeling i really love
10:10 PM





Wednesday, November 08, 2006



unang una sa lahat, may babatiin muna ko: happy happy birthday kay miss batch head at ham goddess ng batch 06A na si ate mary kristine macapagal!! we love you ate mary! kahit na madalas ka naming inaaway, lab ka pa rin namin. ;p




may natutunan na naman akong lesson ngayon. hahaha! sobrang pasaway ko kasi eh. pumunta ko sa bank kanina para ipaactivate ulit ung account ko. so kumusta naman talaga ung hindi pareho ung pirma ko dun sa atm card at sa papel na pinasulatan nila sa akin? pati sila nagtaka na. pero kasi elem pa nasa akin ung atm, kaya malamang expired na talaga ung pirma kong yun noh. pinapalitan na lang ung card ko. :) at ang lesson learned: dapat stick to one ka lang. hmm, parang double meaning yata yun? joke lang!!




syempre pumunta na naman ako ng up. pero hindi ko nagawa ung dapat kong gagawin. :( dapat kasi babayaran ko na ung 400 na kulang sa misc fee ko, kaya lang wala akong kasama at sobrang haba pa nung pila. kapag may classes na lang siguro namin yun aasikasuhin.


at ang walang kamatayang pagbebenta ng C2! come on. pinagtatawanan na talaga kami ng mga tao!! pero enjoy naman kami, kasi medyo maraming bumili kanina. at first time rin na ung tao pa mismo ung pumunta ng tambayan para bumili. achievement talaga un! sana lang makaearn kami ng sapat para mapagawa ng maayos ung batch project namin. please help us na. :p


nagquit na rin pala ko sa cheerbells. actually kahapon pa namin pinoproblema kung paano sasabihin sa kanila na kailangan na namin umalis. may conflict na kasi sa parents tapos sinabayan pa ng problema sa acads. kaya nagquit na kanina kami nina hannah, josef, pidee at von. pero may balak pa rin naman akong bumalik! gusto ko talaga magcheering eh! ;p may mga bagay lang akong kailangang ayusin at tamang timing na rin siguro.




isang pangyayaring hindi ko makakalimutan: may nakausap akong tao ngayon na nagparealize sa akin ng maraming bagay. siguro ung mga hindi ko naiintindihan dati, naging malinaw na dahil sa mga sinabi niya kanina. kaya nagpapasalamat talaga ko sayo. :) it was a great help actually - not only for me, but also to the people who were involved.


haha! ang senti ko na naman. :(


it's the summer feeling i really love
8:36 PM





Tuesday, November 07, 2006



napakastressful ng araw. promise. :(




hindi talaga ko dapat pupuntang up ngayon. dahil nadama kong sobrang sama ko na, at medyo hindi rin maayos ung pakiramdam ko kaninang umaga. pero alam ko naman na kailangan ng co-new mems ko ng tulong kaya pumunta pa rin ako.


maglulunch na pala ung mga tao pagdating ko dun. so sumama na rin ako sa kanila papuntang philcoa at sa mcdo kami kumain. sobrang saya talaga kanina!! :) ang dami kasi namin eh: ako, von, duane, patrick, josef, louie, ron, ate leanne, ate germs, ate megs, ate unja, ruth at hannah. dami rin nabuong mga kachorbahan! nandyan ung mga spice girls, pussy cat dolls, moffatts featuring mariah carey at san miguel kural. hindi ko na maalala ung iba pa at kung tama ba ung mga names na yan. :p




pagbalik naman namin sa up, todo work ang inatupag namin. parang replay nga nung cello's fundraising ung nangyari eh! kasi kahit hindi namin kilala hinaharang namin kanina. tapos tinatanong kung gusto ba nila bumili ng C2. nakakahiya talaga!! pakapalan na ng mukha.


:: cute pala ng mode of transportation ng aming C2. nasa tambayan kasi ung mga bottles tapos kaming nagtitinda naman nasa may lobby. kaya kapag may bumili, hinuhulog na lang nung mga nasa taas ung inorder. swerte mo kapag nasalo namin ung bote! pero kapag naman hindi, better luck next time. hahaha!!


