Sunday, December 31, 2006



watched enteng kabisote 3 yesterday. ang comedy talaga. sobrang patok sa amin ni kassa. buong movie kami tawa ng tawa. aliw pa kami dun sa mga pauso nila: "yun o!" haha. and ang ganda ng mga costumes nila. kainggit!! fairy tale ang drama... :)


bought a new skirt and a gift for cj. retro kasi ung theme ng debut niya. at hindi ko inexpect na ganun pala kahirap maghanap ng outfit. T_T pero cute naman eh. pareho ung skirt namin ng bestfriend ko, akin blue tapos sa kanya green. kinarir na namin ang pagiging super twins. :P and bag from jellybeans naman ung regalo ko. i love it! color pink with polka dots.




then we went to aberdeen court for the debut. puro xientians mga nakita ko. ang happy talaga. :) lumabas na naman kaadikan namin sa pichuran. kulit nung mga poses. hehe.


medyo formal ung celebration. nandyan ung 18 roses, 18 candles, 18 gifts, 18 shots and the 18 treasures. kwela lang talaga ung emcee. agaw eksena dahil sa mga pang-ookray. walang tigil sa kakabanat. even nung disco time. and to think ang high na namin nun!! wild na!


ang saya. :) and kitang-kita naman kay ceige na sobrang enjoy rin siya. so happy for her. sa kanilang dalawa nung special someone niya. hehe.


kaya thank you talaga cj!! had a wonderful time... :P happy happy 18th birthday ulit! and sana ngayon na 18 ka na, maging masaya ka in everything you do. remember that we are always here for you. tsaka goodluck sa studies, barkada life, love life at lahat lahat na. ingat ka palagi at god bless. mahal na mahal ka namin friend! :)


it's the summer feeling i really love
3:13 PM





Friday, December 29, 2006



para tapusin ang napakahabang kwento ko tungkol sa engg week...




december 14 - engg week day 6
[belated happy birthday kay lica! sorry sa sobrang late na bati]


hindi ako pumuntang ga namin that morning kasi tinapos ko pa ung postlab sa physics. pero it turned out na hindi rin pala ipapasa, dahil hindi pa niya yun natuturo sa amin. oh well. naggroup activity lang kami. buti madali lang napunta sa amin kasi dalawa lang kaming pumasok sa group.


punta na ng tambayan after. gumagawa na sila ng props for maartengg tambayan. kaya syempre tulong na kami. aliw ung theme. room ng princess. :)


nanood na rin kami ng burstengg at nagcheer dun sa mga nagmamarathon.


tapos umuwi na ko after ng pe. may hamlet paper pa kasi akong kailangang gawin. kaya i decided na hindi na lang ako manonood ng maskipaps. at ie club na naman daw ung nanalo.




december 15 - engg week day 7


ang dami kong namiss dahil sa paggawa nung hamlet paper ko. hindi ko kasi siya nagawa the previous night kaya cram nung umaga. at grabe!! tatlong pages lang pero inabot ako ng 48 years sa paggawa. wala talaga kong mailagay eh. :(


so debatengg na lang naabutan ko. libag vs libog. haha. nanalo ung erg.


at shocked ako in fairness. ang init ng labanan between iec and kem. nagkaroon daw kasi ng dance contest ung prime. tapos si kuya eszard ung amin! come on! ang galing nun diba?? pero ie pa rin ung nanalo. kaya sinasabi nilang luto...


lantern parade naman: malay kung ano nangyari dun. nacancel daw pero natuloy pa rin. basta wala akong napanood. hahaha! ung sa engg lang nakita ko.


tapos ang dami rin nagrarally. yun ung napanood ko. i belong to them pa nga eh. kasi nakared rin ako. joke! pero dun ko lang nalaman na naapprove na pala ung tofi. maygali talaga. taghirap mode na to the nth level. wala na nga akong pera. hmp!!!


first time ko rin nakita ang up na ganun karami ung tao. nakakahilo. pero ang dami ko rin nakitang fellow xientians. kaya masaya. :P


miss engg: open pala siya to everybody. even to outsiders. sobrang nagkagulo tuloy. good thing na lang talaga na may tickets na kami. pero siksikan pa rin of course. pang-aliw na lang namin ung mga binili naming lights.


sa sobrang daming manonood, hati-hati na lang sa upuan. at kashare ko si pidee. nakakastress rin yun ah. pero may advantage naman kasi sa location namin. nasa likod kami ng esc kaya first hand source ung nakikita namin. direct from the laptop. medyo malayo nga lang sa stage kaya hindi ko talaga makita ung mga contestants.


katabi namin ang ie club. so ano pa bang ieexpect? okrayan na naman.


omg!!! crush ko si miss ie club!! ang cute niya kasi dun sa video eh. yiiii! pero kainis siya dun sa mismong contest. napakadramatic. mukha na siyang naiiyak.


