Thursday, March 29, 2007



tapos na ang math at physics finals. haha. ang hirap sobra. T_T


nagreview naman ako ng math. pero hindi ko talaga masagutan. alam ko kung anong gagawin, kaya lang ang complicated nung mga given. hindi ko pa memorize ung mga trigo lalo na ung sa hyperbolic functions. ung mga type of questions pa naman ung mga pass muna. matatakot kang sagutan ung problem dahil mukhang mahaba ung solution. thank you na lang talaga at may nasagutan ako kahit papaano. hindi nga lang ako sure kung enough yun para pumasa ako dun sa exam. wah! sir wong maawa ka sa akin!! dapat above 2 ang grade ko sa 53.


puro chapter summary lang nabasa ko sa physics. at hindi ko inexpect na mahihilo ako dun sa exam. multiple choice kasi siya in the first place. pero siguro dahil na rin sa math kaya tinatamad na ko magsagot. after nga nung exam, isa lang ang nasabi ko eh. SHOTGUN. physics pa naman yun. pero marami rin namang tumama sa mga sagot ko so i guess pasado ako dun sa exam. umaasa na lang akong umabot ng 2.5 ung grade ko.




at para dagdagan ang kasaklapan ng araw ko kahapon, nalaman kong bagsak pa rin ako dun sa long exam sa chem. kaya wala talaga kong pinasa. napakasimple naman iconclude na singko ang standing ko. huhuhu. kaya kailangan ko talaga galingan sa finals para pumasa. ayoko magretake.




akala niyo dun na nagtatapos? may isang bagay pang sumira ng araw ko kahapon. kasama namin si ammoniacal sa sm. ano pa bang mas lalala pa dun diba? sorry kung napakasama ko sa kanya pero hindi lang naman ako ung ganito. halos lahat kami. so ibig sabihin wala sa akin ung problema, na sa kanya na yun. tsaka sana walang nakikialam sa away namin. personal thing na yun eh. dapat hindi na nakikisama ung hindi naman talaga involved, especially kung hindi naman namin sinabing tulungan kaming ayusin ung problema.


ok. ang taray ko na. i am so bad. so evil. hahahahaha.




by the way nakuha ko ung math 54 sa crs. at naconfirm ko ngayon na hindi pala si wee ung prof ng class na yun. excited na ko magsummer. :P which means hindi ko talaga pwedeng ibagsak ung chem 17, dahil math 54 ang issummer ko. wala akong choice. i have to pass that subject.


it's the summer feeling i really love
6:42 PM





Tuesday, March 27, 2007



sino bang pwedeng magturo sa akin kung paano mag-aral?!?!




my god. finals ko bukas sa math at physics. kailangan ko magbasa ng 7 chapters sa tc7 at 16 chapters sa university physics. not to mention na kailangan ko rin magsagot ng mga exercises to make sure naintindihan ko nga ung mga binasa ko. so ano na nangyayari sa akin ngayon?


wala pa rin. wala pa kong nasisimulan, at mukhang wala talaga kong balak simulan. alam niyo ung ganung feeling.. gusto kong mag-aral. [for the first time ay ginusto ko talaga mag-aral.] pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano. come on! blog mode pa nga ako ngayon diba. ang labooooooo.




bakit ba kasi ako nasanay magcram? ung tipong ilang minutes before the exam, dun pa lang ako magbabasa ng notebook ng iba. tapos bigla na lang akong matataranta kasi hindi ko alam ung sinasabi nung katabi ko. napakainosente ko naman.


nakakatawa pa nga eh. dati hindi ko madefend ung pagiging crammer ko. na pag tinatanong ako ng mga tao kung bakit hindi ako nag-aral, ang sasabihin ko lang "kasi tinatamad ako." pero ngayon iba na. may dahilan na ko kung bakit ako nagcracram. syempre napulot ko lang yun sa iba pang crammer sa mundo. kapag nagtrabaho ka ba, bibigyan ka ng 3 weeks para gawin ung isang task? hindi naman. usually that day mo rin siya kailangan matapos. kaya dapat masanay ka na talagang magcram para adjusted ka na kapag may trabaho ka na. makes sense ba? sa tingin ko.




pero for some weird reason, ayaw ko na ng ganitong buhay. gusto ko ung maayos. ung hindi ako naloloka dyan dahil may hindi pa ko nagagawa. ung prepared ako sa lahat. ung sa huli hindi ko pagsisisihan ung makukuha kong grades.


