SHAKESPEARE/TINIOHAMLET REDUXmga past 5 ako dumating ng up. dapat kasi magkikita kami ng groupmates ko sa comm3 para gawin ung johari window. kaya lang as expected, wala rin talaga kaming nagawa. oh well.
pero may maganda naman nangyari dun sa maaga kong pagpunta.
nakausap ko si tony mabesa *aka director ng hamlet*!!! :D shocked pa nga kami nung mga kasama ko. umaakyat kasi siya ng as steps nung napansin namin siya. alam namin na artista yun, pero hindi namin maalala ung name. tapos tumigil siya sa harap namin. tinanong kung ano ginagawa namin dun. sabi ko naman, manonood ng play.
"brave souls. thank you for watching." at dun ko lang narealize na siya pala ung director. haha! slow ko talaga.
kabonding ko ung mga comm3 classmates ko:
ate yacel, ate jenny, kuya alip, christian at pax. nakita ko sina
kuya martin at ate chiara. pati na rin sina
kuya jun at ate keith. tapos marami pa kong nakitang kakilala dun. nakalimutan ko lang kung sino pa. >.< at ang ingay ng mga kasama ko! nakakatuwa sila.
so sa pinakaharap ako nakaupo. kaya damang dama ko ung play!! tuwing lalabas nga si kamatayan, nagtatakip pa ko ng mukha. sorry lang naman. takot ako sa mga ganun.
at in fairness naintindihan ko siya. syempre nagbasa ako ng summary ng hamlet bago manood eh. :P may nakapagsabi kasi sa akin na medyo mahirap siya magets. since wala pa kong background about the play, nagbasa na lang ako para naman makarelate kahit papaano. at successful naman!
aliw ako dun sa
dalawang guys na mukhang twins. forgot their names. basta sila ung nagpapasaya nung play!! ang cutie nila. funny pa.
trip ko rin ung effects dun sa karate part. sabi ng iba corny daw, pero natuwa talaga ako. medyo halata nga lang ung mga nagbubuhat dahil sobrang lapit ko sa stage. but nevermind that.
namatay rin naman silang lahat. hahahaha!
asteeg rin ung mga dancers nila. ang complicated nung routine pero carry lang. :) change costume pa.
basta ang galing nila. higher level talaga ung mga actors. halatang sobrang pinaghirapan, sa pagmememorize pa lang ng lines. tapos ung mga props pa.
gusto ko tuloy magdulaang up!! kaya lang, asa naman ako di ba... :(
SKECHERS
STREET DANCE BATTLE YEAR 2dumating ako ng kalai before 2. dapat magkikita kami dun ng mga pe friends ko tapos sabay sabay na papuntang gateway. at anong nangyari?? sina niccolo at kumi hindi na sumabay dahil late na daw sila makakarating. si kenneth naman hinintay namin nina choops at arvin for 2 hours. at si josef 1 pa lang nasa gateway na, hinihintay kami. waaah!
sorry ulit josef. T_T
saktong 5 na rin kami nakarating sa cubao. diretso na kami sa araneta nun. kasama ko sina
kenneth, choops, kumi, niccolo, josef, tin at arvin. pero mga 6 pa yata nagstart kaya kumain muna kami.
kumanta muna si barbie. tapos sina
nancy castiliogne, dj mo twister at isa pang girl ung hosts. grabe si nancy! ang tinis ng boses. tinalo kami ni kumi. sumayaw rin pala ung
all stars. ang galing talaga nila forever!!!
nung simula, ang taas pa ng energy level namin!!
todo cheer tuwing maririnig ang up. tapos nang-ookray pa kami ng mga tao tao. :p halatang walang magawa. peace!
pero napagod na rin kami after magpresent nung unang batch. last pa kasi magpeperform ung up diliman. kaya conserve muna ng energy! sumisigaw lang kami kapag magaling ung sumasayaw.
at natatawa rin kami dun sa iba na parang nag-aati-atihan kapag nagccheer. secret na lang kung anong school un!!! peace talaga!
ang galing talaga ng up diliman! weeeee! :) pati na rin ang manila at lb. galing galing talaga! aliw naman ako sa xavier. nakakatuwa ung sayaw nila.
tapos nagkaroon rin pala ng solo freestyle. taga-ue ung nanalo sa girls, at xavier naman ung sa boys. basta ang daming fans ng xavier kanina!! at isa na ko dun!! haha.
sa high school: 2nd runner up - colegio de sta. rosa, 1st runner up - letran, champion - xavier
sa college: 2nd runner up - up manila, 1st runner up - mapua, champion - up diliman!!!!!!!
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS!! GO UP!!!ang saya saya magcheer. sakit nga lang sa lalamunan tsaka nakakagutom. :( pero ayos lang! panalo pa rin ang up!!
it's the summer feeling i really love
11:16 PM