Saturday, November 25, 2006



thursday was a very funny day. ang dami kong bloopers eh!


pumunta kasi kami nina kara, josef, louie and kenneth sa cellos after nung physics lec. kukunin namin ung inorder na 10 boxes na ibebenta namin to raise funds for our batch project. sumakay na kami ng taxi pabalik ng up. mga past 10 na yata nun tapos may klase pa ko sa nip ng 10.30 and that is physics lab. since hindi nila alam kung saan nila ako ibababa, sinama na rin nila ako hanggang sa tambayan. maglakad na lang daw ako hanggang vinzons then sakay ng katips na jeep.


so yun exactly ung ginawa ko. pero pagdating ko ng vinzons, walang katips na jeep!!!! kaya natataranta na ko kasi mga 10.25 na nung mga panahon na yun. ang tagal ko rin nag-isip kung magtataxi na lang ba ako or still wait for the jeepney. in the end, pumara na lang ako ng isang taxi na dumaan.


and guess what? same taxi na sinakyan namin ung nakuha ko. :p hahaha! sa kinadami daming taxi na dumaan sa harap ko, yun pa ung napara ko. ang funny talaga nung nangyari. tawa nga ako ng tawa pagkasakay ko eh. pagkasabi ko kasi na sa katips ako pupunta, sabi sa akin nung driver: "babalik ka na naman ng katipunan?" so naalala pa pala niya ako. nakakahiya! at chinichika chika pa niya ako, kasi naging friendly friends sila ni louie nung una kong sakay dun.


pero late pa rin ako sa klase ko. :( pasalamat na lang talaga at wala pa silang ginagawa! nagbibigay pa lang si mam ng mga handouts. at ayoko na talaga ng sig fig kahit kailan. nahilo lang ako kakasagot nung worksheet!! ~at wala lang, mahal ko ung mga groupmates ko. hahaha. go group 4!


at ang saya saya ng pe sobra!! nakakapagod at masakit sa katawan, pero nakakaaliw talaga siya. ang galing ni sir sumayaw! :)




kahapon naman ay happy day pa rin dahil hindi ko na naman nadama na it is a darna day! maaga kasi kaming natapos sa chem lab, at walang chem lec. ohyes!! kinakabahan ako kasi wala akong alam sa chem dahil hindi ako nakapag-aral at feel kong zero na naman ako sa exam niya. failing talaga ako sa chem17. :( kaya kailangan ko na talagang magsipag. pero as if naman kaya ko diba??


ang gwapo talaga ng recit prof ko. haha! sabi nga namin ni kumi, huwag na lang kami titingin sa kanya. baka hindi pa namin matapos ung pinapasagutan sa amin. :P


love ko na rin ang comm3 ngayon! wala lang. :D dati kasi yun ung class na tinatamad na kong pasukan, at maraming beses ko na rin naisipan magcut dun. pero nag-eenjoy na ko ngayon eh!! heavy load siya pero mukhang marami ka naman talagang matututunan.


nagkita naman kami nina jaimee at dina sa as lobby. hinintay lang namin si abi na galing math, tapos sinamahan nila ko sa tamabayan ng kem. tapos naghiwalay na rin kami. sina dina at abi pumuntang cmc para sa broad ass. at kami naman ni jaimee pumuntang sm. dun kasi ung daan niya pauwi, tapos hinihintay naman ako ng nanay ko dun. shopping galore. :) hahaha!


it's the summer feeling i really love
8:21 AM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007