ngayong tapos na ang 2006 - gusto ko naman pasalamatan ung mga taong nakasama ko nung taon na yun. ung mga taong nagpasaya sa akin, nagpangiti, nagpatawa, nagpaiyak, nagpatahan, nagpasensya sa mga kalokohan ko, nagtiis ng mga katarayan at kasupladahan ko, mga kakulitan ko, nabingi sa mga tili ko at kung ano pang mga kabaliwan.
sa mga taong nakasama at nakipagsaya sa huling tatlong buwan ng aking highschool life...
sa kageca: kahit madalas hindi natutuloy ung gimik natin sa ek at moa, ayos lang. nandyan pa rin naman ung mga usapang brutalan natin sa foodcourt. tsaka ung mga bk moments natin na may special participation pa ng mga flying ipis ng bk. miss ko na kayo friendships!!
sa papaw-mamaw family tree: never na talaga tayo nabuo! partida naman. karamihan sa atin nasa up lang rin. pero kayo ung mga madalas ko pa rin makasama, mula sa maniax days nung summer hanggang sa mga overnights ngayong christmas break. mga adik rin tayo sa pictures. wish ko lang naman talaga ay makilala na tayo ni papaw para official na talaga. haha.
sa swastika: mga kaswasti ko!!! i miss you guys! naaalala ko pa ung cake na pinaghati-hatian natin nung birthday ni clarsky. sana magkaroon na rin tayo ng reunion na matagal na rin natin pinaplano. mga dakilang pasaway talaga tayo! pero thank you talaga kasi going strong pa rin tayo kahit ano pang pinagdadaanan natin.
sa poca: alam kong hindi na applicable ung name natin. at kinarir lang talaga natin yun nung highschool! pero masaya naman diba?? haha. mga usapang ***** kahit hindi naman talaga totoo. ang gulo natin. at cute talaga ung pic natin nung grad kasama siya.
sa es-em-bee: sa inyo ako natuto ng mga kalandian. joke! mga vain lang talaga tayo nun. or hanggang ngayon pa rin ba? oh well. salamat kasi tayo ung mga forever magkakasama nung fourth year lalo na kapag lunch. sightseeing galore kasi sa canteen. tapos hilig rin natin umikot ng umikot sa soccer field nun. at ang pagpapastudio pic!! kilala na tayo sa kamworld.
sa 07 friends: in fairness marami rin talaga kong naging kaclose sa inyo. at hindi ko inexpect yun! thank you nga pala sa pagsulat dun sa dedic notebook ko nung malapit na ung grad. tsaka sa mga kitikitext rin sa inyo na palagi kong nakakausap.
sa mga crushes ko: chorba! may ganun talaga eh noh.. salamat sa inspirasyon! wah! joke lang yan. pero syempre nandyan ung mga kilig factor. kaya lang lahat kayo expired na. whatever! ang ewan na ng mga pinagsasabi ko dito. hehe.
sa avo 3: mahal ko talaga kayo!! kahit bec 4 ako, kayo ung reason kung bakit palagi pa rin akong nasa avo 4 classroom. i can still remember the moulin rouge days. tsaka syempre dyan ko talaga nakita ung mga pinakaclose kong friends. at ang happy lang talaga nung mini reunion natin.
sa bec 4: ang ganda nung nakasulat na description natin sa yearbook. ang shining moment natin ay everyday!! babam! ang sarap maging part ng bec 4. at ang saya talaga nung outing natin kasama ang reyna. pati na rin ung party before siya umalis. tsaka salamat rin sa mga bonding moments at sa suporta na rin ni mam alvarez at sir ben sa atin.
sa mga teachers: salamat sa pagtuturo sa amin. mukha lang talaga kaming mga pasaway, pero we are happy to know you. kahit pinahirapan niyo kami. haha! tsaka karamihan rin sa inyo naging halos kabarkada na rin namin. thank you sa lahat.
