Wednesday, January 31, 2007



~*~ watched physics contest. congrats kina kenneth and duane for being the champion, at kina choops and marlon for being the second runner-up. ang galing niyo!! libre naman dyan. :P


~*~ nakakatawa. 2 times rin ako napagkamalan na contestant kanina. una nung pumasok kami ni niccolo sa room, at pinapagregister kami. second naman nung kami ni wilson. joke pa nga namin na kami ung team 8 eh. bwahaha! asa pa naman. physics kaya yan.


~*~ ang gulo nung contest. i mean siguro prepared sila, pero ang daming misunderstandings na nangyari kanina. issue ung mga questions and even the rules. basta kakaiba.




~*~ kumain kami nina niccolo, josef, choops, wilson and marlon sa lkb after. shake and sisig. hati-hati pa nga kami nung una dun sa sisig eh. pero hindi kinaya. nag-order rin kami individually. tapos nag-isaw pa kami ni choops dun sa may ilang [na fyi, nagmove na pala sa may arcade]. first time ko makatikim nung bulaklak ba yun? oh well. ang sarap kumain!


~*~ first time ko rin pala makaupo sa sunken garden. :) kumusta naman diba? wala lang kasi kaming magawa kanina kaya nanood na lang kami nung mga naglalaro ng frisbee.




~*~ gagawa pa ko ng projectile motion postlab. hopefully hindi ko siya tulugan this time. kaya lang nakakahilo siyang gawin, lalo na ung uncertainty part. T_T pero ayos lang naman. aliw kasi ako sa paggawa ng mga postlab sa physics. wish ko lang tama ung mga ginagawa ko.




~*~ at feb na bukas!!! wah. bakit naman ang bilis ng panahon? parang napag-iiwanan na yata ako...


it's the summer feeling i really love
8:40 PM





Tuesday, January 30, 2007



midterms namin sa std kahapon. so kumusta naman? hindi ko inexpect na ganun ung ipapagawa. kaya syempre ang wating ng mga galaw ko. good luck na lang sa grade. T_T




watched sukob with jay, abi, maikka, jaimee and dina. tapos nasa likod lang namin sina kuya martin, kuya mike, kuya steve, etc. kaya ang ingay grabe!! at ang funny kasi mas lalo pa kong natakot ngayong pangalawang beses ko na siya pinanood. hindi na kasi ako masyadong nagtakip ng mata kaya ang dami kong nakitang nakakagulat. paranoid pa kami pag-uwi.


natulog lang ako pag-uwi dahil sa sobrang takot. kaya hindi ko na naman nagawa ung chem postlab. :( ano ba naman ung cram mode ako kanina...


at tinitigan ang chem quiz. again. i mean kelan ba hindi? syak. i never felt so stupid talaga in my life. parang tuwing may exam na lang ganun ung nangyayari. nakatingin sa kawalan. and by the time na narealize ko na kung paano siya dapat gawin, biglang ipapasa na ung blue book. talk about the perfect timing really.




buddy bidding nga pala kanina. pero hindi muna ako nagbuddy this sem. sa katamaran ko ba naman diba? kawawang buddy. gusto ko kasi ung maaalagaan at matutulungan ko talaga.


since wala naman ginagawa sa tambayan, tinulungan ko na lang sina kumi magbenta ng brownies. at naubos naman namin! weee!! salamat talaga ng marami sa mga bumili kanina. :) sa mga pinilit ko. wahaha. thank you! next time ulit ha?




*happy happy birthday patty!!! :P


it's the summer feeling i really love
8:17 PM





Sunday, January 28, 2007



wala lang. napansin ko na napakagc na pala ng aking blog. oh well. :) sana kung gaano kagc ung blog, ganun rin kagc ung may-ari. hahaha!


tsaka napakahaggard ko rin pala these days. bakit nga kaya? nakakahaggard ba ang pagtulog ng more than 12 hours per day?? kawawa naman ako. palaging cram mode.


ang sarap rin pala magluksa kasi wala na kong napapanood na episode ng princess hours. T_T kasi nga palagi na lang akong tulog! tsk tsk naman.




.................




.................




.................




.................