:: salamat nga pala dun sa mga bumili. :) mahal namin kayo!!!!




hinatid namin ung mga natirang C2 sa boarding house nila ate leanne. tapos kami nina josef, ron at ruth pumunta ng sm para bumili ng mga school supplies. mga excited eh noh?? haha. nakita ko sa red ribbon sina dina at inah tapos sina nat at francis naman sa national. namiss ko tuloy bigla ang kisay!


after namin magshopping galore, kumain kami sa yoshinoya. nagchikahan lang kami. in fairness, first time ko sila makasama kanina. nakakaaliw. :p sana magkaroon pa ng maraming bonding moments ngayong second sem.




:: under-assessed pa pala ko! mali daw kasi ung binayaran naming misc fee. ung mga natapos mag-enroll kahapon 615 lang ung binayad, tapos ung mga kanina lang natapos 1015 ung binayaran. so magbabayad pa ko ng 400 bukas! waaah!! nakakatamad na. pero gagawin ko na rin, kaysa naman maging ineligible pa ako next sem.


:: ang dami na namang problema!! kaya nakakastress eh. sa totoo lang talaga, hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko. mahirap kayang maipit. hindi ko na rin kasi naiintindihan ung mga nangyayari ngayon. kagaya nga ng sabi ko, gagawin ko naman talaga lahat ng makakaya ko para maayos ung gulo. pero hindi ko na talaga alam kung hanggang saan ung matutulong ko. :(


it's the summer feeling i really love
8:58 PM





Monday, November 06, 2006



~happy birthday kay loren marian manuel!!! hahaha! :) isa sa mga taong pinakamatagal kong naging classmate. tatlong taon rin un! at in fairness, nabati rin pala kita ng personal kanina. hehe.




what a very long day! hay. pero hindi siya kagaya ng ineexpect ko. since enrollment nga ng lahat ng freshies today, iniimagine ko na sobrang gagabihin ako sa kakapila. at ang good news? saktong 12 noon tapos na ko. :) may kasamang ikot-ikot pa yun sa up ah. so kung sineryoso ko talaga ang enrollment procedure, malamang mga 11 pa lang tapos na ko. ang sarap ng feeling ng enrolled na!!! :p




dumating ako sa melchor hall ng 8. actually dapat talaga 7 ako pupuntang up, pero as usual late na naman akong nagising. pero it doesn't really matter. 9 pa naman kasi nagsimula ung distribution ng form 5A.


*chika lang: nakakatuwa si kuya gary!! :)) naaaliw talaga ko sa kanya.


at maswerte na rin ako sa crs ngayon. hindi ko man nakuha ung gusto kong sched ng comm3, ang importante kumpleto na ung subjects ko. kaya hindi ko na kinailangan magmanual! so happy talaga. ;p pero nakakatakot naman, tba pala ung prof ko sa comm3. so goodluck naman sa akin. sana mabait pa rin ung maging prof ko!!


**another chika: next time ko na ipopost ung sched ko. nakakatamad eh! basta darna days ko ang tf, 7.30-4 at walang break yun. literal na wala talaga. :(


since wala pang math si pidee at hindi na rin namin alam ni kara ung susunod na gagawin, pumunta na lang muna kami sa math building para makapag-enlist na ng math53 si pidee. pero malas lang kasi sa hapon pa daw siya pwede mag-enlist. ang swerte nga lang ni ron dahil maaga siya nakarating dun at hindi pa nasasabi na ang mga L-Z ay sa hapon pa!


so ano na bang sunod?? ahh. ang sobrang papampam na form 5 na pala. haha! pero bago namin siya makuha, kailangan muna namin magsagot ng survey. so kami naman ni kara go lang ng go!! pero wala rin talaga kami halos masagot. ang weird nung mga ibang questions eh. at buti na lang rin kasi dalawa lang kaming magkasama nun. malamang kung marami kami, sobrang napahiya na kami ni kara. dami naming mga bloopers eh!


basta in the end: pabalik balik lang talaga kami. punta sa library for the clearance, sa dept para sa post-advising, sa 3rd floor para sa checking at dept ulit para sa assessment. kapagod! grabe.


at syempre hindi pwedeng makalimutan ang payment. in fairness, nagulat talaga ako na nagmura ung tuition compared dun sa last sem. akala ko talaga kasi magmamahal eh! pero masaya na talaga ako, may pera na ulit ako kahit papaano. kasabay ko nga pala nagbayad si kumi sa as dahil pareho na naming gustong tapusin ung enrollment. at ung iba nagpakapasaway pa!