sa batch 2006: graduate na tayo!! nalampasan natin lahat ng mga pagsubok. kahit ano pang sabihin ng mga tao sa paligid natin, iba talaga tayo. asteeg! the best!! mga cheering days natin. come on! most promising batch nga daw. tsaka nakakatuwa lang kasi hindi talaga tayo nag-iwanan. isang batch lang talaga tayo.
sa quesci: hindi ko makakalimutan forever ang alma ko. dito ako natuto ng napakaraming bagay. natuto maging independent at lumaban for myself. nandito na lahat ng saya pati na rin mga iyakan. dati sobrang bata lang namin tapos after four years, nagbago na lahat. truly made my highschool life a wonderful experience. i love kisay!!
sa mga taong nakilala at naging karamay ko sa unang taon ng aking college life...
sa g3: mga blockmates ko. though hindi lahat naging kaclose ko, sa inyo ako nakahanap ng mga unang friends ko sa up. sama sama tuwing chem time. at ang saya natin palagi kapag walang klase. haha! naaalala ko rin ung brain freeze. dun tayo unang naging closeness.
sa batch 06-a: new mems na tayo!! ang sarap ng feeling kasi pinaghirapan. ung mga kasama ko tumambay nung mga aplikante pa tayo at sa buong app process. nagsama sa lahat ng hirap na pinagdaanan at hindi bumitiw. sana naintindihan natin at naisapuso kung ano man ung gusto ituro sa atin ng mga memcom. at syempre mahalin ang up kem!
sa nanay at buddy ko: ang daming nagbago sa buhay ko dahil sa inyo. siguro hindi niyo alam yun, pero ang laki ng role niyo sa buhay ko. kayo ung naging inspirasyon ko. kahit minsan na lang tayo nagkikita at nagkakausap ngayon, sobrang saya ko na ang nanay ko ay ikaw ate kong at ang buddy ko ay ikaw kuya jasond. proud ako dun. thank you sa lahat ng nagawa niyo for me.
sa up kem: hindi ko talaga alam kung ano ung pinapasok ko nung nagpasa ako ng application. haha. akala ko kasi madali lang mag-apply sa kem, pero napakalaking pagkakamali pala nun. but i'm very very happy na nag-apply ako. kasi ang daming mawawala sa akin kapag hindi. ang dami kong mamimiss. i really love up kem!!!
sa mean girls: mga okray ladies talaga tayo. na mababait. ang weird noh? kayong tatlo ung feel ko talagang hindi ko makakasundo sa block natin. pero it turns out na kayo pa ung magiging closest friends ko. wala lang. nakakamiss na kayo. forever mean girls!
sa i f: ang pagkakaibigang nabuo dahil sa isaw moments. at sa pagtambay na rin sa kalai. salamat dun sa happy feet!! aliw talaga ko dun eh. tsaka kapag kasi may problema ako or anything, kayo ung mga una kong linalapitan. ewan ko ba kung bakit. naging close lang talaga siguro ako sa inyo. dapat happy tayo palagi! ingatan ang mga bracelet ah.
sa kaberks ko: wala kasi tayong pangalan eh. basta kilala niyo naman kung sino sino kayo. mga cram moments natin! kopya ng homework sa physics at math, kopya ng postlab sa chem at physics at mga dakilang nagchicheer nung engg week. ang fun!! hanggang sa uulitin. marami pang mangyayari sa atin!
sa mga classmates ko ng first at second sem: malapit na ulit tayo magkita! malapit na ang pasukan. thankful ako kasi mas lalo pang dumami ung mga friends at kakilala ko. tsaka mas naging open ako to new things. mga karamay ko rin kayo tuwing acad mode.
sa mga profs ko: kumusta naman kayo? haha. nakakaloka ung mga requirements niyo pero ayos lang naman yata. basta makapagpasa ako. joke! salamat kasi kayo ung nagparealize sa akin na kailangan ko na talaga magsipag. at thanks sa knowledge shared. hehe.