and speaking of grades. obvious bang kailangan ko talaga mag-aral? singko nga standing ko sa chem eh. at sino ba ang gustong umulit ng chem 17?! matagal ko na sinabing ayoko talaga ung feeling na binibigay sa akin nung subject na yun. na parang ikaw na ung pinakabobong tao sa mundo. wala kang masagot. how stupid.




bottomline? kailangan ko talaga mag-aral. kailangan ko na talaga baguhin ung cramming attitude ko because it's not working anymore. siguro nung highschool oo. pero ngayong college, definitely hindi. kausap ko nga si kassa kagabi tungkol sa acads. at nagkasundo kami sa isang bagay. masyado naming inunderestimate ang college. akala kasi namin parang highschool pa rin, kaya pa rin namin magshine. mahirap pala yun. nakakafrustrate. haller kathy. up kaya pinasukan mo.


naaalala ko pa ung isang incident sa national. last last week lang yata yun. basta kasama ko si abi, tapos may nakita kaming libro. parang "how to study" book. at in fairness binasa ko talaga siya. desperado na ko matuto kung paano mag-aral!


at isa pang kakaibang bagay. tinanong ako ni kenneth kung anong ginagawa ko sa mga sample exams sa math eh hindi ko naman daw binabasa. nasa filecase ko lang siya the whole time. pareho pa kami ng sagot ni louie nun. ang sabi namin, gusto lang namin ung feeling na may sample exams kami kahit hindi namin sinasagutan. basta mas confident kami kapag ganun.




haaaaaay. hindi ko na alam gagawin ko ngayon. basta ang alam ko lang, naniniwala pa rin akong makakaya ko yang finals. makakaya ko ung future subjects ko. kaya ko pa rin magshine tulad ng dati. kung paano hindi ko talaga alam, pero alam kong kaya ko. [mataas talaga ang confidence level ko kahit kelan.]


it's the summer feeling i really love
8:48 AM





Monday, March 26, 2007



hell week 2 na!! wahaha. parang masaya pa ko eh noh. basta matapos lang ang march, sobrang ieenjoy ko na ang 2 weeks na bakasyon. summer to the highest level.




nasa bahay ako nina janel kahapon. group study ng math kasama sina cj at sir ben. :) syempre wala talaga kaming alam kaya nagpaturo na rin kami kay sir. at in fairness lang talaga, naiintindihan ko na siya ngayon. mahalagang factor talaga ang prof. kailangan ko na lang aralin ung ibang concepts at magmemorize ng mga hyperbolic functions. salamat po talaga sir!!


dapat punta kong up ngayon para imeet ung physics lab groupmates ko pero hindi natuloy. kailangan ko kasi magpahinga dahil sa pesteng sugat ko. ang sakit pa rin niya. T_T


it's the summer feeling i really love
6:39 PM





Sunday, March 25, 2007



haha. hindi ko na natuloy ung hell week update ko. T_T




hell week 1, day 2


nakakaiyak kasi halos hindi ako nakatulog dahil ginagawa ko ung poster presentation namin. pero wala rin namang nangyari. kahit hindi ako pumasok nung physics lec, hindi ko pa rin siya natapos. pasalamat na lang talaga ko at hindi rin pumasok si miss romero. kaya hindi ako absent. :D


kumopya lang ng postlab sa chem. syempre wala na kasi akong time para gawin yun sa bahay. nagpractice pa ko para sa aking speech. mabait na bata eh.


pumunta kaming cellos. happy birthday choops!! obviously nilibre niya kami. haha. salamat. :) tapos sa mcdo na lang kami naglunch pero dumaan muna kong national para bumili ng tangrams for my speech in comm. nakakatawa ung mga napag-usapan namin sa mcdo. nakita ko rin pala si regine na elem friend ko at nalaman na common friend pala namin si louie. what a small world talaga! then bumalik na sa up dahil may math ung iba sa amin.


at ako nga pala ung huling nagspeech. may nakipagpalit kasi sa akin. eh si sir pasaway, ginawang 8 minutes lahat ng speech. dapat 10 minutes ung akin. kaya hindi ko talaga siya natapos. shinortcut ko na lang.




