Saturday, November 11, 2006



ayan. medyo okei na ko ngayon. masaya na ulit!! hahaha! salamat sa mga kausap ko kagabi. :p kaya kwento time na...




physics71: ang aliw nung prof! bata pa kasi siya eh, kaya feel ko makakasundo namin. medyo strict nga lang siya. pero nakakatawa pa rin!! naaalala ko pa sa kanya si mam moreNOH. haha! sana magaling rin siya magturo para ayos talaga.


chem17 lab: si mam carillo ung prof. ohyes! siya ung prof nung kabilang lab sa chem16, at sobrang mabait talaga siya. minsan kasi sumasama kami sa class niya nun. ang saya saya!! hindi na ganun kasaklap ang chem17 life namin. :)


chem17 lec: medyo nakakatamad ung schedule. ang boring tuloy nung class at nakakaantok talaga! :( pero mukhang matino ung prof. unang meeting pa lang kasi nagdiscuss na siya at in fairness lang talaga ah, magaling siyang mag-explain. may natutunan na agad ako.


math53: voltes V daw si sir wong?! come on. totoo ba yun? hahaha. hindi nga siya pumasok sa amin kahapon eh. nagmadali pa naman kami pumuntang math!! hmp.


comm3: asteeg ung prof ko!! naeexcite tuloy ako masyado sa mga activities namin. pakapalan na ng mukha! wahaha. though damang dama ko na ngayon na heavy load talaga ung ge ko, gusto ko pa rin siya. ;p challenging eh!




*classmate ko pala sa physics ung isang mini crush ko. ang galing nga eh! pagpasok ng room, siya ung una kong nakita. hahaha!! pero joke time lang naman yun...


it's the summer feeling i really love
5:52 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007