Tuesday, December 19, 2006



december 11 - engg week day 3


ito na siguro ung pinakahaggard na engg week day. as in.


pag-akyat mo pa lang sa third floor, damang dama mo na ung pagkataranta ng mga tao. sobrang dami kasing events. sabay sabay pa. tactics nga naman. pero i must say, magaling ung nakaisip ng tactic na yun. successful siya. ang daming mga nadefault dahil kulang ng players.


and have you seen the new kem shirt?? it's purple. ang cutie talaga. :) maximum intensity. objective: supremacy.




sabayang pagbigkas - isang dipang langit


dapat yata sa eee building siya gagawin. pero dahil umulan at maputik, nagchange venue. at nawala pa kami papunta dun!! sabi kasi teacher's village. syempre masunurin kami eh. pero pagdating namin dun, wala daw mapayapa street sabi nung pinagtanungan namin. kaya balik up village kami. kahit kami ung unang umalis ng up, kami pa rin ung huling dumating dun sa court. oh well. at least hindi nadefault. :P


pero nakakatawa. ineexpect kasi namin sobrang daming tao. yun pala, kami lang ng cursor ung nandun. tsaka ie club na rin pala. kaya lang hindi sila nakasali kasi nadefault. so one-on-one kami ng cursor.


kami ung unang nagperform. so kumusta?? wag na tanungin. simple lang naman eh. nagkalat kami. T_T hindi kasi namin masyadong memorize ung tula. ung iba, watermelon pa ung sinasabi. at hindi rin kami nakapagpractice ng kumpleto. kaya marami ung hindi nakakaalam ng gagawin. deadspace galore ung presentation. tapos natatawa na rin kami nung bandang huli.


"may bayang, bayang [bayang, bayang, bayang] gaganti [gaganti]."
"at NGAYON, diyan din, aking matatanaw.."


right after namin magpresent, alam na namin agad na hindi kami mananalo. asa pa. at dinagdagan pa ng cursor ung feeling namin na yun. memorize nila. as in. tapos sobrang lamang sila sa diction.


ang tanging laban na lang namin ay ung sa interpretation. todo emote kasi kami.


*commercial lang: hindi ko makakalimutan sa performance ng cursor ung "ang tao't bathala ay di natutulog, at di habang araw ang api ay api..." kinanta kasi nila yan. at wala lang. nakaka-lss siya promise. halos yun lang ung kinakanta namin ni ron that day.


biglang pinatigil ung event. hindi rin namin alam kung bakit. akala pa nga namin, uulitin pa ung performance. or papasalihin na ung iec.


pero tinuloy na lang ulit. at iaannounce na daw ung winner. sabi ni ate rog sa amin, hindi na bale kahit hindi kami manalo. ang mahalaga naman daw naipahayag namin ung totoong mensahe ni amado hernandez sa pagsulat niya dun sa tulang yun. kaya manalo or matalo, masaya pa rin kami.


at come on!!!! tie pala kami ng cursor!!!! weeee!! sobrang kinabahan kami dun ah.


yun nga lang, wala daw rules for tie. so kailangan namin mamili. tie pa rin at hahatiin na lang ung ewoc points, or magdedeclare ung judges ng winner. aalisin na lang daw nila ung audience impact since useless naman siya dahil walang audience. at in fairness, ang tagal rin namin pinag-isipan kung anong gagawin. lalaban ba or babawi. syempre nilaban namin!!


...kami ung nanalo!! ang saya saya talaga. :) 3 consecutive years na rin. akala namin masisira namin ung record. pero hindi. we did it!!!!!! salamat talaga ng marami ate rog!




dagdag kasiyahan pa: first rin kami sa cheering! at second sa dulaang engg! truly a kem day!!!




yan na muna for the engg week update. bukas na lang ulit. randomness na lang.


~umiral na naman ang kakikayan ko. ang dami kong biniling hairband, earrings at damit. ready na ko for the new year! puro polka dots eh. ;p


~nagchristmas shopping kami ng mom ko kanina. ang cute nung barbie stuffs. syempre binili ko talaga diba? haha. pero wala pa rin akong regalo para sa nanay ko. birthday pa naman niya yun. ano kayang magandang iregalo sa kanya?


~balak ng kageca mag-ek this christmas vacation. matuloy na kaya??


~may gimik na rin pala ulit ako tomorrow!! kasama ang papaw-mamaw family tree. sayang nga lang, wala si cheche. ang sad. :(


~sira ung tv namin. pinapagawa siya ngayon, at bukas pa daw mababalik dito sa bahay. paano ko manonood ng princess hours? waaaah. ang saklap naman talaga ng tv life ko these days. ang dami kong hindi napapanood.


it's the summer feeling i really love
7:41 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007