~~after enrollment, hindi pa rin ako umuwi. mga apat na oras rin akong naglibot lang sa buong up. tsaka sinamahan ko na rin ung mga kaibigan kong hindi pa tapos mag-enroll. sa wakas kumpleto na rin class cards ko!! yehey!! :p




wala na rin talaga kong magawa sa buhay ko. kasi pagdating ng mga 4.30 kanina, pumunta kami nina von at kuya michael sa pasig. kukunin kasi namin ung mga C2 stuff para sa pagbebenta bukas. syempre hindi alam ng parents ko na pumunta ko dun.


***chika minute ulit: ang banban ko talaga pagdating sa mrt!! =( sobrang nakakahiya ako kanina! oh well. hindi naman talaga kasi ako sumasakay sa mrt, kaya wala talaga akong alam sa mga chorba nila dun. at naging biktima ako kanina!! come on! hindi ako marunong mag-insert nung card. feel ko nga natatawa na ung mga taong nakakita sa akin kanina eh. pati rin naman kasi ako tumatawa na nun. hahaha! nakakahiya talaga! ;p


at kumusta naman ung adventure namin? successful naman siya. :) medyo marami nga lang disaster na nangyari sa akin kanina. una: nadudulas ako. haha! ilang beses rin akong nadulas noh. buti nalang talaga, hindi ako natutuluyan. pero ung nasa likod ko tawa na ng tawa. pangalawa: prone talaga ako sa aksidente! muntik na kong masagasaan. pero syempre, hindi pwede mangyari yun. sobrang alaga ako nung dalawa kong kasama eh.