maganda ung miss aggre ba yun? basta mukha talagang babae. pati daw si miss circuit.


pero medyo nabangag yata ung mga hosts nung nagbibigay na sila ng awards. ang green na nila. hahaha! tapos may mga weird rin na awards na binigay. kagaya nung miss kurimaw ng alchemes tsaka ung miss thank you for joining award. kakaiba talaga.


gusto ko ung sagot ni miss cursor dun sa question and answer. SEXY talaga eh!


tapos may special participation pa si kuya daril. MISS ENGG 2005. :)
ie club ung first. circuit naman ung second, kahit palagi siyang nilalait. at erg ung third.




results ng engg week???


ewoc pa rin ang ie club. waaaah! 18 years na yan ah. tama na!!
second ang kem syempre!! weeeee! sana kami na ewoc sa mga susunod na taon. hahaha.


congrats ie club! congrats cursor! congrats ciem! congrats erg at circuit!
at congrats sa lahat ng orgs na kasali sa engg week!
after all ng panglalait, pang-ookray, pang-aaway, pagsisigawan and everything - back to normal na ulit ang engg. engg week is over na.




at sa up kem:


salamat salamat salamat!! sobrang memorable ng una kong engg week sa up. kahit nakakapagod at nakakahaggard talaga, sobrang fun pa rin. napakasaya niya. enjoy talaga. ang dami ko rin nalaman at natutunan dahil dun sa mga events na yun. kaya thank you. :) pasensya na kung hindi masyadong nakatulong. pero ngayon alam na namin how it works. i love up kem!


KEM GO FIGHT!!! KEM GO FIGHT!!! KEM GO FIGHT!!!


it's the summer feeling i really love
6:16 PM





Thursday, December 28, 2006



december 12 - engg week day 4


not really an engg week day for me. may chem postlab kasi kaming kinacram. at meron din math long exam. parang hell day na rin.


at bagsak yata ako dun sa exam? ewan. basta nakakainis yun. first question pa lang blanko na utak ko. hindi ko kasi maalala ung formula. T_T tapos feel ko sobrang banban ko sa limits. pero gets ko naman siya nung highschool. waaaaah!! nakakaiyak.


jester ole na lang ung naaalala kong event that day. at first daw ang kem. :) wheee! syempre si kuya lou at ate rog yun eh...




december 13 - engg week day 5


ang aga ng exam sa physics! late na nga ako dumating eh. pero good thing na late rin nagstart ung exam. oh well. sana pumasa naman ako dun kahit marami na kong mali. :(


gawa pa rin ng chem postlab after the exam. hindi kasi namin napasa the previous day. kasama ko sina jane, joha, josef, louie at von sa katag. tapos nakita namin sina ron papuntang eee para dun sa music video making.


taralets ung amin. ang fun panoorin!! lalo na ung dun sa ikot jeep part. hehe. at come on! mga extra rin pala kami dun. hindi lang masyadong kita. hahahaha!!!


nakwento rin sa amin ni ron ung nangyari dun sa command and conquer. basta ang sama talaga. minura daw kami nung kalaban naming org dahil pinaparinggan sila ng kem. like haller. katuwaan lang kaya yun! naobvious tuloy na nangdadaya nga sila. haha. tapos tinatawag rin daw kami ng ie club na mga patay gutom. nakakatawa na lang...


so umuwi muna ako para gawin ung worksheet ko sa physics lab. pero wala rin akong nagawa.


bumalik lang ako para manood ng indakan. at sobrang saya niya!! syempre todo suporta kami sa kem. at ang galing galing talaga. promise. ang saya nila panoorin.


si ate pheng at kuya aids ung sa pair. sinayaw nila ung legs. at nakakatuwa sila in fairness. ang galing magproject ni ate pheng tapos nag-eemote pa si kuya aids. sabi pa ni douglas nierras, complicated daw ung ginawa nila. at sobrang linis. hindi kasi sila nagkamali.


at fan talaga ko ng kem troupers forever!!!!! grabe!!! sobrang wow!! walang dull moment dun sa performance nila. mga professional kung tignan. eraserheads pa mga kanta nila! waaah! hindi lang sila basta basta nagsasayaw. nagpeperform sila. sabi rin ni douglas nierras, hindi daw nila sineseryoso yun. nag-eenjoy lang sila. and not only are they very talented performers, but also very intelligent. go kem!!


congrats sa enggsoc, cursor at ciem for winning sa pair!
at congrats sa kem, ciem at cursor for winning sa group!


in fairness ang galing rin ng ciem. at kahit nagloko ung music ng cursor, carry lang. :)


kem pa rin ang champion ng indakan. for the 7th consecutive year!!!!!!!


it's the summer feeling i really love
6:53 PM





Tuesday, December 26, 2006



awitan 2006 - december 11, 7 pm




pumunta kami ni joha sa katips para kunin ung food ng judges. ang kulit nung manager!! nakakabangag siyang kausap. pang-aliw na rin kasi medyo matagal kaming naghintay.