.................




halata bang wala akong masabi? hehe. gusto ko lang talaga magpost. 50th post ko na eh!! :P


it's the summer feeling i really love
6:54 PM





Friday, January 26, 2007



not-so-good things first...


napakalaking problema ko talaga ang KATAMARAN! alam niyo yun, to the point na naiinis na ko sa sarili ko. i know i'm failing almost all my subjects this sem. pero hindi pa rin ako kumikilos. tulog lang ako ng tulog. T_T ano bang dapat kong gawin para mabago ko ung ugali kong yun??


may kinaiinisan rin akong tao ngayon. though wala naman talaga kong reason. baka nag-ooverreact lang ako sa mga bagay bagay. pero sobrang naiirita talaga ko when i see him, that's why hindi ko rin siya masyadong kinakausap simula kanina. grr. 2 strikes siya sa akin today! nako! ano bang gusto niyang palabasin? nakakainis talaga. bitterness.


at syempre, ang sama ko na talaga diba? dami ko nga yatang tinarayan at nasigawan kanina. hay. ang bad ko. sorry guys. :(




good things naman...


actually isa lang talaga ung naiisip kong magandang nangyari today. kageca reunion! namiss ko talaga kayo as in. nag-enjoy ako sa bonding natin kanina at napatawa niyo ako kahit sobrang stressed na ang loka. ayos lang na ung ek natin naging bk na lang kasi fun pa rin naman!! next time ulit ha? :P itutuloy pa natin ung indiana jones at jungle jive. karirin na natin yun! salamat ulit cynthia sa panglilibre sa amin kanina!


narealize ko rin pala na may namimiss na kong friend. siya kasi ung madalas kong inaaway at hindi pinapansin. bigla ko lang talaga siyang namiss. wah sorry! ang maldita ko talaga sayo. promise babawi ako. gusto ko rin ibalik ung dati nating closeness. :)


it's the summer feeling i really love
8:39 PM





Thursday, January 25, 2007



haha. gagawin ko munang organizer ang aking blog. :)




recit namin bukas sa physics. at water rocket ung activity. kakaiba noh? basta go guada!! [pangalan yan ng rocket namin] oh well. sana maging maayos naman everything tomorrow. kagroup ko nga pala sila kenneth, pidee, duane and louie.


another experiment na naman sa chem lab. so that means i need to do the experiment 8 prelab. well nakakatamad siya gawin pero no choice. i also need to finish my experiment 6 postlab. dapat kasi nung tuesday pa ipapasa yun, pinagbigyan lang kami ni mam. [thank you po talaga!] at sobrang kailangan kong mag-aral para sa chem lec. obviously may quiz kami bukas and i can't afford na zero na naman ako sa exam na yun. [third ko na kasi if ever] ayokong bumagsak sa 17. T_T


lesson pa rin sa math. at in fairness, naiintindihan ko pa naman yata so far ung topic namin ngayon? natuwa lang naman ako. :P sa wakas gets ko siya!! sana ganun na palagi.


at no idea naman ako sa gagawin namin sa comm. bad girl kasi ako eh. nagcut. :( promise talaga last unreasonable cut ko na yun! nahihiya tuloy ako pumasok bukas. tsk. love ko pa naman ung nag-iisang ge ko. ang fun kasi masyado. dapat hindi na ko tamarin ulit.




kageca reunion tomorrow!!!!! grabe!! excited na ko!!! miss ko na ang kageca sobra!! kassa, gerald, carla, luika, regina, cynthia at erica: kitakits bukas! :) :) :)


it's the summer feeling i really love
7:12 PM





Tuesday, January 23, 2007



belated happy birthday kay toki nung january 21 at kay ate tricia kahapon. :)




as expected, hell nga talaga ang chem 17 long exam namin. at madali na daw siya sa lagay na yun?? like come on. sinong niloko niyo? bwahaha. siya ung tipong 41 minutes left na lang ay halos blanko pa rin ung blue book ko. kaya tanggap kong bagsak talaga ko dun.


madali naman ung math long exam kanina relatively. pero nakakatanga siya. ewan! basta sayang! yun na nga ung chance para makabawi dun sa long exam on limits at sinayang ko pa. oh well.


