Friday, December 22, 2006



belated happy birthday kay blanch kahapon at happy birthday naman kay melai ngayon. :)




december 22 na pala noh? ang weird. 3 days na lang pasko na pero hindi ko pa rin feel. wala pa kasi akong nabibilhan ng regalo. at sabi pa namin ni inah, dama naming wala rin kaming matatanggap. T_T taghirap kasi ngayon


pero nevermind that. sobrang saya ko naman these days eh. sapat na yun as a christmas present. basta masaya!




~ AVO 3 - AVO 4 REUNION ~


hindi kasi appropriate ung "swimming party" kasi wala namang nagswimming. haha. good for me!! :P wala kasi akong dalang damit dahil hindi talaga ko dapat magsswimming. katamad kasi. pero feel ko maiinggit ako dun sa iba if ever. kaya ayos na rin na hindi natuloy ung swimming.


puro kwentuhan at kain lang ginawa namin. nag-order lang kami sa greenwich tapos bumili ng mga snacks. ung iba may dala rin na chocolates kaya happy.


may pauso pa si domeng na 5 P's of life: pamilya, pag-aaral, pag-ibig, paggawa at pangarap. bawat isa nagsalita. oh well. except sa amin ni gerald. may nangyari kasing something, kaya nagstop kami sa kwentuhan. pero masaya siya. ang dami kong nalaman. haha! joke naman! marami rin kasi akong natutunan dun sa mga shinare nila. nakakainspire.


kaya salamat guys!! salamat dun sa reunion na yun. karamihan sa inyo, kahapon ko na lang ulit nakita. sobrang nakakamiss. pero masaya kasi hindi pa rin tayo nawawalan ng connection. next year ulit ha?? :D




~ OVERNIGHT ~


pumunta kami nina maikka, gerald at inah sa sm after. overnight kasi sila dito sa bahay. nagdinner muna kami sa goldilocks tapos gala ng konti. then sinundo na kami ng parents ko. pero due to some circumstances, kinailangang umuwi ni gerald. pinalitan naman siya ni dina dun sa overnight.


panggingge mode na naman kami. tagal rin namin hindi nakapaglaro ah! tapos kwentuhan pa rin. pero hindi ko na sasabihin dito ung mga pinag-usapan namin. belat!! bawal kasi lumabas eh.


inabot kami ng mga 4 am. kaya tulog alert naman talaga. gumising kami ng mga 9 am.




~ BATCH 2006 YEARBOOK ~


punta na kami ng kisay after 47653289 years. ang pangit na niya ngayon! haha. peace. basta hindi lang namin trip ung itsura niya. masyadong maraming nagbago. ang sarap balikan nung kinagisnan naming kisay. [senti mode ba ito?]


ang daming 06!! waaaaaah. mga ngayon ko na lang ulit nakita. mukhang isang malaking reunion. tapos nandun rin ung mga ibang teachers.


at ang ganda nung yearbook in fairness lang. black and white siya pero cute lang talaga. i like the cover. tsaka "kathy kitikitext" pa talaga ung caption nung page ko. pinanindigan nila ang kaadikan ko sa pagtetext! at syempre salamat sa aking bestfriend for the description. :)


naglunch kami nina kim, kassa, ehl, maikka, dina, inah at abi sa kfc. tapos ikot-ikot lang sa sm at umuwi na rin. mga inaantok eh. awww.


it's the summer feeling i really love
6:35 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007