Friday, January 19, 2007



haggard syempre. kumusta naman ang pagcram ng chem probset at homework habang physics recit?? nakakaloka magmultitask. pero natapos ko naman. :)


at ano ba naman ang 16-item exam namin sa chem lec na ladder type? question 1 pa lang mali na ko. so most probably wala rin talaga kong natama sa buong test. T_T literal na nakatitig lang ako sa papel ko kanina. parang feel ko ganito rin ung mangyayari sa sunday? saklap.


lakas tuloy ng tama namin nung math na. simpleng appearance lang ng k tsaka t=1/2, nababaliw na kami. hindi na kami nilubayan. bad idea pagsunurin ang chem 17 at math 53.


nabawi lang talaga ng comm 3 ung pagkaewan ng araw ko. kahit na gusto ko talagang magcut dun, masaya pa rin akong pumapasok ako. aliw kasi si sir eh. :p daming mga pauso kaya kung ano ano mga ginagawa namin. parang pangpawala ng stress.




kasama ko ang madjk kanina. oh well. panira si inah! may meeting daw kasi ang cursor kaya hindi siya nakasama sa amin. pero nanglibre naman siya. salamat sudie!!


naglaro lang naman kami ng 1 to 13 sa as steps. as usual sobrang ingay namin. tili ng tili. tapos pumunta sa may ilang para mag-isaw. bwahaha! masarap pala talaga ung isaw dun. medyo may kamahalan nga lang.


dahil wala kaming magawa at ayaw pa namin umuwi, nagsayaw na lang kami sa kalsada. mga hindi na nahiya. dami pa namang mga tao at jeep na dumadaan dun. line dance at streetdance ang trip namin kanina. :) and nag-isip bata na naman kami. naglaro pa kami ng kick, open, side by side. naperfect naman namin siya!! saya.


kaya maikka, abi, dina, jaimee at kim: salamat talaga ng marami kanina. namiss ko ang family natin. pero dapat kasama na natin sina inah next time. para mas maingay! labshu guys! mwah! [beso beso]




happy birthday sa aking first ever anak at ka-poca na si IKAY, sa aking elem bestfriend na si KAT-KAT, sa aking fourth year classmate na si ANGGE at sa aking ka-kageca na si CYNTHIA!


it's the summer feeling i really love
8:16 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007