first time ko nga rin pala magcut this sem. at take note: hindi ako proud dun. nakakakonsensya pala. comm 3 pa ung hindi ko pinasukan. pero sobrang nakakatamad na kasi kanina tapos sakit pa ng ulo ko dahil dun sa math exam. ang bad ko na talaga!!




nanood nga pala kami ng saw 3 nung sunday after the exam. second r18 movie ko na. :P kasama ko sina jami, marlon, choops, josef, wilson, louie, kumi, kara and niccolo. kumusta naman ang kabrutalan diba? hindi kinaya ng powers ko. plus may acid chorba pang nalalaman ung movie. chem na naman! nakakasawa na. pero aliw lang siya. kakaiba talaga ung plot.


orsem kanina. nagpresent kami ng skit at ako si pie calayan. haha! syempre enjoy na namin kami nun. may free food pa!! nakakapagod nga lang. basta join up kem! excited na ko sa app process ng 06B...


it's the summer feeling i really love
10:15 PM





Saturday, January 20, 2007



happy birthday johnal! at happy birthday rin kay prince troy! bwahaha. close kami eh. :)




ayun. ang batugan ko pa rin hanggang ngayon. bukas na ang kinatatakutan kong first long exam sa chem, at hindi pa rin ako nag-aaral. sarap kasi matulog eh. kakagising ko pa nga lang actually.


nako naman. T_T kinakabahan na talaga ko!! pero nakakatamad. anong gagawin ko?


hay!! basta sana naman makapag-aral rin ako mamaya. grabe kasi ung wala talaga akong alam. ayaw ko naman matulala na lang bukas habang nag-eexam. ayoko bumagsak! sabi ko pa naman kahapon whole day ako mag-aaral ngayon. haha. bad kathy! :(


it's the summer feeling i really love
6:21 PM





Friday, January 19, 2007



haggard syempre. kumusta naman ang pagcram ng chem probset at homework habang physics recit?? nakakaloka magmultitask. pero natapos ko naman. :)


at ano ba naman ang 16-item exam namin sa chem lec na ladder type? question 1 pa lang mali na ko. so most probably wala rin talaga kong natama sa buong test. T_T literal na nakatitig lang ako sa papel ko kanina. parang feel ko ganito rin ung mangyayari sa sunday? saklap.


lakas tuloy ng tama namin nung math na. simpleng appearance lang ng k tsaka t=1/2, nababaliw na kami. hindi na kami nilubayan. bad idea pagsunurin ang chem 17 at math 53.


nabawi lang talaga ng comm 3 ung pagkaewan ng araw ko. kahit na gusto ko talagang magcut dun, masaya pa rin akong pumapasok ako. aliw kasi si sir eh. :p daming mga pauso kaya kung ano ano mga ginagawa namin. parang pangpawala ng stress.




kasama ko ang madjk kanina. oh well. panira si inah! may meeting daw kasi ang cursor kaya hindi siya nakasama sa amin. pero nanglibre naman siya. salamat sudie!!


naglaro lang naman kami ng 1 to 13 sa as steps. as usual sobrang ingay namin. tili ng tili. tapos pumunta sa may ilang para mag-isaw. bwahaha! masarap pala talaga ung isaw dun. medyo may kamahalan nga lang.


dahil wala kaming magawa at ayaw pa namin umuwi, nagsayaw na lang kami sa kalsada. mga hindi na nahiya. dami pa namang mga tao at jeep na dumadaan dun. line dance at streetdance ang trip namin kanina. :) and nag-isip bata na naman kami. naglaro pa kami ng kick, open, side by side. naperfect naman namin siya!! saya.


kaya maikka, abi, dina, jaimee at kim: salamat talaga ng marami kanina. namiss ko ang family natin. pero dapat kasama na natin sina inah next time. para mas maingay! labshu guys! mwah! [beso beso]




happy birthday sa aking first ever anak at ka-poca na si IKAY, sa aking elem bestfriend na si KAT-KAT, sa aking fourth year classmate na si ANGGE at sa aking ka-kageca na si CYNTHIA!


it's the summer feeling i really love
8:16 PM





Thursday, January 18, 2007



napakagaling ko. T_T ang first class ko kanina ay 7.30 which is physics lec at nasa bahay pa ko nung mga oras na yun. cram mode kasi ako sa paggawa ng calipers worksheet. so 30 minutes late ako sa klase. kahiya talaga. grand entrance pa ko kanina. pero at least pumasok pa rin diba??