hell week 1, day 3


wala akong pasok pero ano pa nga ba, nasa up pa rin ako nun. gumising ako ng maaga para lang tapusin ung poster presentation namin. punta na ng up after para dun sa meeting namin para sa final group presentation sa comm 3.


as usual early bird ang lola. late ako pero ako ung pinakaunang dumating. dahil kailangan ko nga magpatarp, umalis ako ng maaga sa practice.


kasama ko naman si von sa orange segment. at dun ko lang narealize na sobrang haba pala talaga nung poster namin. ang gulo gulo ko pa pagdating dun sa dimensions. sorry naman kasi first time eh. naexcite masyado. medyo matagal ung hihintayin kaya tumambay muna kami sa bahay nina josef. dami rin tao dun kasi nagprapractice sila. :) so nakigulo lang talaga ko.


bumalik kaming orange segment after 2 hours pero hindi pa rin daw tapos. kaya kumain muna kami sa pizza place na i forgot the name. so ang takaw namin kasi naubos namin ung large pizza. wahaha.




hell week 1, day 4


the big day for our poster presentation. hindi ako kinakabahan nung una kasi ang sabi naman sa amin ng ibang classes hindi kami babarahin. parang magtatanong lang sila. low level lang ang kailangan na defense.


tapos biglang ang taray ni miss lani at nung kasama niyang judge. nakakatakot. as in parang lahat nakikitaan nila ng mali. lahat sinasabon nila. buti na nga lang nadefend namin ng medyo maayos ung project namin kaya hopefully ayos rin ung grade. written report at handout nalang naman ung kulang namin.


may meeting kami ulit for comm. at in fairness pumunta naman ako. pero tatlo lang kaming nandun kaya wala rin nagawa.


dapat uuwi ako ng maaga para mag-aral ng math. pero oh well. tinulungan ko pa kasi si kim dun sa fil 40 survey niya. about texting and relationships. sabi nga nila, lahat daw yata ng iniinterview ni kim parang pinapatay na rin niya. ang wating kasi nung first question. at syempre umiral ang kabaliwan naming magkakaibigan. wahaha.




hell week 1, day 5


ang supposedly last day of classes. pero syempre hindi ko feel yun. absent nga ako nung physics lec namin.


kumain kami sa chocolate kiss [after 48 years!] para makapag-aral ng math. tahimik kasi dun eh. pero sa katag talaga kami naglunch. medyo naiintindihan ko na rin ung math nung mga oras na yun. pero may nangyaring stupid kaya nawala lahat ng understanding ko.


NADAPA AKO PAPUNTANG CHEM PAV! parang so elementary noh. as in nakakahiya kasi ang daming nakakita tapos muntikan pa kong masagasaan kasi may umaatras pa lang kotse. kaya tawa na lang ako ng tawa. syempre ung mga kasama ko tumatawa na rin. eh nung tinayo nila ko dun ko lang nakita na nasugatan pala ko, na talagang dumudugo siya. nakaskirt kasi ako nun. edi naglabas sila ng water at tissue para punasan. ayun lang. iyak na ko ng iyak. imagine nasa sidewalk kami nun. kumusta naman talaga ang eksenang ginawa ko!! ano ba naman ang sem-ender ko. hanggang chem lec umiiyak pa rin ako.


nagtaxi na kami papuntang math kasi hindi ako makapaglakad. habang nag-eexam, nakatitig lang ako dun sa sugat ko. kaya wala akong nasagot. :( maaga pa ko umalis para sa comm kaya nawalan ako ng 1 hour. goodbye sa pinapangarap kong 1.25 sa math.


sinamahan ako ni niccolo papuntang cal. [waaah! salamat talaga niccolo!] tapos nagstay na rin siya dun. ang saya nung play kahit na parang extra lang talaga ko dun. taray a girl kasi role ko eh kaya sobrang naenjoy ko siya. nagpakain rin ung group namin ng barbecue sa buong class. at nagspeech pa si sir. ang drama pa nga eh.


pumunta rin si nat sa up kasi malungkot ung batang yun. kaya sinamahan ko na lang siya papuntang sc.


salamat kina jaimee, inah, abi at dina na sinamahan ako hanggang 7 pm sa up. hinintay talaga nila na masundo ako ng parents ko. natouch ako dun. wahahaha. labshu guys!! :P sana talaga sumabay na lang kayo sa akin pauwi. pero ang happy kasi ngayon na lang ulit tayo nakapagbonding ng ganun. mga baliw mode.