so pagbalik namin sa up theater... brownout! come on! kaloka. kailangan naming magbihis with no lights at all. good thing na lang na nandyan ung phone ni josef, kaya medyo nakakakita naman kami habang nagbibihis. creepy pa naman sa cr.


and the fashion for the night? semi-formal black top and faded jeans with attitude. syempre pasaway ako. haha! nakablack top ako pero with white bolero. and hindi rin red ung accessories ko. more of silver pa nga. at ang pants talaga!! mukhang naexagge ung attitude. parang natapunan ng beads and glitters all the way. hahaha.




mga 9 pm na yata nagstart ung event. buti na lang marami pa ring manonood nung time na yun. medyo napuno ung theater. good job guys! :P


panggising rin ung mga hosts. ang galing nila promise!! ang lakas pang mang-okray nung mga yun. tawa na lang nga kami ng tawa eh. at syempre congrats rin kay louie na nag-arrange nung fruitcake piece! kahit hindi ko talaga alam ung kantang yun, halos namemorize ko na siya after ng awitan. more than 1o times ba naman kantahin eh. lss alert.




dahil nag-usher ako, naassign sa akin ang enggsoc at ie club backstage. pero hindi naman nila ko talaga inutusan. rineremind ko lang sila once in a while kung sino na ung nagpeperform at kung malapit na ba sila.


at come on ang iec! naaliw talaga ko sa kanila. karir mode. talagang nagpatahi pa sila ng costume. pero hindi lang yun: pati sapatos nila, pati necklace pare-pareho. grabe.




from the start ciem na ang boto namin na mananalo. naririnig kasi namin sila habang nagprapractice. and what can i say? magaling talaga sila. no questions asked. ang cute pa ng costume nila. mga nakakarir mode rin yata ung mga yun eh.




congrats sa ciem, ie club at jpia!! :) saya ng awitan. carol fest to the highest level...


it's the summer feeling i really love
3:20 PM





Monday, December 25, 2006



december 25 na...
MERRY MERRY CHRISTMAS! :)




salamat sa lahat ng mga bumati. pati na rin sa mga taong nagregalo [at sa mga taong gusto pang humabol, pwedeng pwede pa. haha.] maraming maraming salamat!! ang happy!


pero wag nating kalimutan na ang christmas ay really for loving. [yes naman kathy. saan galing yun? :P so not me. haha.] so nevermind na rin kung wala tayong mga regalong natanggap. ang mahalaga naman ay masaya tayong lahat at nagmamahalan. kung may mga kaaway man tayo, makipagbati na. true spirit of christmas.


kaya sorry sa lahat ng mga taong tinarayan ko, inalipusta, inapi, inaway, sinupladahan, sinigawan and everything. makakaasa kayong mahal na mahal ko pa rin kayo. naglalambing lang talaga ako. [charing!]


basta love you guys!! ingat kayo palagi. at miss ko na talaga kayo! smile always and god bless. kitakits na lang next year pag may pasok na ulit [kaya dapat acad mode na.]




happy birthday rin sa aking pinakamamahal na nanay! ang tanda mo na. haha.


*ps: sorry naman kung ang kulit ng post ko. ang dami kong side comments. bangag eh! okei lang yan. mahal niyo naman ako. aminin na. yiii. :)


it's the summer feeling i really love
5:16 PM





Friday, December 22, 2006



belated happy birthday kay blanch kahapon at happy birthday naman kay melai ngayon. :)




december 22 na pala noh? ang weird. 3 days na lang pasko na pero hindi ko pa rin feel. wala pa kasi akong nabibilhan ng regalo. at sabi pa namin ni inah, dama naming wala rin kaming matatanggap. T_T taghirap kasi ngayon


pero nevermind that. sobrang saya ko naman these days eh. sapat na yun as a christmas present. basta masaya!




~ AVO 3 - AVO 4 REUNION ~


hindi kasi appropriate ung "swimming party" kasi wala namang nagswimming. haha. good for me!! :P wala kasi akong dalang damit dahil hindi talaga ko dapat magsswimming. katamad kasi. pero feel ko maiinggit ako dun sa iba if ever. kaya ayos na rin na hindi natuloy ung swimming.


puro kwentuhan at kain lang ginawa namin. nag-order lang kami sa greenwich tapos bumili ng mga snacks. ung iba may dala rin na chocolates kaya happy.


may pauso pa si domeng na 5 P's of life: pamilya, pag-aaral, pag-ibig, paggawa at pangarap. bawat isa nagsalita. oh well. except sa amin ni gerald. may nangyari kasing something, kaya nagstop kami sa kwentuhan. pero masaya siya. ang dami kong nalaman. haha! joke naman! marami rin kasi akong natutunan dun sa mga shinare nila. nakakainspire.