saklap nga lang kasi hindi naman pinasa ung worksheet. tapos hindi rin natapos ng group namin ung projectile motion. sobrang naenjoy kasi namin eh! kaya ayun. gonna finish it na lang sa monday.


rtr rin pala namin kanina. ako, kara, josef, louie and duane. sa chem pav muna tapos pumunta sa mb. pero mga nashy type kami kanina eh. :P




nakipagkita rin ako kina jaimee, abi and kim sa rodics. naglunch dun [after 4756634 years! ngayon na lang ulit ako nakakain sa rodics. sarap pa rin ng tapsilog as usual] then pumunta na sa cal for acle. or at least yun ung original plan. required kasi umattend sina kim at abi ng acle. kami naman ni jaimee chorba lang dun.


pero wala ng chairs pagdating namin. so hindi na kami nag-acle ni jaimee. tumambay nalang kami sa 2nd floor lobby ng cal sa may stairs. halos tatlong oras rin kaming nagkwentuhan dun.


anything under the sun talaga kami. at napakaoverrated ng ***** na mga 78434 times nabanggit ni jaimee kanina!! bwahahahaha! adik kasi. at syempre may mga pakulo pa kami. may sarili pa kaming acle. up delta sigma alpha - the corridors of up: the essence of "tambay" and time management. ewan kung naniwala si maikka nung tinext namin yun sa kanya. :) haha!




no math and pe for us kanina. kaya tambay lang sa kalai sandali then uwi na rin.


dami kasing gagawin for tomorrow. physics homework + physics recit [with the sobrang cute prof!] + chem lab long quiz + chem homework + chem lec long quiz + chem prob set + activities sa comm. say niyo diba? hindi rin ako busy. kaya go kathy!! aja na lang!


it's the summer feeling i really love
6:48 PM





Wednesday, January 17, 2007



wala akong class today. kaya gala mode na naman. :p kasama ko sina choops, josef, louie, jane, joha, eric at wilson. nagstarbucks kami and finally nakumpleto na namin ung stickers. nakuha na rin ni choops ung planner niya.


then tambay lang sa mcdo. at sobrang ingay namin! kahiya. pero fun naman kaya ayos lang. nag-aral kami ng chem. or is it?? hahaha. wala pa rin talaga kong naiintindihan.


dumaan lang kami sa national bago umuwi. waaah! dami kong gustong bilhin. kaya lang namumulubi na ko ngayon. :( kailangan ko na talaga magtipid. ang gastos ko kasing bata. manonood pa naman kami ng saw 3 sa sunday after the exam.




at ngayon, naiirita naman ako sa physics lab. kapeste talaga.


wala kasi kaming format ng calipers worksheet. kami na daw bahala dun sa presentation ng data. pero sobrang laki ng problema ko! ang pangit ng data namin. hindi siya tumutugma.


tapos different rin pala ung experiment namin compared sa ibang may 71. kaya wala akong mahihingan ng tulong.


grabe!! ang sakit na ng ulo ko. bukas na pasahan nito eh. at wala pa kong nasisimulan. kumusta naman kasi ang philippine peso coins! care ko ba sa composition nila. nakakaiyak talaga. T_T tinatamad na ko magpasa ng paper bukas.




good thing na lang na hindi ko na problema ang math. namove kasi ung exam sa tuesday. so more time para makapag-aral. or not. basta hindi pa siya sa friday!


wala rin kaming math bukas. acle mode kasi. happy. :)


it's the summer feeling i really love
5:29 PM





Monday, January 15, 2007



wow. tagal kong hindi nagpost. busy ang loka. :P




halata naman sa status message ko sa ym eh. physics 71.1 calipers worksheet + math 53 second long exam + chem 17 first long exam = HELL. really. hell week na naman. which is weird, kasi ang alam ko dapat ang hell week kapag finals week lang. buhay che nga naman.


at syempre wala pa kong nasisimulan dyan. ang bait ko talagang bata!! cram na naman ako for sure. sanay na kasi. haha. malaking good luck na lang talaga sa akin!




