wala lang. medyo matagal rin akong hindi nakapag-update, kasi sobrang naging busy ang life ko. at siguro tinamad na rin! hahaha! oh well.
wednesday nagstay lang ako sa bahay. kumusta naman yun diba?? kakaiba pala ung feeling ng wala kang pasok kapag wednesday. pero masaya siya!
lalo na kapag stressed ka na! pwede kang magpahinga ng isang araw.
dapat pupunta ako ng
moa kasama ung mga
math17 classmates ko. pero hindi na ko sumama sa kanila. :( ang dami kasing problema nun eh, at nagkasakit pa ko. sayang naman!
thursday nakilala na namin ung physics71.1 prof namin. ang aliw niya!! :p tsaka ang kakaiba rin nung class. hindi namin kailangan ng lab manual! kasi kami daw ung experimental class, meaning different ang physics lab namin compared sa iba. hindi daw namin gagawin ung procedure na nakalagay sa lab manual.
we have to make our own. challenging!!!! :p
rtr day rin. kasama ko sina
kara, kenneth, pidee at von. sa simula sobrang nakakahiya talaga! pero nag-enjoy rin naman kami. :) at ang favorite line namin?
being part of an org is good. but being part of up kem has always been better. ang taray!
may adventure rin palang nangyari sa akin that day. pumunta kami ni pidee sa katips para bumili ng materials for chem, tapos nagcellos na rin kami. eh 4 pm may klase pa ko. mga 3.30 dapat babalik na ko ng up kaya lang wala akong masakyan na taxi. at hindi rin ako makapagjeep kasi sobrang traffic naman. so nung mga 3.40 na, i decided to walk na lang pabalik ng up.
literal na lakad mula katips papuntang up! at solo flight pa ako nun kasi umuwi na si pidee. lakad lakad ako dun. nung medyo malapit na ko sa nip, may biglang dumaan na taxi. sumakay na ko. pero in fairness ang haba rin nung linakad kong yun!!! waaaah!!! sayang ung effort ko. pero ang importante hindi ako na-late sa class!
smile!! :)friday ang pangit ng araw academically speaking. sinimulan kasi ng physics eh. recitation class kami.
pero masaya naman kasi ang gwapo nung prof! hahahaha!!!
hindi naman natuloy ung experiment sa chem. actually ayos lang yun kasi tinatamad rin kami mag-lab that day. pero hindi okei ung chem lec! pesteng quiz yun. bagsak agad ako!! kasi naman eh, wala akong naiintindihan dun sa sinasabi nung prof ko. dictation pa naman ung exam!
babawi talaga ako next time.
sa comm naman, syempre hindi ako nagbasa nung reading namin. tapos bigla akong tinawag! at wala akong nasagot! napakabarbero ko!! ang saklap.
saturday nagpunta ko ng hospital for check-up.
at happiness yun! hahaha!
do-day rin pala namin for batch project. pero apat lang kaming pumunta.
ako, ate mary, duane at von. inayos lang namin ung bigating locker at glass display sa dept. tapos umuwi na si ate mary. kumain naman kaming natira plus si kuya martin sa jollibee. at nagpunta ng sm. nakita ko naman dun sina
nat at cherry.ang daming nangyari noh? syempre. :)
colorful ang life ko eh! haha!
happy birthday nga pala sa lahat ng taong may birthday ngayon at nung past few days. :p pasensya na kung hindi ko kayo nabati ah.
mahal ko kayo!!
it's the summer feeling i really love
8:51 PM