Monday, November 06, 2006



~happy birthday kay loren marian manuel!!! hahaha! :) isa sa mga taong pinakamatagal kong naging classmate. tatlong taon rin un! at in fairness, nabati rin pala kita ng personal kanina. hehe.




what a very long day! hay. pero hindi siya kagaya ng ineexpect ko. since enrollment nga ng lahat ng freshies today, iniimagine ko na sobrang gagabihin ako sa kakapila. at ang good news? saktong 12 noon tapos na ko. :) may kasamang ikot-ikot pa yun sa up ah. so kung sineryoso ko talaga ang enrollment procedure, malamang mga 11 pa lang tapos na ko. ang sarap ng feeling ng enrolled na!!! :p




dumating ako sa melchor hall ng 8. actually dapat talaga 7 ako pupuntang up, pero as usual late na naman akong nagising. pero it doesn't really matter. 9 pa naman kasi nagsimula ung distribution ng form 5A.


*chika lang: nakakatuwa si kuya gary!! :)) naaaliw talaga ko sa kanya.


at maswerte na rin ako sa crs ngayon. hindi ko man nakuha ung gusto kong sched ng comm3, ang importante kumpleto na ung subjects ko. kaya hindi ko na kinailangan magmanual! so happy talaga. ;p pero nakakatakot naman, tba pala ung prof ko sa comm3. so goodluck naman sa akin. sana mabait pa rin ung maging prof ko!!


**another chika: next time ko na ipopost ung sched ko. nakakatamad eh! basta darna days ko ang tf, 7.30-4 at walang break yun. literal na wala talaga. :(


since wala pang math si pidee at hindi na rin namin alam ni kara ung susunod na gagawin, pumunta na lang muna kami sa math building para makapag-enlist na ng math53 si pidee. pero malas lang kasi sa hapon pa daw siya pwede mag-enlist. ang swerte nga lang ni ron dahil maaga siya nakarating dun at hindi pa nasasabi na ang mga L-Z ay sa hapon pa!


so ano na bang sunod?? ahh. ang sobrang papampam na form 5 na pala. haha! pero bago namin siya makuha, kailangan muna namin magsagot ng survey. so kami naman ni kara go lang ng go!! pero wala rin talaga kami halos masagot. ang weird nung mga ibang questions eh. at buti na lang rin kasi dalawa lang kaming magkasama nun. malamang kung marami kami, sobrang napahiya na kami ni kara. dami naming mga bloopers eh!


basta in the end: pabalik balik lang talaga kami. punta sa library for the clearance, sa dept para sa post-advising, sa 3rd floor para sa checking at dept ulit para sa assessment. kapagod! grabe.


at syempre hindi pwedeng makalimutan ang payment. in fairness, nagulat talaga ako na nagmura ung tuition compared dun sa last sem. akala ko talaga kasi magmamahal eh! pero masaya na talaga ako, may pera na ulit ako kahit papaano. kasabay ko nga pala nagbayad si kumi sa as dahil pareho na naming gustong tapusin ung enrollment. at ung iba nagpakapasaway pa!




~~after enrollment, hindi pa rin ako umuwi. mga apat na oras rin akong naglibot lang sa buong up. tsaka sinamahan ko na rin ung mga kaibigan kong hindi pa tapos mag-enroll. sa wakas kumpleto na rin class cards ko!! yehey!! :p




wala na rin talaga kong magawa sa buhay ko. kasi pagdating ng mga 4.30 kanina, pumunta kami nina von at kuya michael sa pasig. kukunin kasi namin ung mga C2 stuff para sa pagbebenta bukas. syempre hindi alam ng parents ko na pumunta ko dun.


***chika minute ulit: ang banban ko talaga pagdating sa mrt!! =( sobrang nakakahiya ako kanina! oh well. hindi naman talaga kasi ako sumasakay sa mrt, kaya wala talaga akong alam sa mga chorba nila dun. at naging biktima ako kanina!! come on! hindi ako marunong mag-insert nung card. feel ko nga natatawa na ung mga taong nakakita sa akin kanina eh. pati rin naman kasi ako tumatawa na nun. hahaha! nakakahiya talaga! ;p


at kumusta naman ung adventure namin? successful naman siya. :) medyo marami nga lang disaster na nangyari sa akin kanina. una: nadudulas ako. haha! ilang beses rin akong nadulas noh. buti nalang talaga, hindi ako natutuluyan. pero ung nasa likod ko tawa na ng tawa. pangalawa: prone talaga ako sa aksidente! muntik na kong masagasaan. pero syempre, hindi pwede mangyari yun. sobrang alaga ako nung dalawa kong kasama eh.


wala lang. pasaway talaga kong bata! ang bad ko! akala ko nga mapapagalitan ako ng parents ko kanina, pero hindi naman nila ako nabuko. reyna na yata ako ng mga palusot!! sobrang master ko na siya. medyo nakokonsensya tuloy ako ngayon. :'( pero wala naman kasi akong magagawa, responsibilidad ko yun eh.




~~~salamat rin kina von at kuya michael sa pagtulong at pag-alaga sa akin kanina. hindi niyo talaga ako pinabayaan. thank you talaga. :)


it's the summer feeling i really love
9:40 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007