Monday, December 18, 2006



happy birthday marlon!! :)




medyo nagiging boring na ang christmas vacation ko. wala na kasing magawa dito sa bahay. sana magkaroon na ako ng lakad or something. tsaka ilang araw na rin akong nagpapahinga, kaya mataas na ulit ung energy level ko. kaya go na go na ulit sa mga gimik! yiiii...




kagabi ko nga lang pala napanood ung close to you. ang masaklap pa dun, hindi ko siya nasimulan. pero konti lang naman yata ung namiss ko dun sa simula. ang marami ung dun sa bandang huli!!! waaah!! nagbrownout kasi sa amin. saklap talaga! napakawrong timing naman mawalan ng kuryente. hindi ko tuloy alam kung ano nangyari. nakakawala ng momentum.


"yun na nga ung masakit eh. di kita matiis."


wah! kilig talaga. close to you!!! kailangan kita mapanood. sino bang may dvd or vcd dyan?? pahiram naman please? maawa na kayo. T_T




december 08: engg week day 1


since friday siya, inactive ako. darna day kasi eh. may klase ako from 7.30-4. pero good for me at nasuspend ung classes ng 1-4. so naging engg week mode ako nung mga panahon na yun. nagpractice kami para sa sabayan. natapos naman namin ung para sa diction, so mga actions na lang ung kulang.


jamengg yata ung night event? hindi ako nanood eh. kaya hindi ko rin alam kung ano nangyari. haha.


*gc mode lang: ang wating ng mga pinasa kong postlabs sa chem. halatang cram lang. kaya patay na ko sa chem 17. kailangang magseryoso pagpasok next year. ayoko naman bumagsak noh! waaah! help me.




december 09: engg week day 2


dapat hindi ako papasok dahil saturday siya. pero may nagtext kasi sa akin na nagsabing may remedial classes daw kami sa comm 3. so no choice na rin.


mga around 8 am na ko nakarating sa up kaya hindi na rin ako nakaattend nung ga namin. pero ang daming food sa tambayan in fairness. at naghahanda na ung mag-aamazengg race sa amin. tapos medyo marami rin palang events that day. akala ko kasi wala masyado. that day rin pala ung datengg game nila kenneth.


at kumusta naman ung 4 hours ako nagcomm 3? ang aking attention span, grabe. muntikan na nga akong makatulog. kaya lang bigla siyang nagpaquiz. pero masaya naman eh. or not. :P




december 10: whole day practice ng sabayan


what can i say? naging closeness ko na naman si amado v. hernandez. tula na naman niya ung minemorize ko!! hehe. naalala ko tuloy ung kung tuyo na ang luha mo, aking bayan ng bec4. :( nakakamiss.


si ate rog ung tumulong sa amin. nakakatuwa talaga siya. dami pa niyang mga tinuro sa amin na games at exercises. favorite namin ung lakad rosa. ang happy happy talaga!! tapos dun ko lang rin natutunan ung larong 7-up. hahaha! enjoy talaga kapag nagprapractice kami. mga ice breaker muna bago pumunta dun sa totoong work. kaya masaya!!!


natapos kami ng practice ng mga 5 pm. nakumpleto naman namin lahat ng actions. yun nga lang, magulo pa ung buong presentation. at kinabukasan na ung judgment day...


it's the summer feeling i really love
1:08 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007