kaya salamat guys!! salamat dun sa reunion na yun. karamihan sa inyo, kahapon ko na lang ulit nakita. sobrang nakakamiss. pero masaya kasi hindi pa rin tayo nawawalan ng connection. next year ulit ha?? :D




~ OVERNIGHT ~


pumunta kami nina maikka, gerald at inah sa sm after. overnight kasi sila dito sa bahay. nagdinner muna kami sa goldilocks tapos gala ng konti. then sinundo na kami ng parents ko. pero due to some circumstances, kinailangang umuwi ni gerald. pinalitan naman siya ni dina dun sa overnight.


panggingge mode na naman kami. tagal rin namin hindi nakapaglaro ah! tapos kwentuhan pa rin. pero hindi ko na sasabihin dito ung mga pinag-usapan namin. belat!! bawal kasi lumabas eh.


inabot kami ng mga 4 am. kaya tulog alert naman talaga. gumising kami ng mga 9 am.




~ BATCH 2006 YEARBOOK ~


punta na kami ng kisay after 47653289 years. ang pangit na niya ngayon! haha. peace. basta hindi lang namin trip ung itsura niya. masyadong maraming nagbago. ang sarap balikan nung kinagisnan naming kisay. [senti mode ba ito?]


ang daming 06!! waaaaaah. mga ngayon ko na lang ulit nakita. mukhang isang malaking reunion. tapos nandun rin ung mga ibang teachers.


at ang ganda nung yearbook in fairness lang. black and white siya pero cute lang talaga. i like the cover. tsaka "kathy kitikitext" pa talaga ung caption nung page ko. pinanindigan nila ang kaadikan ko sa pagtetext! at syempre salamat sa aking bestfriend for the description. :)


naglunch kami nina kim, kassa, ehl, maikka, dina, inah at abi sa kfc. tapos ikot-ikot lang sa sm at umuwi na rin. mga inaantok eh. awww.


it's the summer feeling i really love
6:35 PM





Wednesday, December 20, 2006



nagbonding ang pamilya namin ngayon. :) natuloy na rin sa wakas.


pero syempre hindi kumpleto. sina inah, maikka, dina at owen lang kasama ko kanina. oh well. never pa naman talaga kaming nabuo. masaya lang magbonding. nakakamiss.




kumain muna kami sa el pollo. walang kamatayang spag at nachos.


nagbasketball sa quantum. at in fairness, may gusto kaming bagong laro. hindi ko alam ung tawag eh. pero parang maniax rin siya. to a higher level nga lang ung pagsayaw. try namin minsan kapag wala masyadong tao.


nagbowling. nagvideoke kasama ni janel. at parang mga lasing sa pagkanta. tapos kakaiba pa ung choice of music ni inah. :P


nagpastudio pic. after 48 years!!


kumain naman sa kfc. sobrang gutom na kasi. mga gahaman pa kami sa gravy. nagmukha tuloy siyang sabaw. pero ang sarap talaga. nakakabusog.




tuloy ang bonding bukas. christmas/get-together/swimming party ng avo 3 at avo 4. yipee!




next time na ang engg week update. umiiral ang katamaran ko eh. tsaka depressed dahil hindi pa rin ako makakapanood ng princess hours. :(


it's the summer feeling i really love
8:19 PM





Tuesday, December 19, 2006



december 11 - engg week day 3


ito na siguro ung pinakahaggard na engg week day. as in.


pag-akyat mo pa lang sa third floor, damang dama mo na ung pagkataranta ng mga tao. sobrang dami kasing events. sabay sabay pa. tactics nga naman. pero i must say, magaling ung nakaisip ng tactic na yun. successful siya. ang daming mga nadefault dahil kulang ng players.


and have you seen the new kem shirt?? it's purple. ang cutie talaga. :) maximum intensity. objective: supremacy.




sabayang pagbigkas - isang dipang langit


dapat yata sa eee building siya gagawin. pero dahil umulan at maputik, nagchange venue. at nawala pa kami papunta dun!! sabi kasi teacher's village. syempre masunurin kami eh. pero pagdating namin dun, wala daw mapayapa street sabi nung pinagtanungan namin. kaya balik up village kami. kahit kami ung unang umalis ng up, kami pa rin ung huling dumating dun sa court. oh well. at least hindi nadefault. :P


pero nakakatawa. ineexpect kasi namin sobrang daming tao. yun pala, kami lang ng cursor ung nandun. tsaka ie club na rin pala. kaya lang hindi sila nakasali kasi nadefault. so one-on-one kami ng cursor.


kami ung unang nagperform. so kumusta?? wag na tanungin. simple lang naman eh. nagkalat kami. T_T hindi kasi namin masyadong memorize ung tula. ung iba, watermelon pa ung sinasabi. at hindi rin kami nakapagpractice ng kumpleto. kaya marami ung hindi nakakaalam ng gagawin. deadspace galore ung presentation. tapos natatawa na rin kami nung bandang huli.