wala lang. miss ko na ang kisay friends ko!!! grabe. kanina na lang ulit ako nakatambay sa as lobby, at sobrang come on. ang tagal ko pala talaga silang hindi nakita. first time this year. nakakamiss naman. kasi napaka-rare ko na daw talaga makasama. haha. sorry guys. hectic lang talaga ang schedule. joke! basta sana madalas ko na ulit kayo makita. :)


it's the summer feeling i really love
9:43 PM





Monday, January 08, 2007



ayan. walang kwenta lang ung post ko for today. ewan ko. trip ko lang talaga magpost ng kung ano man, kahit wala naman talaga kong ikwekwento. :) kaya randomness mode na lang.




may sakit nga pala ako ngayon. linalagnat at inuubo. T_T


at dahil sa wrong timing na pagkakasakit ko, hindi ko pa rin nagagawa ung formal lab report sa chem. though malapit na naman ako matapos. pati na rin sa postlab 4 ko. well dapat lang naman!! bukas ko na yun ipapasa eh. aja!


nabigay na rin pala results ng math long exam. pumasa ako! pero mababa siya. basta ayos na rin yun. at least pumasa naman diba??


bukas na rin pala ichecheck ung midterms namin sa comm. haha. sana wag naman pagtawanan nung magchecheck ung paper ko. aminado naman kasi akong marami talagang hula dun. :( hirap talaga kapag hindi nag-aral.


kagabi ko nga lang rin pala napanood ung while you are sleeping. grabe! hindi ko inexpect yun! akala ko kasi sobrang serious nung movie. pero nagkamali ako. ang laugh trip niya para sa akin. :P ewan ko ba. basta patok talaga siya. kahit ung mabababaw na bagay, pinagtatawanan ko dun. weird.


mamaya na rin pala ung start ng sana maulit muli. chummy na naman si kim at gerald dun for sure. wala lang. gusto ko lang siya mapanood kasi nahihiwagaan talaga ko kung paano tatakbo ung storya niya. talk about going back in time. or not?


and princess hours of course!!! i so love that. kakilig kasi eh. lalo na si prince troy! ang gwapo! may fans club na nga kami eh. nakakaadik talaga panoorin. bwahahahaha!




so balik acad mode muna ako. feel ko kasing wala na naman akong tulugan ngayon kapag hindi pa ako nagsimula. eh kailangan ko pa namang magpahinga. kaya magsisipag muna ko for now. sana naman may mangyari! waaah! good luck sa akin. :)


it's the summer feeling i really love
8:10 PM





Saturday, January 06, 2007



may pasok na ulit. at sobrang haggardness naman agad ng life ko. T_T syempre dahil yan sa formal lab report ng chem na hanggang ngayon hindi ko pa rin natatapos. haha. swerte lang talaga namin at naurong ung deadline.


at pumasa ko sa physics!! pero mababa ung score. oh well. mag-aaral na talaga ko next time, kung sisipagin. ang tamad talaga ay tamad na forever. hindi na magbabago.


so ung math na lang problema ko na medyo malabo talaga. diniscuss kasi ung mga sagot sa exam. at come on! ang galing ko pala talaga manghula. pero so sad for me. wala siyang paki sa final answer ko. gusto niya ung solution. :( obviously wala ako nun. good thing na lang na naiintindihan ko ung derivatives ngayon. magkalimutan na lang kami ng limits.


nagmidterms na rin pala ko sa comm 3. ayos lang naman ung test, kung hindi lang sana ako nawating. may binarbero na naman ako dun eh. 3 factors of self-presentation. ngayon ko lang narealize na sobrang layo pala nung sagot ko.




pero ang happy talaga ng 2007 ko. :) syempre may mga sad moments. kaya lang wala talagang makakasira sa mood ko these days. pakasaya na lang!!


it's the summer feeling i really love
9:11 PM





Tuesday, January 02, 2007



baka magshift na ko...




wala lang. mahal ko ang che syempre. pero i have the feeling na hindi na ko tama para sa course na yun. asus! chem 17 pa lang patay na yata ako eh. bigla na lang nawala ung pagkagusto ko sa chem. kasalanan yan ng mga kailangan kong gawing postlabs. T_T


and lately pumapasok ang idea ng shifting to baa. come on. i really love that course!! at kahit ano pang mangyari sa math 53 ko, i still love math. gusto ko talaga sa baa. feel ko yun na ung course na babagay sa akin.