hell week 1, day 6


hindi ako nakapag-aral ng physics. umiyak kasi ako ng umiyak nung ginagamot ng nanay ko ung sugat ko. hanggang sa makatulog na ko.


so cramming talaga nung umaga. scan ng libro tapos sagot ng sample exams. oh well. sa tingin ko papasa naman ako dun sa exam, pero mababa ung score ko. ang dami ko na kasing mali. kaya goodbye na rin sa pinapangarap kong 1.5 sa physics. basta ang importante tapos na ung third long.


dapat tuturuan ko si jem ng chem 16 kasi exam rin nila. pero hindi ko nagawa kasi i'm not feeling well kahapon. pasensya na jemuel..


pero kahit masama pakiramdam ko, pumunta pa rin ako ng mcdo nung gabi. birthday party kasi ni matthew. eh minsan lang sila umuwi dito sa pinas, kaya ang sama ko naman kung hindi ako pupunta diba. tsaka masaya rin naman ung party niya. sobrang daming food. nakakatawa pa ung mascot kasi parang lasing, hindi pa maayos ung pagkakasuot nung costume.


happy birthday rin nga pala kay nat!! same age na tayo ngayon. :)


it's the summer feeling i really love
8:38 AM





Monday, March 19, 2007



hell week 1, day 1


hindi pa naman ganun kalala ung hell factor. physics at math lang kasi ung class ko. late na naman dumating si miss romero kaya nasimulan ko ung lesson. ang hindi ko na talaga magets ung math. as in ung buong coverage para sa fifth long exam wala akong naiintindihan. so goodluck nalang sa friday. T_T


poster presentation. postlab. speech.


para bukas yan. kailangan ko yan matapos lahat by tomorrow. at wala pa kong nasisimulan hanggang ngayon. talk about cramming. pero wala akong choice. dapat magawa ko talaga yan. kahit hindi pa ko matulog ngayon, kailangan matapos. huhu. this is the official start of my 2 hell weeks. :(


good thing na lang na wala kaming chem lec at math bukas. makakapagrelax ako kahit papaano. wahaha!




~sir ben, kahit na alam kong malabong mabasa mo ung post ko, sobrang salamat talaga ng marami. as in. hindi niyo lang alam kung gaano kahalaga yun para sa amin. thank you talaga. :)


it's the summer feeling i really love
6:32 PM





Sunday, March 18, 2007



debut ni clara. touch of purple. come on! :)


nakapurple talaga ako. pati ung regalo ko purple. even the gift wrapper. at kumusta naman ang earliest bird award ko? haha. sobrang naexcite ako pagpunta dun kaya nauna pa ko sa debutante.


love the place. so relaxing. ang sarap nung simoy ng hangin.


ang dami kong nakitang xientians syempre. lalo na ung mga admu and upm people!! nakakamiss na kayo. :P


the usual 18 candles and 18 roses. at astig ung music. live performance ang drama. ang ganda rin ni clara. pinaghandaan talaga! the gown, the hair, everything. may presentation pa siya for all of us.


senti. naiyak pa siya. pero happy. :)
lalo na nung disco time. pictures!!!! adik!!!


hindi man ako nakapag-aral for chem 17 long exam kanina, ayos lang. worth it. sobrang saya naming lahat kagabi. happiness na hindi mapapantayan ng kahit na ano pa. basta friends ang kasama. para sa aking ka-swasti. :P


happy birthday ulit clara! we love you. :)


it's the summer feeling i really love
7:16 PM





Thursday, March 15, 2007



happy birthday janel and cherry!!! :)




hindi ako late kaninang physics lec. [first time in 48 years!]
- well, technically late pa rin talaga ko. around 7.45 kasi ako dumating sa room. pero late rin naman si miss romero. nauna lang ako sa kanya for about 30 seconds. kaya hindi ako late. pagbigyan na. :P




mataas ang grades ko sa worksheets. [syempre karir mode ako dun!]
- i really love doing my physics lab worksheets. hindi ko talaga alam kung bakit, pero sobrang natutuwa ako sa paggawa nun. kaya puro 100 ang grade ko tapos may dalawang line of 9. so i guess uno pa rin ang standing ko. again, pagbigyan na. baka yang subject lang na yan ung medyo may matino akong grade. T_T