"may bayang, bayang [bayang, bayang, bayang] gaganti [gaganti]."
"at NGAYON, diyan din, aking matatanaw.."


right after namin magpresent, alam na namin agad na hindi kami mananalo. asa pa. at dinagdagan pa ng cursor ung feeling namin na yun. memorize nila. as in. tapos sobrang lamang sila sa diction.


ang tanging laban na lang namin ay ung sa interpretation. todo emote kasi kami.


*commercial lang: hindi ko makakalimutan sa performance ng cursor ung "ang tao't bathala ay di natutulog, at di habang araw ang api ay api..." kinanta kasi nila yan. at wala lang. nakaka-lss siya promise. halos yun lang ung kinakanta namin ni ron that day.


biglang pinatigil ung event. hindi rin namin alam kung bakit. akala pa nga namin, uulitin pa ung performance. or papasalihin na ung iec.


pero tinuloy na lang ulit. at iaannounce na daw ung winner. sabi ni ate rog sa amin, hindi na bale kahit hindi kami manalo. ang mahalaga naman daw naipahayag namin ung totoong mensahe ni amado hernandez sa pagsulat niya dun sa tulang yun. kaya manalo or matalo, masaya pa rin kami.


at come on!!!! tie pala kami ng cursor!!!! weeee!! sobrang kinabahan kami dun ah.


yun nga lang, wala daw rules for tie. so kailangan namin mamili. tie pa rin at hahatiin na lang ung ewoc points, or magdedeclare ung judges ng winner. aalisin na lang daw nila ung audience impact since useless naman siya dahil walang audience. at in fairness, ang tagal rin namin pinag-isipan kung anong gagawin. lalaban ba or babawi. syempre nilaban namin!!


...kami ung nanalo!! ang saya saya talaga. :) 3 consecutive years na rin. akala namin masisira namin ung record. pero hindi. we did it!!!!!! salamat talaga ng marami ate rog!




dagdag kasiyahan pa: first rin kami sa cheering! at second sa dulaang engg! truly a kem day!!!




yan na muna for the engg week update. bukas na lang ulit. randomness na lang.


~umiral na naman ang kakikayan ko. ang dami kong biniling hairband, earrings at damit. ready na ko for the new year! puro polka dots eh. ;p


~nagchristmas shopping kami ng mom ko kanina. ang cute nung barbie stuffs. syempre binili ko talaga diba? haha. pero wala pa rin akong regalo para sa nanay ko. birthday pa naman niya yun. ano kayang magandang iregalo sa kanya?


~balak ng kageca mag-ek this christmas vacation. matuloy na kaya??


~may gimik na rin pala ulit ako tomorrow!! kasama ang papaw-mamaw family tree. sayang nga lang, wala si cheche. ang sad. :(


~sira ung tv namin. pinapagawa siya ngayon, at bukas pa daw mababalik dito sa bahay. paano ko manonood ng princess hours? waaaah. ang saklap naman talaga ng tv life ko these days. ang dami kong hindi napapanood.


it's the summer feeling i really love
7:41 PM





Monday, December 18, 2006



happy birthday marlon!! :)




medyo nagiging boring na ang christmas vacation ko. wala na kasing magawa dito sa bahay. sana magkaroon na ako ng lakad or something. tsaka ilang araw na rin akong nagpapahinga, kaya mataas na ulit ung energy level ko. kaya go na go na ulit sa mga gimik! yiiii...




kagabi ko nga lang pala napanood ung close to you. ang masaklap pa dun, hindi ko siya nasimulan. pero konti lang naman yata ung namiss ko dun sa simula. ang marami ung dun sa bandang huli!!! waaah!! nagbrownout kasi sa amin. saklap talaga! napakawrong timing naman mawalan ng kuryente. hindi ko tuloy alam kung ano nangyari. nakakawala ng momentum.


"yun na nga ung masakit eh. di kita matiis."


wah! kilig talaga. close to you!!! kailangan kita mapanood. sino bang may dvd or vcd dyan?? pahiram naman please? maawa na kayo. T_T




december 08: engg week day 1


since friday siya, inactive ako. darna day kasi eh. may klase ako from 7.30-4. pero good for me at nasuspend ung classes ng 1-4. so naging engg week mode ako nung mga panahon na yun. nagpractice kami para sa sabayan. natapos naman namin ung para sa diction, so mga actions na lang ung kulang.


jamengg yata ung night event? hindi ako nanood eh. kaya hindi ko rin alam kung ano nangyari. haha.