pero hindi rin ako sure kung ready ba ako igive up ung che. kasi gusto ko pa rin naman siya ipagpatuloy kahit na medyo nahihirapan na ko. parang challenge na rin for myself. tsaka alam ko naman na may reason talaga kung bakit yun ung first choice ko at hindi baa. sayang rin ung mga units na hindi macrecredit if ever na magshift ako. at malaking factor ang org.




so ano na bang gagawin ko? to shift or not to shift?? sobrang confused na ko ngayon. sabi nga ng nanay ko kanina, pag-isipan ko na lang muna ng mabuti. still have three months to decide...


it's the summer feeling i really love
6:45 PM





Monday, January 01, 2007



ngayong tapos na ang 2006 - gusto ko naman pasalamatan ung mga taong nakasama ko nung taon na yun. ung mga taong nagpasaya sa akin, nagpangiti, nagpatawa, nagpaiyak, nagpatahan, nagpasensya sa mga kalokohan ko, nagtiis ng mga katarayan at kasupladahan ko, mga kakulitan ko, nabingi sa mga tili ko at kung ano pang mga kabaliwan.




sa mga taong nakasama at nakipagsaya sa huling tatlong buwan ng aking highschool life...


sa kageca: kahit madalas hindi natutuloy ung gimik natin sa ek at moa, ayos lang. nandyan pa rin naman ung mga usapang brutalan natin sa foodcourt. tsaka ung mga bk moments natin na may special participation pa ng mga flying ipis ng bk. miss ko na kayo friendships!!


sa papaw-mamaw family tree: never na talaga tayo nabuo! partida naman. karamihan sa atin nasa up lang rin. pero kayo ung mga madalas ko pa rin makasama, mula sa maniax days nung summer hanggang sa mga overnights ngayong christmas break. mga adik rin tayo sa pictures. wish ko lang naman talaga ay makilala na tayo ni papaw para official na talaga. haha.


sa swastika: mga kaswasti ko!!! i miss you guys! naaalala ko pa ung cake na pinaghati-hatian natin nung birthday ni clarsky. sana magkaroon na rin tayo ng reunion na matagal na rin natin pinaplano. mga dakilang pasaway talaga tayo! pero thank you talaga kasi going strong pa rin tayo kahit ano pang pinagdadaanan natin.


sa poca: alam kong hindi na applicable ung name natin. at kinarir lang talaga natin yun nung highschool! pero masaya naman diba?? haha. mga usapang ***** kahit hindi naman talaga totoo. ang gulo natin. at cute talaga ung pic natin nung grad kasama siya.


sa es-em-bee: sa inyo ako natuto ng mga kalandian. joke! mga vain lang talaga tayo nun. or hanggang ngayon pa rin ba? oh well. salamat kasi tayo ung mga forever magkakasama nung fourth year lalo na kapag lunch. sightseeing galore kasi sa canteen. tapos hilig rin natin umikot ng umikot sa soccer field nun. at ang pagpapastudio pic!! kilala na tayo sa kamworld.


sa 07 friends: in fairness marami rin talaga kong naging kaclose sa inyo. at hindi ko inexpect yun! thank you nga pala sa pagsulat dun sa dedic notebook ko nung malapit na ung grad. tsaka sa mga kitikitext rin sa inyo na palagi kong nakakausap.


sa mga crushes ko: chorba! may ganun talaga eh noh.. salamat sa inspirasyon! wah! joke lang yan. pero syempre nandyan ung mga kilig factor. kaya lang lahat kayo expired na. whatever! ang ewan na ng mga pinagsasabi ko dito. hehe.


sa avo 3: mahal ko talaga kayo!! kahit bec 4 ako, kayo ung reason kung bakit palagi pa rin akong nasa avo 4 classroom. i can still remember the moulin rouge days. tsaka syempre dyan ko talaga nakita ung mga pinakaclose kong friends. at ang happy lang talaga nung mini reunion natin.


sa bec 4: ang ganda nung nakasulat na description natin sa yearbook. ang shining moment natin ay everyday!! babam! ang sarap maging part ng bec 4. at ang saya talaga nung outing natin kasama ang reyna. pati na rin ung party before siya umalis. tsaka salamat rin sa mga bonding moments at sa suporta na rin ni mam alvarez at sir ben sa atin.


