happy happy birthday manguni!!!! ;p hahaha. miss ko na yang bahay niyo. kelan na kaya ulit ako makakapunta dyan? dapat dun na lang ung bec bonding!
lesson learned:
wag magpupuyat kapag may lakad kinabukasan! grabe! ang dami talagang nangyari simula kagabi. at kumusta naman ung hindi talaga ko matino gumalaw dahil sa sobrang kabangagan? :p
pero wala lang.
ang happy pala talaga magreminisce ng mga nangyari sa buhay ko. :) since 10 years na kami magbest friend ni kassa, ang dami na rin pala naming memories together. at yun lang talaga ung pinag-usapan namin kagabi! ang focus ay ung high school days at ang kinababaliwan niyang
prison break. hahaha! in fairness lang ah, maraming bagay rin ung nalaman ko dahil dun sa pag-uusap namin. sobrang tawa pa kami ng tawa dahil sa mga bloopers.
dapat rin pala, dun kami sa living room matutulog. kumpleto na nga kami ng hihigaan at sleeping stuffs eh! pero loka loka talaga ko at nagpumilit na sa kwarto na lang kami matulog. sobrang natatakot kasi ako kahit na nakabukas ung ilaw tsaka nakakamiss talaga ung kwarto ko. mga 2.30 tuluyan na talaga kami natulog dahil ayaw naming abutan ng 3 at baka multuhin pa kami. haha!
at ang resulta ng mga kabaliwan namin?
8.30 am na kami nagising. kung ordinary day lang sana, baka hindi pa talaga kami gising nung mga panahon na yun. pero dapat kasi makikipagkita kami kina owen ng 9 sa up eh. so lagot na! instead of pagmamadali, mga 9 pa yata kami bumangon. mga pasaway talaga!
kaya mga 11 na kami nakarating sa up. una namin nakita sina
cleo, angelo, ikay at jay. syempre chikahan galore na naman kami dun! ang tagal ko na rin kasi silang hindi nakasama. tapos nakita rin namin sina
toki, owen, bentu, blanch, gabe, johnal at janel. at sina
gab, monci at jason naman ay nasa fc.
nakipagkita naman ako kina
kara, pidee, kuya martin at ate angge after. ang original plan is pupunta na kami dapat ng sm. pero may mga hindi pa kami nakukuhang class cards kaya kinuha muna namin! hahaha. nakita rin namin dun sina
jane, joha, josef at louie. :)
after 48 years ay pumunta na rin kami ng sm! pero hindi na sumama si ate angge. at dahil gustong gusto nga namin ni kara itry ung
cerealicious, dun na lang kami kumain. in fairness nakakatuwa talaga ung mga names nung products nila! spoof kasi ng mga movie titles eh. at masarap rin mismo ung food. ang kakaiba nga nung milk na gamit nila. haha!
tapos umuwi na rin si kara after kumain. kami naman ni pidee, gustong kumain ng pizza. pero puro puno kasi ung mga resto kaya nag-ikot ikot muna kami. at frustration talaga!
ang dami kong nakitang magagandang damit. pero so sad, wala akong pera ngayon. :( nauwi rin kami sa mcdo carpark in the end. ang dami kong nakitang xientians!
acads update naman.
nawala na rin ung problema ko sa chem! kasi nung nagpunta ko sa ic kanina,
nakita na ung class card ko. hindi lang yata nakita dati kasi naka-staple dun sa class card nung lab partner ko. so confirmed na makakaenroll talaga ko next sem. haha. ang saya talaga! :p
at kumusta naman ang pe grade ko?
ang baba niya talaga. pasalamat na lang talaga ko na hindi siya kasama sa pagcompute ng gwa! at hindi rin ako binagsak nung prof ko!
sa wakas, bumalik na rin ung crs. pero wala pa ung pre-enlistment results. nalaman ko lang na wala na rin akong problema kasi
kumpleto na ung subjects ko for second sem dun sa grades viewing. hindi ko nga lang alam kung nakuha ko ung gusto kong schedule at prof for comm3. at least, hindi ko kailangan magmanual/prerog this sem. yehey!!!
batch project update lang: ang bait ng URC! may matino na talaga kaming deal. at sa tingin ko, sobrang laking tulong nun para sa amin.
kaya lab na lab ko talaga ang URC ngayon!! sobrang salamat talaga! :)
panawagan na rin sa mga isko/iskang mag-eenroll:
bili kayo ng C2 sa amin ah. friends naman tayo diba? maging mabait kayo! hahaha. maawa sa mga tindero at tindera.
sayang. dapat may kageca bonding ngayon sa moa eh! pero as usual, hindi na naman siya natuloy. may mga hindi kasi pwedeng pumunta. ang malas talaga namin! sobrang excited pa naman ako na makita sila ngayong sembreak. oh well. may next time pa naman! hahaha!
miss ko na kayo kageca!
it's the summer feeling i really love
6:54 PM