bagong friction experiment. [pinasosyal lang ung dati!]
- pinagpilitan ko talaga na dapat gagamit rin kami ng computer. successful naman ako. gamit namin ang accelerometer at vernier lab pro. happiness. :)




nakapagconsult na ako about my speech plan. [kahit cram talaga yun!]
- about up diliman student organizations ung speech ko. sabi naman ni sir archie, ayos na daw ung speech plan. kailangan na lang magset ng time limit. iinclude rin ung references. at syempre gumawa ng activity or game para sa comm 3 classmates ko. so goodluck to me again. medyo matrabaho pa. :(




unbelievable ung grade ko sa streetdance. [biggest shock of the day!]
- 1.25 ako. ang hirap paniwalaan. all this time iniisip kong magreretake ako ng finals dahil mababa ang grade ko. sobrang kinakabahan pa ko kanina. thank you lord. :) :) :) at least may line of 1 akong grade kahit pe lang.


it's the summer feeling i really love
8:39 PM





Wednesday, March 14, 2007



buhay naman yata ang crs ngayong summer ay 2006-2007 at first sem ay 2007-2008.


wala lang. may nagsabi kasi sa akin dati na mawawala na ang crs, kaya magtitiis tayo sa manual enlistment. pero kakagaling ko lang dun sa site. at start na nga ng preenlistment bukas. good for us! tuloy ang plano. :P *evil laugh*


basta magsusummer ako. hindi ko pa nga lang alam kung anong subject. T_T first plan ko kasi ay math 54, tapos naisip ko na ge na lang. pero lahat yata math 54 ung kukunin. so baka gagaya ako sa kanila dahil ayaw kong maiwan. lalo na kung maiiwan rin si ammoniacal. ang laki ng chance na magiging classmate ko ulit siya. HELL NO!!


gusto ko na rin kasi magstart ng es sa first sem. ayoko naman ng tatlong sabay sabay na es sa third year noh. masyado akong nagpapakamatay. :(




napakaforward ko ba mag-isip? wahaha. may speech plan pa pala kong gagawin...


it's the summer feeling i really love
3:10 PM





Tuesday, March 13, 2007



ham 2 nung sunday. :) as usual hindi ako naglaro. asa pa naman sa akin. pero ang fun niya. sarap makiepal sa mga players. dakilang cheerleader na naman ako nun kahit medyo paos. basta go red!!!


cute ung mga games na nilaro nila. first kami sa reverse charades, polo relay at egg catching. favorite ko ung the boat is sinking. brutal come on! lahat yata ng mga tao nakakortni mode nun. mga linta!! wahaha. tsaka first time ko rin makapanood ng command ang conquer. astig yun. syempre sigaw lang ako ng sigaw kahit hindi namin group ung naglalaro. epal nga diba? :P


kasama ko naman nanay ko sa sm after. naaliw ako magshopping sa toy kingdom. kumusta naman talaga ako. malapit na kasi umuwi ung brother ko kaya bumili na kami ng mga regalo para sa mga pamangkin ko. whee. exciting!




to the highest level naman ang kahabaan ng break ko kahapon. 7 1/2 hours. buhay pa naman ako. :)


nagcellos kami after physics lec. tapos umepal sa physics lab nina louie at kenneth. pati nga experiment nila pinakialaman ko na rin. haha. [parang ang papampam ko talaga these days?] nagpractice ng routine sa math building. at pumunta na sa gym para sa streetdance finals.


ang saya ng streetdance!! oh well. may mga mali ako pero sana hindi naman ganun kahalata. sobrang sumakit kaya ung katawan ko pagkatapos. T_T


nanood naman kami ng 300 sa the block. waaaah. ang ganda pala talaga nun. akala ko kasi puro violence lang siya. may sense of fashion rin pala ung mga tao dun. bwahaha. tapos enjoy naman kami ni louie sa pagspot ng mga physics bloopers. [nahawa na yata kami kay miss romero.]




hindi na kami gagawa ng formal lab report sa chem!!!! happy talaga ko. :)


it's the summer feeling i really love
10:59 PM





Saturday, March 10, 2007



happy birthday kina: bessie at jan lynn nung 6, danielle at kuya mandy nung 8, dina nung 9 at noemie ngayong 10. :) haha. ang tagal ko rin kasing hindi nagpost kaya ngayon lang ako nakabati. tsaka as if naman mababasa niyo yan! wahaha! ang dami ko rin tuloy kwento these past few days.