sa up: wah! college na ko! hindi ko nga lang ganun kadama. parang highschool pa rin kasi. may isang bagay lang talaga kong hindi pinagsisisihan. na sa up ako pumasok at hindi sa admu. gusto ko kasi talaga ang admu dati, pero up ung pinili ko. hindi siguro ako ganito ngayon kung sa ateneo ako. kaya salamat up!! sobrang saya ng college life ko. promise.
sa mga taong napakalapit sa akin at naging bahagi ng aking family life...
sa parents ko: salamat sa lahat. sa suporta, sa pagmamahal, sa pag-aalaga kahit na napakabaliw ng anak niyo. haha! kulang na lang kasi ibigay niyo na lahat ng gusto ko. tsaka salamat rin kasi nakikinig kayo tuwing magkwekwento ako ng mga adventures ko. at tinutulungan niyo rin ako kapag minsan susuko na ko sa isang bagay, kasi kayo ung sumasalo nun para sa akin.
sa mga kapatid ko: ang tagal ko na kayong hindi nakikita! minsan ko na lang rin kayo makausap kasi usually busy ako or kaya naman kayo ung maraming ginagawa. so sad kasi nasanay na rin ako na wala kayo dito sa tabi ko. pero naiintindihan ko naman kasi na kailangan niyo magwork abroad. hay. miss na miss ko na talaga kayo!! love you!
sa lola ko: ang pasaway ko noh? madalas nagmamaldita rin ako. sorry. pero mahal na mahal kita kahit hindi ko masyado napapakita. importante ka para sa akin. sana in little ways, maramdaman mo rin yun kahit hindi ko sinasabi.
sa mga kababata ko: hindi na rin tayo masyado nag-uusap. siguro may gap na talaga kasi marami na rin naman nagbago. happy na lang ako kasi alam kong nandyan kayo for me, kahit ano pang mangyari. asahan niyong nandito pa rin ung ate niyo palagi.
sa mga ninong/ninang at tito/tita ko: haha. salamat sa mga regalo niyo!! actually hindi ko pa rin gets kung bakit niyo pa rin ako binibigyan kahit ang tanda ko na. pero you made me feel i'm special. charing! feel ko mga kabarkada ko na kasi kayo.
sa inaanak ko: ang cute mo! hehe. ang sarap mo bilhan ng regalo. siguro ung mga bagay na wish kong meron ako nung bata ako, sayo ko na lang binibigay. tsaka may sense of fulfillment talaga tuwing nakikita kita.
sa mga kapitbahay ko: hindi naman kasi ako mahilig magliwaliw sa street natin so konti lang ung mga kilala ko. ung mga pumupunta lang talaga sa bahay namin. and aliw lang ako dun sa mga bata. feel na feel ko masyadong ate nila ko. gusto ko talaga ng little sis at bro eh.
and most of all, gusto ko pasalamatan si God sa lahat. as in lahat. kasi kung wala siya, wala rin tayo. kaya gusto kong maging better person at lalo pang magpakabait para hindi masayang ung mga binibigay niya sa akin na blessings. tsaka binigay niya rin sa akin ung gift of life kaya dapat i live my life to the fullest and not only for myself, kundi para na rin sa iba. thank you Lord!
ngayong simula na ng 2007 - sana ganun pa rin. walang magbago. or kung meron man, dapat for the better. dapat mas masaya ang 2007 para sa ating lahat. tuloy lang ang mga kalokohan, kulitan, kaepalan, paggimik sa iba't-ibang lugar, pag-eenjoy sa buhay college, hopefully pag-aaral at pagsisipag natin at pagkamit ng ating mga pangarap. start the year right!
happy happy happy new year!!! :)
~ o diba? parang nanalo ako ng award sa haba ng speech ko. ang drama pa. haha. pagbigyan na kasi new year naman. pero ang tiyaga ko pala talaga. sobrang haba ng post ko. oh well. ganyan ko talaga kayo kamahal! inuna ko pa talaga ang pagpapakasenti kaysa sa mga postlab.
it's the summer feeling i really love
12:10 PM