welcome to my new blog!again and again. haha. nakakailang version na ba ko diba? kung hindi ako nagkakamali, this is my
third blog. kasi naman hindi talaga ako marunong magmaintain. pero hopefully bagong buhay na ko ngayon. kahit hindi ko siya maupdate araw araw, okei lang sa akin. tanggap ko na likas na tamad lang talaga ako. :p
at bago ko pala makalimutan,
happy all saints' day sa lahat!parang ang weird yata nung greeting ko? oh well masaya ako ngayon eh. kasi birthday ko na bukas at seventeen na rin ako! yehey! :) kaya sa mga nakakabasa nitong post ko:
batiin mo ko bukas ha? at wag mo rin ako kakalimutan bigyan ng regalo. hahaha.
sobrang bangag ko yata ngayon? ganyan ba talaga pag last day na ng 16th year ng life mo? waah. senti.
so ano na ba nangyayari sa buhay ko ngayon?
ayun galing akong cavite kanina.
family reunion kasi. pero sobrang wala naman akong kilala, kaya kumain na lang ako ng kumain. haha. puro kasi matatanda na ung nandun at ung iba naman sobrang bata.
in short wala akong ka-age! kumusta naman ako diba? pero enjoy pa rin naman kasi ang cute nung mga bata. cute cute talaga nila! mga artistahin pa nga eh. kaya balak ko silang kunin na mga models in the near future. as if may modeling company ako eh noh? wish ko lang.
pagkauwi naman namin, sinama ako ng nanay ko sa palengke. at nafeel kong napakainappropriate ng suot ko kanina. pero kinaya naman ng powers ko eh! at sobrang nakakatawa lang ung mga taong nakasalubong ko. lahat sila tinatanong sa nanay ko,
"yan na ba ung maliit na bata dati?" like haller. ang laki ko na kaya ngayon! ganun na ba ko katagal hindi naglakad lakad dito sa may amin at hindi na nila ko marecognize?
buhay peyups naman.
nakakastress. hindi ko pa rin alam hanggang ngayon ung schedule ko for next sem, kasi hindi ko talaga mabuksan ung crs. at damay na rin dun ung grades viewing! buti na lang alam ko na lahat ng grades ko.
except for pe.at ang pinakamalaki kong problema ngayon:
nawawala ung class card ko sa chem16! pero hindi ko naman talaga siya kasalanan. kasi nung kinukuha ko na sa ic window, wala siya dun. actually may deficiency ako kasi nawala ung padlock nung locker namin. pero ang weird kasi ung class card nung lab partner ko nandun naman. waaaaah! asan na kaya yun? paano ko mag-eenroll next sem?! pre-req pa naman yun ng chem17. :(
it's the summer feeling i really love
4:57 PM