Friday, February 02, 2007



...yesterday muna...


halos wala akong tulog kasi ginawa ko ung projectile motion worksheet. ang haba niya. and the saddest part is hindi naman siya pinasa kahapon. T_T wala kasing nakatapos at may mali rin sa ginawa ko dun sa uncertainties. kailangan ko pa mag-edit.


umattend ako sa physics lec ng 3-4 since wala namang std. kilala ko na rin ung prof nila at last!! basta ang masasabi ko lang, adik siya sa mga smileys. at mas lalong adik siya sa pagsmile. :)


first time ko pumuntang divisoria. kasama ko sina choops, kumi and wilson. grabe talaga dun. ang daming pwedeng bilhin! at ang mura pa! masaya magshopping kapag maraming pera. pero grey's anatomy dvd lang nabili ko. haha. actually princess hours lang naman talaga ung pinunta ko dun, at napakamalas ko kasi wala daw.




...today naman...


absent ako sa physics lec namin. dumating kasi ako ng up mga 8 na, tapos wala na si mam nun. pupunta kasi siya sa pisay for career talk. ngayon lang ako nakamiss ng isang quiz.


may buddy rin pala ako. wahaha!! tinext lang siya sa akin ni ate dheng. and for some weird reason, naeexcite ako magkaroon ng buddy ngayon. sabi ko kasi dati hindi ko pa muna kaya magbuddy this sem. pero i am so wrong. gusto ko na nga makilala ung buddy ko now na! mabait daw kasi yun.


hell naman ung impromptu ko. hindi talaga gumana ung utak ko eh. hindi ko nga alam kung ano ung mga sinagot ko kanina. at nafeel kong ang tagal ko talaga dun sa loob ng room. speechless kasi talaga ko. :(


most traumatic jeepney ride. kumusta naman kasi ung akala ko mamamatay na ko kanina. katakot talaga.




...next week...


basta math mode ako nyan!! kailangan ko talaga mag-aral. third long exam sa monday at midterms naman sa wednesday. karir mode kung karir. seseryosohin ko na ang limits, derivatives, maxima minima at lahat lahat na. hindi talaga ko papayag na mas mataas siya sa akin. hmp!


it's the summer feeling i really love
7:09 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007