napakastressful ng araw. promise. :(
hindi talaga ko dapat pupuntang up ngayon. dahil nadama kong sobrang sama ko na, at medyo hindi rin maayos ung pakiramdam ko kaninang umaga.
pero alam ko naman na kailangan ng co-new mems ko ng tulong kaya pumunta pa rin ako.maglulunch na pala ung mga tao pagdating ko dun. so sumama na rin ako sa kanila papuntang philcoa at sa
mcdo kami kumain. sobrang saya talaga kanina!! :) ang dami kasi namin eh:
ako, von, duane, patrick, josef, louie, ron, ate leanne, ate germs, ate megs, ate unja, ruth at hannah. dami rin nabuong mga kachorbahan! nandyan ung mga
spice girls, pussy cat dolls, moffatts featuring mariah carey at san miguel kural. hindi ko na maalala ung iba pa at kung tama ba ung mga names na yan. :p
pagbalik naman namin sa up, todo work ang inatupag namin. parang replay nga nung
cello's fundraising ung nangyari eh! kasi kahit hindi namin kilala hinaharang namin kanina. tapos tinatanong kung gusto ba nila bumili ng C2. nakakahiya talaga!! pakapalan na ng mukha.
::
cute pala ng mode of transportation ng aming C2. nasa tambayan kasi ung mga bottles tapos kaming nagtitinda naman nasa may lobby. kaya kapag may bumili, hinuhulog na lang nung mga nasa taas ung inorder. swerte mo kapag nasalo namin ung bote! pero kapag naman hindi, better luck next time. hahaha!!
:: salamat nga pala dun sa mga bumili. :)
mahal namin kayo!!!!hinatid namin ung mga natirang C2 sa boarding house nila ate leanne. tapos kami nina
josef, ron at ruth pumunta ng sm para bumili ng mga school supplies. mga excited eh noh?? haha. nakita ko sa red ribbon sina
dina at inah tapos sina
nat at francis naman sa national.
namiss ko tuloy bigla ang kisay!after namin magshopping galore, kumain kami sa
yoshinoya. nagchikahan lang kami. in fairness, first time ko sila makasama kanina. nakakaaliw. :p
sana magkaroon pa ng maraming bonding moments ngayong second sem.::
under-assessed pa pala ko! mali daw kasi ung binayaran naming misc fee. ung mga natapos mag-enroll kahapon 615 lang ung binayad, tapos ung mga kanina lang natapos 1015 ung binayaran. so magbabayad pa ko ng 400 bukas! waaah!! nakakatamad na. pero gagawin ko na rin, kaysa naman
maging ineligible pa ako next sem.:: ang dami na namang problema!! kaya nakakastress eh. sa totoo lang talaga, hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko.
mahirap kayang maipit. hindi ko na rin kasi naiintindihan ung mga nangyayari ngayon. kagaya nga ng sabi ko, gagawin ko naman talaga lahat ng makakaya ko para maayos ung gulo.
pero hindi ko na talaga alam kung hanggang saan ung matutulong ko. :(
it's the summer feeling i really love
8:58 PM