wala lang. pasaway talaga kong bata! ang bad ko! akala ko nga mapapagalitan ako ng parents ko kanina, pero hindi naman nila ako nabuko. reyna na yata ako ng mga palusot!! sobrang master ko na siya. medyo nakokonsensya tuloy ako ngayon. :'( pero wala naman kasi akong magagawa, responsibilidad ko yun eh.




~~~salamat rin kina von at kuya michael sa pagtulong at pag-alaga sa akin kanina. hindi niyo talaga ako pinabayaan. thank you talaga. :)


it's the summer feeling i really love
9:40 PM





Sunday, November 05, 2006



medyo kakauwi ko lang ngayon. :p galing kasi ako ng krus na ligas for our rummage sale part 1, at nagpunta ng sm after. happy day for us!!




actually dapat talaga pupunta ung family namin sa sementeryo ngayon. kasi hindi pa talaga kami nakakavisit sa loved ones namin na namayapa na. pero dahil nga may batch project chorba kami ngayon, hindi na ko sumama sa kanila. tsaka sabi naman nila hindi rin naman sila magtatagal dun kaya pinayagan na rin nila akong pumunta na lang dun sa lakad ko. kaya hinatid muna nila ko sa mcdo philcoa, dahil na rin sa sobrang bigat nung mga pocketbooks na ibebenta ko.


pagdating sa meeting place: si von at ron pa lang ung nandun! come on naman diba? ang dami namin ah, for a rummage sale. pero dumating rin naman si ate mary kaya go lang kami. at ang unang stop ay sa boarding house nila hannah. kinuha lang namin ung table, tapos dumeretso na sa barangay hall.


at nakakaloka pala siya! kakalatag pa lang namin nung white cloth, biglang dumagsa ung mga tao sa place namin. so medyo nakakataranta na rin. sila na nga mismo ung naglabas ng mga stuff mula dun sa plastic bags at kanya kanyang kuha na rin. pero masaya talaga siya over-all. dumami rin kasi ung mga rummage dahil dumating pa sina ate leanne, ate lor, pidee, kara, choops, nicco, fritzie, jamie, analyn, sheryl at kenneth. :)




mga kakaibang nangyari naman kaninang nagtitinda kami.


nagkaroon ng bagong bestfriend si niccolo. pero take note, hindi siya ganung kaordinary. dapat pa nga yata si kara ung magiging bestfriend niya eh. kaya lang masyadong natakot si kara sa kanya at nung napansin ni nicco yun, nilapitan na niya. basta puro about marcos etc. ung mga sinasabi niya sa amin. at sinasabi rin niya na wala daw kaming laban dun sa anak niyang miss krus na ligas. sobrang sama ko na ba?? sorry. ang weird lang talaga nung encounter eh.


at may tatlong bata rin na naging kaibigan namin. ung isa nga dun kamukha pa ni budong ng super inggo eh. at kakaiba rin talaga sila!! haha. ang lakas magsabi ng mga bad words, tsaka medyo may pagkabastos ung mga sinasabi nila. pero nakakatawa kasi ung dating nila.


tapos may sinabi rin ung isang lalaki kanina na talagang pumatok sa amin ni hannah. kasi may pinipigilan kaming bata sa pag-akyat dun sa flower pot, nakakatakot kasi baka mahulog pa siya. bigla ba namang sabi nung lalaki: "bumaba ka nga dyan. akala mo madali ka lang gawin ah." hahaha! sobrang babaw ba namin?? sorry lang. pero tawa talaga kami ng tawa, kasi ang seryoso nung itsura niya nung sinabi niya yun.


nung bumibili rin kami ni ron ng pagkain, may nakita kaming streetfood dun sa may tabi. eh ang kakaiba masyado nung itsura niya. so tanong naman kami agad kung ano yun. ang sabi sa amin nung nagtitinda: "piso." sabi namin baka nagkamali lang siya ng pagkakarinig. maya maya bumalik ulit kami, tapos tinanong ulit kung ano yun. sabi niya: "piso" pa rin. ang kulit!! ;p kaya hindi na namin inusisa kung ano pa yun. bumili na lang kami at in fairness naman, masarap siya kahit piso lang ang isa.




after ng mahaba-habang araw: pupunta naman kami ng sm! pero si von pasaway, tinakot pa kami. sabi niya may nararamdaman daw siyang hindi magandang mangyayari. eh diba nga may trauma na ko sa mga ganyan? kaya natakot naman ako. at si von naman, umuwi na lang.


pero kami nina pidee, choops, kenneth at nicco sobrang mga pasaway! tumuloy pa rin kami sa sm kahit na may chorba na ngang pangitain! buti na lang talaga wala naman nangyaring masama sa amin kanina. kumain lang kami ulit sa cerealicious kasi gusto nga tikman ni kenneth. sarap talaga dun forever!! :p




*tanong lang. bakit may mga taong ganun? hindi nila iniisip ung kapakanan nung iba, kasi sarili na lang nila ung nasa isip nila. sige. sabihin na nating human nature yun. pero pwede naman iwasan diba? may choice ka. pero pinili mo pa rin maging makasarili. :(


**enrollment na bukas!!!! so excited. ;p


it's the summer feeling i really love
8:23 PM





Saturday, November 04, 2006



would you believe na nakayanan kong walang communication ngayon sa ibang tao bukod sa family ko? oh well. maniwala kayo!! haha. :p ewan ko ba kung bakit, pero tinotopak na naman ako. kaya wala akong tinetext or kinakausap except na lang kung sobrang importante. at as of now, si ron pa lang ung nagkakoneksyon sa akin. ang tibay ko noh?