*gc mode lang: ang wating ng mga pinasa kong postlabs sa chem. halatang cram lang. kaya patay na ko sa chem 17. kailangang magseryoso pagpasok next year. ayoko naman bumagsak noh! waaah! help me.




december 09: engg week day 2


dapat hindi ako papasok dahil saturday siya. pero may nagtext kasi sa akin na nagsabing may remedial classes daw kami sa comm 3. so no choice na rin.


mga around 8 am na ko nakarating sa up kaya hindi na rin ako nakaattend nung ga namin. pero ang daming food sa tambayan in fairness. at naghahanda na ung mag-aamazengg race sa amin. tapos medyo marami rin palang events that day. akala ko kasi wala masyado. that day rin pala ung datengg game nila kenneth.


at kumusta naman ung 4 hours ako nagcomm 3? ang aking attention span, grabe. muntikan na nga akong makatulog. kaya lang bigla siyang nagpaquiz. pero masaya naman eh. or not. :P




december 10: whole day practice ng sabayan


what can i say? naging closeness ko na naman si amado v. hernandez. tula na naman niya ung minemorize ko!! hehe. naalala ko tuloy ung kung tuyo na ang luha mo, aking bayan ng bec4. :( nakakamiss.


si ate rog ung tumulong sa amin. nakakatuwa talaga siya. dami pa niyang mga tinuro sa amin na games at exercises. favorite namin ung lakad rosa. ang happy happy talaga!! tapos dun ko lang rin natutunan ung larong 7-up. hahaha! enjoy talaga kapag nagprapractice kami. mga ice breaker muna bago pumunta dun sa totoong work. kaya masaya!!!


natapos kami ng practice ng mga 5 pm. nakumpleto naman namin lahat ng actions. yun nga lang, magulo pa ung buong presentation. at kinabukasan na ung judgment day...


it's the summer feeling i really love
1:08 PM





Sunday, December 17, 2006



hahahaha! ang haba ng tulog ko. happiness. :) around 2 am na ko nakatulog kaninang umaga kasi tinapos ko pa ung pda. tapos gumising lang ako para manood ng it started with a kiss, then balik tulog ulit. at kakagising ko lang ngayon!! bumabawi talaga.




gusto ko lang icongratulate si yeng constantino for being the first grand star dreamer. congrats yeng!!!!! pero obvious winner naman yata siya? oh well. kinabahan pa rin naman ako nung nandun pa si ronnie, dami kasing fans nun. basta. second runner-up siya at first runner-up si jay-r. wah. ang galing mo talaga yeng! congrats. :P at kinikilig ako sa inyo ni rj! haha.


at excited na ko sa princess hours! bagong kakaadikan na naman ito. tsaka kagabi ko lang kasi napansin na kamukha nung bidang guy si henry ng wonderful life. or siya ba talaga yun?? hmm..




so kwentuhan time na ulit: a mid-smoker night's dream


ganun pala ung smokers. no idea kasi ako kung ano bang mangyayari dun. gusto ko lang talaga mapanood ung presentation namin.


ang sarap sumigaw!! kung pwede nga lang, mangbabato na rin ako eh. ang sarap awayin nung mga nagpeperform. at okray to the highest level talaga! syempre kami ung nagpasimula nung mga "next number" at "walang talent" chorba dun. karamihan pa naman ng audience ay mga kemers kaya todo suporta sa kem ang nangyari.


aliw rin ung mga throwers. mukhang mga galit sa mundo. walang tigil sa kakabato, at full force talaga! hindi ko sila kinaya. ang taas ng energy level nila in fairness.


hindi ko rin makakalimutan ung shirt war namin with alchemes. haha. the ever so famous "kami yon" tagline nila vs our kembustion shirt. kakaiba. pero ang cute lang kasi kami talaga ung bida dun sa skit nila. super kemer!!!!


ang baboy nung sa ie club. nakakatakot naman ung sa gps.


tapos hindi ko na napanood ung sa cursor. :( hindi ko na tuloy napanood si inah!! sayang. hindi ko rin napanood ung sa aces. hindi ko tuloy nakita ung hotdog eating contest nila.


pansin ko lang rin na puro KEM BADING ung banat nila sa amin. like come on!! sobrang luma at gasgas na yun eh. sana naman next time may bago na. para mas masaya ang smokers. tapos may tumira rin dun sa pagiging champion ng kem sa indakan. ;p nakakatawa.


so first ung aggre. sa kanila yata ung under the sea presentation. tapos second at third ung erg at circuit?? hindi ko na rin maalala eh.


pero binawi ung sa third. nagkamali daw kasi ng counting. so kem ang third!! waah. go kem!!!! ang galing talaga nung mga nagperform. lahat kami nag-enjoy dun sa pinakita niyo. sabi nga nila, "yun ang talent." weeeee! ang galing talaga.




