Thursday, December 28, 2006



december 12 - engg week day 4


not really an engg week day for me. may chem postlab kasi kaming kinacram. at meron din math long exam. parang hell day na rin.


at bagsak yata ako dun sa exam? ewan. basta nakakainis yun. first question pa lang blanko na utak ko. hindi ko kasi maalala ung formula. T_T tapos feel ko sobrang banban ko sa limits. pero gets ko naman siya nung highschool. waaaaah!! nakakaiyak.


jester ole na lang ung naaalala kong event that day. at first daw ang kem. :) wheee! syempre si kuya lou at ate rog yun eh...




december 13 - engg week day 5


ang aga ng exam sa physics! late na nga ako dumating eh. pero good thing na late rin nagstart ung exam. oh well. sana pumasa naman ako dun kahit marami na kong mali. :(


gawa pa rin ng chem postlab after the exam. hindi kasi namin napasa the previous day. kasama ko sina jane, joha, josef, louie at von sa katag. tapos nakita namin sina ron papuntang eee para dun sa music video making.


taralets ung amin. ang fun panoorin!! lalo na ung dun sa ikot jeep part. hehe. at come on! mga extra rin pala kami dun. hindi lang masyadong kita. hahahaha!!!


nakwento rin sa amin ni ron ung nangyari dun sa command and conquer. basta ang sama talaga. minura daw kami nung kalaban naming org dahil pinaparinggan sila ng kem. like haller. katuwaan lang kaya yun! naobvious tuloy na nangdadaya nga sila. haha. tapos tinatawag rin daw kami ng ie club na mga patay gutom. nakakatawa na lang...


so umuwi muna ako para gawin ung worksheet ko sa physics lab. pero wala rin akong nagawa.


bumalik lang ako para manood ng indakan. at sobrang saya niya!! syempre todo suporta kami sa kem. at ang galing galing talaga. promise. ang saya nila panoorin.


si ate pheng at kuya aids ung sa pair. sinayaw nila ung legs. at nakakatuwa sila in fairness. ang galing magproject ni ate pheng tapos nag-eemote pa si kuya aids. sabi pa ni douglas nierras, complicated daw ung ginawa nila. at sobrang linis. hindi kasi sila nagkamali.


at fan talaga ko ng kem troupers forever!!!!! grabe!!! sobrang wow!! walang dull moment dun sa performance nila. mga professional kung tignan. eraserheads pa mga kanta nila! waaah! hindi lang sila basta basta nagsasayaw. nagpeperform sila. sabi rin ni douglas nierras, hindi daw nila sineseryoso yun. nag-eenjoy lang sila. and not only are they very talented performers, but also very intelligent. go kem!!


congrats sa enggsoc, cursor at ciem for winning sa pair!
at congrats sa kem, ciem at cursor for winning sa group!


in fairness ang galing rin ng ciem. at kahit nagloko ung music ng cursor, carry lang. :)


kem pa rin ang champion ng indakan. for the 7th consecutive year!!!!!!!


it's the summer feeling i really love
6:53 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007