at parlor day ko ngayon. sabi sa inyo tinotopak talaga ako eh! wala naman talaga akong balak magpakavain today, pero bigla na lang akong nag-inarte kaninang umaga. kaya nagpagupit ako plus manicure at pedicure na rin. :)


so kumusta naman ang hair ko? ganun pa rin siya kahaba. hahaha! ayaw ko kasi paiklian masyado dahil sayang ang effort ng pagpapahaba. pero ung sa may harap, sobrang ikli na ngayon. at bangs alert na rin. gusto ko kasi ng mapaglalaruan at naiinggit ako sa mga taong may bangs! hehe. kaya nakiuso at nakigaya na rin ako.


ganda rin ng nails ko! ang bading ng kulay niya!! purple!!! ;p kapag napagtripan ko nga naman. at pagkauwi ko, dun ko lang napansin na kakulay niya pa ung cellphone ko. haha! ang cute!




halatang wala talaga kong magawa sa buhay ko. at napaghahalataang talagang depressed ako. too bad. :( aww. bitterness. ipa na talaga ang tatlong P na yan!! for more information about the ipa thingy, visit niyo ung blog ni jaimee. hahaha! prinomote ko na rin. :))




sa up kem batch 06A: kitakits nalang bukas sa rummage sale. sana pumatok!


it's the summer feeling i really love
5:38 PM





Friday, November 03, 2006



happy happy birthday manguni!!!! ;p hahaha. miss ko na yang bahay niyo. kelan na kaya ulit ako makakapunta dyan? dapat dun na lang ung bec bonding!




lesson learned: wag magpupuyat kapag may lakad kinabukasan! grabe! ang dami talagang nangyari simula kagabi. at kumusta naman ung hindi talaga ko matino gumalaw dahil sa sobrang kabangagan? :p




pero wala lang. ang happy pala talaga magreminisce ng mga nangyari sa buhay ko. :) since 10 years na kami magbest friend ni kassa, ang dami na rin pala naming memories together. at yun lang talaga ung pinag-usapan namin kagabi! ang focus ay ung high school days at ang kinababaliwan niyang prison break. hahaha! in fairness lang ah, maraming bagay rin ung nalaman ko dahil dun sa pag-uusap namin. sobrang tawa pa kami ng tawa dahil sa mga bloopers.


dapat rin pala, dun kami sa living room matutulog. kumpleto na nga kami ng hihigaan at sleeping stuffs eh! pero loka loka talaga ko at nagpumilit na sa kwarto na lang kami matulog. sobrang natatakot kasi ako kahit na nakabukas ung ilaw tsaka nakakamiss talaga ung kwarto ko. mga 2.30 tuluyan na talaga kami natulog dahil ayaw naming abutan ng 3 at baka multuhin pa kami. haha!




at ang resulta ng mga kabaliwan namin? 8.30 am na kami nagising. kung ordinary day lang sana, baka hindi pa talaga kami gising nung mga panahon na yun. pero dapat kasi makikipagkita kami kina owen ng 9 sa up eh. so lagot na! instead of pagmamadali, mga 9 pa yata kami bumangon. mga pasaway talaga!


kaya mga 11 na kami nakarating sa up. una namin nakita sina cleo, angelo, ikay at jay. syempre chikahan galore na naman kami dun! ang tagal ko na rin kasi silang hindi nakasama. tapos nakita rin namin sina toki, owen, bentu, blanch, gabe, johnal at janel. at sina gab, monci at jason naman ay nasa fc.




nakipagkita naman ako kina kara, pidee, kuya martin at ate angge after. ang original plan is pupunta na kami dapat ng sm. pero may mga hindi pa kami nakukuhang class cards kaya kinuha muna namin! hahaha. nakita rin namin dun sina jane, joha, josef at louie. :)


after 48 years ay pumunta na rin kami ng sm! pero hindi na sumama si ate angge. at dahil gustong gusto nga namin ni kara itry ung cerealicious, dun na lang kami kumain. in fairness nakakatuwa talaga ung mga names nung products nila! spoof kasi ng mga movie titles eh. at masarap rin mismo ung food. ang kakaiba nga nung milk na gamit nila. haha!


tapos umuwi na rin si kara after kumain. kami naman ni pidee, gustong kumain ng pizza. pero puro puno kasi ung mga resto kaya nag-ikot ikot muna kami. at frustration talaga! ang dami kong nakitang magagandang damit. pero so sad, wala akong pera ngayon. :( nauwi rin kami sa mcdo carpark in the end. ang dami kong nakitang xientians!




acads update naman.


nawala na rin ung problema ko sa chem! kasi nung nagpunta ko sa ic kanina, nakita na ung class card ko. hindi lang yata nakita dati kasi naka-staple dun sa class card nung lab partner ko. so confirmed na makakaenroll talaga ko next sem. haha. ang saya talaga! :p


at kumusta naman ang pe grade ko? ang baba niya talaga. pasalamat na lang talaga ko na hindi siya kasama sa pagcompute ng gwa! at hindi rin ako binagsak nung prof ko!


sa wakas, bumalik na rin ung crs. pero wala pa ung pre-enlistment results. nalaman ko lang na wala na rin akong problema kasi kumpleto na ung subjects ko for second sem dun sa grades viewing. hindi ko nga lang alam kung nakuha ko ung gusto kong schedule at prof for comm3. at least, hindi ko kailangan magmanual/prerog this sem. yehey!!!