~belated happy birthday nga pala kay inah mae samson vinluan nung december 8. haha. ang galing mo daw nung smokers ah. :)


it's the summer feeling i really love
5:38 PM





Saturday, December 16, 2006



waaaaaaaaaah. kumusta naman. ang tagal kong nawala. nabulok tuloy ung blog ko. T_T


engg week mode kasi. sobrang haggardness pala niya. halos 2 weeks rin akong walang matinong tulog, at hindi ko rin masyadong naasikaso ang acads ko. oh well. as if naman sisipagin talaga ko if ever. hahaha. pero happiness ang first engg week ko sa up!! go kem!




at ang first stop natin ay car stuffing: hindi talaga siya part ng engg week. pero trip ko lang ikwento. :) kakaibang experience kasi siya.


nung december 5 yun [belated happy birthday na rin pala kina duane at jam. haha! sorry naman kung sobrang late ng pagbati ko, ngayon na lang ulit ako nagnet eh. :P] at wala naman talaga kong balak sumali. pumunta lang ako dun para manood at magcheer for kem. come on naman kasi. ang laki ko para makipagsiksikan sa loob ng maliit na sasakyan, kaya nevermind na lang.


pero biglang no choice ako. wala kasi masyadong kemers na dumating. kesa naman matalo kami kaagad, pinaglaro na rin nila kahit ung ibang hindi naman talaga dapat papasok. mga kinakabahan pa nga kami kasi baka wala masyadong magkasya.


at in fairness, kakaiba ung feeling kapag ikaw ung nasa loob ng car. sobrang init at halos hindi ka na talaga makahinga. nakakatawa pa ung mga itsura namin.


but no. wala kaming care sa mga positions namin nun. as long as makapasok lahat ng kailangang pumasok, masaya na kami. walang mga reklamo. may mga times pa nga na nagtatawanan pa kami sa loob dahil sa sobrang sikip. ang happy pa rin tuloy kahit nakakapagod. at 27 rin kaming nagkasya!! ang dami nun ah.


so third kami. may isa pang third, pero hindi ko na maalala kung ano. second ung cursor with 28 people. at first pa rin ang ictus with 29. congrats sa mga nanalo. :) pinaghirapan yun promise. kem go fight!!




bonding experience na rin ng kem ang car stuffing. at dahil dun, naexcite naman kami for engg week. at nagsimula na nga ang smokers night...


to be continued. haha.


it's the summer feeling i really love
1:24 PM





Sunday, December 03, 2006



maikling post for the day. wala naman kasi nangyari ngayong araw.




gusto ko lang batiin ang aking pamangkin: happy happy birthday john russel owen sanchez!! :) haha. namimiss ko na ung mga maniax days natin nung summer kasama sina inah, maikka at abi. basta miss ko na kayo! minsan ko na lang kasi kayo makita eh.


sana rin matuloy na ung papaw-mamaw family tree bonding natin. ang tagal na nun! at never pa yata tayo nakumpleto?? busy kasi lahat ng tao ngayon.




may pasok na pala bukas, after a 5-day vacation. parang tinatamad pa yata ako? kasi naman wala pa kong nagagawa. at supposed to be ang dami kong kailangan gawin. ang tamad ko talaga to the highest level. nakakainis!


pacopyright lang sa blog ni jaimee: goodbye sa pagiging CS, at lalong goodbye sa pangarap na US. huhuhuhu. T_T


it's the summer feeling i really love
5:23 PM





Saturday, December 02, 2006



SHAKESPEARE/TINIO
HAMLET REDUX




mga past 5 ako dumating ng up. dapat kasi magkikita kami ng groupmates ko sa comm3 para gawin ung johari window. kaya lang as expected, wala rin talaga kaming nagawa. oh well.


pero may maganda naman nangyari dun sa maaga kong pagpunta. nakausap ko si tony mabesa *aka director ng hamlet*!!! :D shocked pa nga kami nung mga kasama ko. umaakyat kasi siya ng as steps nung napansin namin siya. alam namin na artista yun, pero hindi namin maalala ung name. tapos tumigil siya sa harap namin. tinanong kung ano ginagawa namin dun. sabi ko naman, manonood ng play. "brave souls. thank you for watching." at dun ko lang narealize na siya pala ung director. haha! slow ko talaga.




kabonding ko ung mga comm3 classmates ko: ate yacel, ate jenny, kuya alip, christian at pax. nakita ko sina kuya martin at ate chiara. pati na rin sina kuya jun at ate keith. tapos marami pa kong nakitang kakilala dun. nakalimutan ko lang kung sino pa. >.< at ang ingay ng mga kasama ko! nakakatuwa sila.




so sa pinakaharap ako nakaupo. kaya damang dama ko ung play!! tuwing lalabas nga si kamatayan, nagtatakip pa ko ng mukha. sorry lang naman. takot ako sa mga ganun.


at in fairness naintindihan ko siya. syempre nagbasa ako ng summary ng hamlet bago manood eh. :P may nakapagsabi kasi sa akin na medyo mahirap siya magets. since wala pa kong background about the play, nagbasa na lang ako para naman makarelate kahit papaano. at successful naman!




