unang una sa lahat, may babatiin muna ko:
happy happy birthday kay miss batch head at ham goddess ng batch 06A na si ate mary kristine macapagal!! we love you ate mary! kahit na madalas ka naming inaaway, lab ka pa rin namin. ;p
may natutunan na naman akong lesson ngayon. hahaha! sobrang pasaway ko kasi eh. pumunta ko sa bank kanina para ipaactivate ulit ung account ko.
so kumusta naman talaga ung hindi pareho ung pirma ko dun sa atm card at sa papel na pinasulatan nila sa akin? pati sila nagtaka na. pero kasi elem pa nasa akin ung atm, kaya malamang expired na talaga ung pirma kong yun noh. pinapalitan na lang ung card ko. :) at ang lesson learned:
dapat stick to one ka lang. hmm, parang double meaning yata yun? joke lang!!
syempre pumunta na naman ako ng up. pero hindi ko nagawa ung dapat kong gagawin. :( dapat kasi babayaran ko na ung 400 na kulang sa misc fee ko, kaya lang wala akong kasama at sobrang haba pa nung pila. kapag may classes na lang siguro namin yun aasikasuhin.
at ang walang kamatayang pagbebenta ng C2! come on. pinagtatawanan na talaga kami ng mga tao!! pero enjoy naman kami, kasi medyo maraming bumili kanina.
at first time rin na ung tao pa mismo ung pumunta ng tambayan para bumili. achievement talaga un! sana lang makaearn kami ng sapat para mapagawa ng maayos ung batch project namin. please help us na. :p
nagquit na rin pala ko sa cheerbells. actually kahapon pa namin pinoproblema kung paano sasabihin sa kanila na kailangan na namin umalis. may conflict na kasi sa parents tapos sinabayan pa ng problema sa acads. kaya nagquit na kanina kami nina hannah
, josef, pidee at von. pero may balak pa rin naman akong bumalik! gusto ko talaga magcheering eh! ;p may mga bagay lang akong kailangang ayusin at tamang timing na rin siguro.
isang pangyayaring hindi ko makakalimutan: may nakausap akong tao ngayon na nagparealize sa akin ng maraming bagay. siguro ung mga hindi ko naiintindihan dati, naging malinaw na dahil sa mga sinabi niya kanina. kaya nagpapasalamat talaga ko sayo. :)
it was a great help actually - not only for me, but also to the people who were involved.haha! ang senti ko na naman. :(
it's the summer feeling i really love
8:36 PM