batch project update lang: ang bait ng URC! may matino na talaga kaming deal. at sa tingin ko, sobrang laking tulong nun para sa amin. kaya lab na lab ko talaga ang URC ngayon!! sobrang salamat talaga! :)


panawagan na rin sa mga isko/iskang mag-eenroll: bili kayo ng C2 sa amin ah. friends naman tayo diba? maging mabait kayo! hahaha. maawa sa mga tindero at tindera.




sayang. dapat may kageca bonding ngayon sa moa eh! pero as usual, hindi na naman siya natuloy. may mga hindi kasi pwedeng pumunta. ang malas talaga namin! sobrang excited pa naman ako na makita sila ngayong sembreak. oh well. may next time pa naman! hahaha! miss ko na kayo kageca!


it's the summer feeling i really love
6:54 PM





Thursday, November 02, 2006



bati mode muna ko: happy all souls' day!




at pwede ko bang makalimutan ang isa sa mga pinakaimportanteng araw sa buhay ko? syempre hindi. kaya happy happy birthday to me!!! hahaha. talagang binati ko na ung sarili ko eh noh? wala lang. sobrang saya ko talaga ngayon eh! as in to the highest level. pagkagising kaninang umaga, todo smile na ang lola mo. :) at hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ung smile ko. come on diba?


nakakatuwa lang. dama ko na ang ganda ng start ng 17th year ng life ko! at wish ko talaga tuloy tuloy na. grabe kasi ung sobrang excited na ko magsecond sem! kasi naman, wala na rin ako masyadong magawa dito sa bahay. kaya mas gusto ko na rin pumasok. at feel ko maraming mangyayari. haha! :p




paano ko nga pala cinelebrate ang birthday ko ngayon?


actually andito lang talaga ko sa bahay namin. naghihintay ng mga tatawag at magtetext para batiin ako. joke lang! ;p pero ayun nga nagpadeliver lang ung kapatid ko ng food para sa family. at syempre para mas kakaiba, pinapunta ko rin ung bestfriend ko dito sa amin! haha. bonding lang kami ni kassa ngayon kaya dito na rin siya matutulog for the night.




gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng taong bumati sa akin. promise, sobrang napasaya niyo ako ngayon! you made my day talaga. at wag niyo na rin kalimutan ung gift ko ah? wahahaha!


it's the summer feeling i really love
6:54 PM





Wednesday, November 01, 2006



welcome to my new blog!




again and again. haha. nakakailang version na ba ko diba? kung hindi ako nagkakamali, this is my third blog. kasi naman hindi talaga ako marunong magmaintain. pero hopefully bagong buhay na ko ngayon. kahit hindi ko siya maupdate araw araw, okei lang sa akin. tanggap ko na likas na tamad lang talaga ako. :p


at bago ko pala makalimutan, happy all saints' day sa lahat!
parang ang weird yata nung greeting ko? oh well masaya ako ngayon eh. kasi birthday ko na bukas at seventeen na rin ako! yehey! :) kaya sa mga nakakabasa nitong post ko: batiin mo ko bukas ha? at wag mo rin ako kakalimutan bigyan ng regalo. hahaha.


sobrang bangag ko yata ngayon? ganyan ba talaga pag last day na ng 16th year ng life mo? waah. senti.




so ano na ba nangyayari sa buhay ko ngayon?


ayun galing akong cavite kanina. family reunion kasi. pero sobrang wala naman akong kilala, kaya kumain na lang ako ng kumain. haha. puro kasi matatanda na ung nandun at ung iba naman sobrang bata. in short wala akong ka-age! kumusta naman ako diba? pero enjoy pa rin naman kasi ang cute nung mga bata. cute cute talaga nila! mga artistahin pa nga eh. kaya balak ko silang kunin na mga models in the near future. as if may modeling company ako eh noh? wish ko lang.


pagkauwi naman namin, sinama ako ng nanay ko sa palengke. at nafeel kong napakainappropriate ng suot ko kanina. pero kinaya naman ng powers ko eh! at sobrang nakakatawa lang ung mga taong nakasalubong ko. lahat sila tinatanong sa nanay ko, "yan na ba ung maliit na bata dati?" like haller. ang laki ko na kaya ngayon! ganun na ba ko katagal hindi naglakad lakad dito sa may amin at hindi na nila ko marecognize?




buhay peyups naman.


nakakastress. hindi ko pa rin alam hanggang ngayon ung schedule ko for next sem, kasi hindi ko talaga mabuksan ung crs. at damay na rin dun ung grades viewing! buti na lang alam ko na lahat ng grades ko. except for pe.


at ang pinakamalaki kong problema ngayon: nawawala ung class card ko sa chem16! pero hindi ko naman talaga siya kasalanan. kasi nung kinukuha ko na sa ic window, wala siya dun. actually may deficiency ako kasi nawala ung padlock nung locker namin. pero ang weird kasi ung class card nung lab partner ko nandun naman. waaaaah! asan na kaya yun? paano ko mag-eenroll next sem?! pre-req pa naman yun ng chem17. :(


it's the summer feeling i really love
4:57 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007