sa mga teachers: salamat sa pagtuturo sa amin. mukha lang talaga kaming mga pasaway, pero we are happy to know you. kahit pinahirapan niyo kami. haha! tsaka karamihan rin sa inyo naging halos kabarkada na rin namin. thank you sa lahat.


sa batch 2006: graduate na tayo!! nalampasan natin lahat ng mga pagsubok. kahit ano pang sabihin ng mga tao sa paligid natin, iba talaga tayo. asteeg! the best!! mga cheering days natin. come on! most promising batch nga daw. tsaka nakakatuwa lang kasi hindi talaga tayo nag-iwanan. isang batch lang talaga tayo.


sa quesci: hindi ko makakalimutan forever ang alma ko. dito ako natuto ng napakaraming bagay. natuto maging independent at lumaban for myself. nandito na lahat ng saya pati na rin mga iyakan. dati sobrang bata lang namin tapos after four years, nagbago na lahat. truly made my highschool life a wonderful experience. i love kisay!!




sa mga taong nakilala at naging karamay ko sa unang taon ng aking college life...


sa g3: mga blockmates ko. though hindi lahat naging kaclose ko, sa inyo ako nakahanap ng mga unang friends ko sa up. sama sama tuwing chem time. at ang saya natin palagi kapag walang klase. haha! naaalala ko rin ung brain freeze. dun tayo unang naging closeness.


sa batch 06-a: new mems na tayo!! ang sarap ng feeling kasi pinaghirapan. ung mga kasama ko tumambay nung mga aplikante pa tayo at sa buong app process. nagsama sa lahat ng hirap na pinagdaanan at hindi bumitiw. sana naintindihan natin at naisapuso kung ano man ung gusto ituro sa atin ng mga memcom. at syempre mahalin ang up kem!


sa nanay at buddy ko: ang daming nagbago sa buhay ko dahil sa inyo. siguro hindi niyo alam yun, pero ang laki ng role niyo sa buhay ko. kayo ung naging inspirasyon ko. kahit minsan na lang tayo nagkikita at nagkakausap ngayon, sobrang saya ko na ang nanay ko ay ikaw ate kong at ang buddy ko ay ikaw kuya jasond. proud ako dun. thank you sa lahat ng nagawa niyo for me.


sa up kem: hindi ko talaga alam kung ano ung pinapasok ko nung nagpasa ako ng application. haha. akala ko kasi madali lang mag-apply sa kem, pero napakalaking pagkakamali pala nun. but i'm very very happy na nag-apply ako. kasi ang daming mawawala sa akin kapag hindi. ang dami kong mamimiss. i really love up kem!!!


sa mean girls: mga okray ladies talaga tayo. na mababait. ang weird noh? kayong tatlo ung feel ko talagang hindi ko makakasundo sa block natin. pero it turns out na kayo pa ung magiging closest friends ko. wala lang. nakakamiss na kayo. forever mean girls!


sa i f: ang pagkakaibigang nabuo dahil sa isaw moments. at sa pagtambay na rin sa kalai. salamat dun sa happy feet!! aliw talaga ko dun eh. tsaka kapag kasi may problema ako or anything, kayo ung mga una kong linalapitan. ewan ko ba kung bakit. naging close lang talaga siguro ako sa inyo. dapat happy tayo palagi! ingatan ang mga bracelet ah.


sa kaberks ko: wala kasi tayong pangalan eh. basta kilala niyo naman kung sino sino kayo. mga cram moments natin! kopya ng homework sa physics at math, kopya ng postlab sa chem at physics at mga dakilang nagchicheer nung engg week. ang fun!! hanggang sa uulitin. marami pang mangyayari sa atin!


sa mga classmates ko ng first at second sem: malapit na ulit tayo magkita! malapit na ang pasukan. thankful ako kasi mas lalo pang dumami ung mga friends at kakilala ko. tsaka mas naging open ako to new things. mga karamay ko rin kayo tuwing acad mode.


