Sunday, November 05, 2006



medyo kakauwi ko lang ngayon. :p galing kasi ako ng krus na ligas for our rummage sale part 1, at nagpunta ng sm after. happy day for us!!




actually dapat talaga pupunta ung family namin sa sementeryo ngayon. kasi hindi pa talaga kami nakakavisit sa loved ones namin na namayapa na. pero dahil nga may batch project chorba kami ngayon, hindi na ko sumama sa kanila. tsaka sabi naman nila hindi rin naman sila magtatagal dun kaya pinayagan na rin nila akong pumunta na lang dun sa lakad ko. kaya hinatid muna nila ko sa mcdo philcoa, dahil na rin sa sobrang bigat nung mga pocketbooks na ibebenta ko.


pagdating sa meeting place: si von at ron pa lang ung nandun! come on naman diba? ang dami namin ah, for a rummage sale. pero dumating rin naman si ate mary kaya go lang kami. at ang unang stop ay sa boarding house nila hannah. kinuha lang namin ung table, tapos dumeretso na sa barangay hall.


at nakakaloka pala siya! kakalatag pa lang namin nung white cloth, biglang dumagsa ung mga tao sa place namin. so medyo nakakataranta na rin. sila na nga mismo ung naglabas ng mga stuff mula dun sa plastic bags at kanya kanyang kuha na rin. pero masaya talaga siya over-all. dumami rin kasi ung mga rummage dahil dumating pa sina ate leanne, ate lor, pidee, kara, choops, nicco, fritzie, jamie, analyn, sheryl at kenneth. :)




mga kakaibang nangyari naman kaninang nagtitinda kami.


nagkaroon ng bagong bestfriend si niccolo. pero take note, hindi siya ganung kaordinary. dapat pa nga yata si kara ung magiging bestfriend niya eh. kaya lang masyadong natakot si kara sa kanya at nung napansin ni nicco yun, nilapitan na niya. basta puro about marcos etc. ung mga sinasabi niya sa amin. at sinasabi rin niya na wala daw kaming laban dun sa anak niyang miss krus na ligas. sobrang sama ko na ba?? sorry. ang weird lang talaga nung encounter eh.


at may tatlong bata rin na naging kaibigan namin. ung isa nga dun kamukha pa ni budong ng super inggo eh. at kakaiba rin talaga sila!! haha. ang lakas magsabi ng mga bad words, tsaka medyo may pagkabastos ung mga sinasabi nila. pero nakakatawa kasi ung dating nila.


tapos may sinabi rin ung isang lalaki kanina na talagang pumatok sa amin ni hannah. kasi may pinipigilan kaming bata sa pag-akyat dun sa flower pot, nakakatakot kasi baka mahulog pa siya. bigla ba namang sabi nung lalaki: "bumaba ka nga dyan. akala mo madali ka lang gawin ah." hahaha! sobrang babaw ba namin?? sorry lang. pero tawa talaga kami ng tawa, kasi ang seryoso nung itsura niya nung sinabi niya yun.


nung bumibili rin kami ni ron ng pagkain, may nakita kaming streetfood dun sa may tabi. eh ang kakaiba masyado nung itsura niya. so tanong naman kami agad kung ano yun. ang sabi sa amin nung nagtitinda: "piso." sabi namin baka nagkamali lang siya ng pagkakarinig. maya maya bumalik ulit kami, tapos tinanong ulit kung ano yun. sabi niya: "piso" pa rin. ang kulit!! ;p kaya hindi na namin inusisa kung ano pa yun. bumili na lang kami at in fairness naman, masarap siya kahit piso lang ang isa.




after ng mahaba-habang araw: pupunta naman kami ng sm! pero si von pasaway, tinakot pa kami. sabi niya may nararamdaman daw siyang hindi magandang mangyayari. eh diba nga may trauma na ko sa mga ganyan? kaya natakot naman ako. at si von naman, umuwi na lang.


pero kami nina pidee, choops, kenneth at nicco sobrang mga pasaway! tumuloy pa rin kami sa sm kahit na may chorba na ngang pangitain! buti na lang talaga wala naman nangyaring masama sa amin kanina. kumain lang kami ulit sa cerealicious kasi gusto nga tikman ni kenneth. sarap talaga dun forever!! :p




*tanong lang. bakit may mga taong ganun? hindi nila iniisip ung kapakanan nung iba, kasi sarili na lang nila ung nasa isip nila. sige. sabihin na nating human nature yun. pero pwede naman iwasan diba? may choice ka. pero pinili mo pa rin maging makasarili. :(


**enrollment na bukas!!!! so excited. ;p


it's the summer feeling i really love
8:23 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007