aliw ako dun sa dalawang guys na mukhang twins. forgot their names. basta sila ung nagpapasaya nung play!! ang cutie nila. funny pa.


trip ko rin ung effects dun sa karate part. sabi ng iba corny daw, pero natuwa talaga ako. medyo halata nga lang ung mga nagbubuhat dahil sobrang lapit ko sa stage. but nevermind that. namatay rin naman silang lahat. hahahaha!


asteeg rin ung mga dancers nila. ang complicated nung routine pero carry lang. :) change costume pa.




basta ang galing nila. higher level talaga ung mga actors. halatang sobrang pinaghirapan, sa pagmememorize pa lang ng lines. tapos ung mga props pa. gusto ko tuloy magdulaang up!! kaya lang, asa naman ako di ba... :(




SKECHERS
STREET DANCE BATTLE YEAR 2





dumating ako ng kalai before 2. dapat magkikita kami dun ng mga pe friends ko tapos sabay sabay na papuntang gateway. at anong nangyari?? sina niccolo at kumi hindi na sumabay dahil late na daw sila makakarating. si kenneth naman hinintay namin nina choops at arvin for 2 hours. at si josef 1 pa lang nasa gateway na, hinihintay kami. waaah! sorry ulit josef. T_T


saktong 5 na rin kami nakarating sa cubao. diretso na kami sa araneta nun. kasama ko sina kenneth, choops, kumi, niccolo, josef, tin at arvin. pero mga 6 pa yata nagstart kaya kumain muna kami.




kumanta muna si barbie. tapos sina nancy castiliogne, dj mo twister at isa pang girl ung hosts. grabe si nancy! ang tinis ng boses. tinalo kami ni kumi. sumayaw rin pala ung all stars. ang galing talaga nila forever!!!




nung simula, ang taas pa ng energy level namin!! todo cheer tuwing maririnig ang up. tapos nang-ookray pa kami ng mga tao tao. :p halatang walang magawa. peace!


pero napagod na rin kami after magpresent nung unang batch. last pa kasi magpeperform ung up diliman. kaya conserve muna ng energy! sumisigaw lang kami kapag magaling ung sumasayaw. at natatawa rin kami dun sa iba na parang nag-aati-atihan kapag nagccheer. secret na lang kung anong school un!!! peace talaga!




ang galing talaga ng up diliman! weeeee! :) pati na rin ang manila at lb. galing galing talaga! aliw naman ako sa xavier. nakakatuwa ung sayaw nila.




tapos nagkaroon rin pala ng solo freestyle. taga-ue ung nanalo sa girls, at xavier naman ung sa boys. basta ang daming fans ng xavier kanina!! at isa na ko dun!! haha.


sa high school: 2nd runner up - colegio de sta. rosa, 1st runner up - letran, champion - xavier


sa college: 2nd runner up - up manila, 1st runner up - mapua, champion - up diliman!!!!!!!


UNIBERSIDAD NG PILIPINAS!! GO UP!!!


ang saya saya magcheer. sakit nga lang sa lalamunan tsaka nakakagutom. :( pero ayos lang! panalo pa rin ang up!!



it's the summer feeling i really love
11:16 PM





Friday, December 01, 2006



december na! :P


kaya lang hindi ko pa feel. kanina ko lang yata naramdaman na malapit na ung pasko, dahil sobrang lamig pagkagising ko. at dahil pa yun sa bagyong reming. nasaan na ba talaga ang spirit of christmas??




ang dami rin nagbago this year. for one, wala na kaming christmas party. T_T nakakalungkot naman. yun kasi ung event na pinakaaabangan ko every year eh. syempre kasi masaya yun! sana naman may magplan ng party sa amin. parang get-together na rin. or kaya naman, kahit kris kringle man lang. huhuhu.


miss ko na rin ang carol fest!! wala ng mga practices ngayon. hindi ko na rin kailangan magmemorize ng mga lyrics. nakakamiss ung pasko na at deck the halls days. :(




pero may awitan pa naman eh. yun nga lang, hindi na ako ung magpeperform. manonood na lang ako sa mga performances ng iba't-ibang orgs. oh well. fun pa rin naman yun! excited na ko magdecember 11!


tsaka may lantern parade pa. weeee! :) bagong happening yan sa buhay ko. haha.




tgis mode nga pala ako ngayon. *tiis gutom, ipon salapi courtesy of swastika. miss you guys!* dami kasing mga reregaluhan. bakit kasi ngayon pa ko nagtaghirap? sabay sabay pa ung mga kailangan kong bilhin. ang hirap magtipid. maygali.




gonna watch hamlet later. sana hindi ako slow alert mamaya para naman maintindihan ko siya. gagawan ko pa naman yun ng paper. katamad!




~happy birthday luika!!!! :)


it's the summer feeling i really love
2:24 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007