sa mga profs ko: kumusta naman kayo? haha. nakakaloka ung mga requirements niyo pero ayos lang naman yata. basta makapagpasa ako. joke! salamat kasi kayo ung nagparealize sa akin na kailangan ko na talaga magsipag. at thanks sa knowledge shared. hehe.


sa up: wah! college na ko! hindi ko nga lang ganun kadama. parang highschool pa rin kasi. may isang bagay lang talaga kong hindi pinagsisisihan. na sa up ako pumasok at hindi sa admu. gusto ko kasi talaga ang admu dati, pero up ung pinili ko. hindi siguro ako ganito ngayon kung sa ateneo ako. kaya salamat up!! sobrang saya ng college life ko. promise.




sa mga taong napakalapit sa akin at naging bahagi ng aking family life...


sa parents ko: salamat sa lahat. sa suporta, sa pagmamahal, sa pag-aalaga kahit na napakabaliw ng anak niyo. haha! kulang na lang kasi ibigay niyo na lahat ng gusto ko. tsaka salamat rin kasi nakikinig kayo tuwing magkwekwento ako ng mga adventures ko. at tinutulungan niyo rin ako kapag minsan susuko na ko sa isang bagay, kasi kayo ung sumasalo nun para sa akin.


sa mga kapatid ko: ang tagal ko na kayong hindi nakikita! minsan ko na lang rin kayo makausap kasi usually busy ako or kaya naman kayo ung maraming ginagawa. so sad kasi nasanay na rin ako na wala kayo dito sa tabi ko. pero naiintindihan ko naman kasi na kailangan niyo magwork abroad. hay. miss na miss ko na talaga kayo!! love you!


sa lola ko: ang pasaway ko noh? madalas nagmamaldita rin ako. sorry. pero mahal na mahal kita kahit hindi ko masyado napapakita. importante ka para sa akin. sana in little ways, maramdaman mo rin yun kahit hindi ko sinasabi.


sa mga kababata ko: hindi na rin tayo masyado nag-uusap. siguro may gap na talaga kasi marami na rin naman nagbago. happy na lang ako kasi alam kong nandyan kayo for me, kahit ano pang mangyari. asahan niyong nandito pa rin ung ate niyo palagi.


sa mga ninong/ninang at tito/tita ko: haha. salamat sa mga regalo niyo!! actually hindi ko pa rin gets kung bakit niyo pa rin ako binibigyan kahit ang tanda ko na. pero you made me feel i'm special. charing! feel ko mga kabarkada ko na kasi kayo.


sa inaanak ko: ang cute mo! hehe. ang sarap mo bilhan ng regalo. siguro ung mga bagay na wish kong meron ako nung bata ako, sayo ko na lang binibigay. tsaka may sense of fulfillment talaga tuwing nakikita kita.


sa mga kapitbahay ko: hindi naman kasi ako mahilig magliwaliw sa street natin so konti lang ung mga kilala ko. ung mga pumupunta lang talaga sa bahay namin. and aliw lang ako dun sa mga bata. feel na feel ko masyadong ate nila ko. gusto ko talaga ng little sis at bro eh.




and most of all, gusto ko pasalamatan si God sa lahat. as in lahat. kasi kung wala siya, wala rin tayo. kaya gusto kong maging better person at lalo pang magpakabait para hindi masayang ung mga binibigay niya sa akin na blessings. tsaka binigay niya rin sa akin ung gift of life kaya dapat i live my life to the fullest and not only for myself, kundi para na rin sa iba. thank you Lord!




ngayong simula na ng 2007 - sana ganun pa rin. walang magbago. or kung meron man, dapat for the better. dapat mas masaya ang 2007 para sa ating lahat. tuloy lang ang mga kalokohan, kulitan, kaepalan, paggimik sa iba't-ibang lugar, pag-eenjoy sa buhay college, hopefully pag-aaral at pagsisipag natin at pagkamit ng ating mga pangarap. start the year right!


happy happy happy new year!!! :)




~ o diba? parang nanalo ako ng award sa haba ng speech ko. ang drama pa. haha. pagbigyan na kasi new year naman. pero ang tiyaga ko pala talaga. sobrang haba ng post ko. oh well. ganyan ko talaga kayo kamahal! inuna ko pa talaga ang pagpapakasenti kaysa sa mga postlab.


it's the summer feeling i really love
12:10 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007