~ wednesday ~


pumunta akong kalai ng mga 2 pm kasi dapat magprapractice kami for streetdance. pero walang nangyari. T_T nagchikahan lang kami sa may lagoon. tapos kumain sa lkb.


dapat magwiwindow shopping ako sa sm. kaya lang bigla kong naisip pumuntang kisay. weird noh? so kakausapin ko sana si miss marie pero absent daw siya. nagkasakit dahil na rin siguro sa grease. kaya get well soon! anyway intrams nila at sobrang ingay. basta iba na talaga ang kisay. elections rin sa kanila at ano ba naman ang tumatakbo pala si kimby as president. kumusta naman talaga ang fighting powers ng batang yun!!


at since medyo malungkot ako that day, i had a haircut. ang ikli na niya. namimiss ko tuloy ung long hair ko dati. pero may reason naman talaga kung bakit ako nagpagupit. ewan ko. basta para sa akin, new life ang ibig sabihin nito. o diba? may ganun pa kong nalalaman.




~ thursday ~


absent na naman ako sa physics lec. gumawa pa kasi ako ng reaction paper ng street fuzion at nag-attempt mag-aral sa math. pero ang saklap kasi wala naman pala si sir wong. so hindi natuloy ung exam, at free time ko pa ung 12-4. dapat dun na lang ako gumawa ng paper. bad kathy talaga! :(


isang worksheet na lang ung hindi ko napapasa sa physics lab. may mali kasi kaming ginawa dun sa simple harmonic motion experiment kaya next week na lang daw namin ipasa. good thing na by group siya. tapos may malaki kaming problema. ung experiment kasi namin ay tungkol sa friction at wala naman kaming device na magagamit to get the theoretical coefficient. baka magbago tuloy kami ng experiment. pero two weeks na lang kasi. good luck to us. ano bang magandang topic?


medyo naayos na rin namin ung routine for streetdance. konti na lang ung inedit namin dun sa isang song para hindi na kami malito. sana talaga magawa namin siya ng tama sa monday at hindi kami pumalpak. go go kaya yan!!


miting de avance ng 5-8 pm. as usual late na naman kami pumunta dun. first time ko rin pala mabasa ung plan of action nina ate carla at ate mils. kaya confused talaga ako kung sino ung iboboto ko. pero one thing is for sure: kahit naman sino ung manalo sa kanila, alam kong gagawin niya lahat for kem. syempre mahal na mahal nila ung org eh.


masaya rin ako this day kasi may ginawa akong tama. or at least sa tingin ko tama ung ginawa ko. i still love myself. haha. :P kakaiba talaga ko forever.




~ friday ~


cute ng physics recit. AMMONIACAL pa talaga ung name ng group namin. si josef ung nagsasabi ng pik, si louie ung pak, ako ung boom and si josef ulit ung name nung next na group. nagsurvive kami!!! dalawang beses rin kami nagkamali pero nalampasan naman ung consequence. ung first question ay physics related. tapos ung second about food at syempre mahilig kami kumain kaya alam namin ung sagot. happy! :)


walang chem lab kaya pumunta na kami ng tambayan. kemelections for the third time. hindi na rin ako pasaway ngayon kasi ang aga ko na talaga nagvote. pumunta naman kami nina von at kumi sa engg caf after para kumain at mag-aral sa math.


so kumusta naman ung fourth long exam?? nahirapan ako dun sa integration part. T_T akala ko kasi madali lang yun kaya puro area at volume ung inaral ko. oh well. nasagutan ko naman lahat pero sure na kong mali ako dun sa una. nakakawating kasi ung trigo tsaka kulang na rin sa time. sana lang medyo mataas naman ung makuha ko dun! delikado na rin ang grade ko sa math.


30 minutes late ako sa comm 3 dahil na rin dun sa exam. pinaringgan pa ko ni sir. anyway kasalanan ko rin naman kaya ayos lang. bawi na lang ako next time. aagahan ko talaga pagpasok dun. gagawa na rin ako ng speech plan.


dahil birthday nga ni mamaw dear, nanglibre siya sa amin. at omg talaga ang mga pangyayari sa mundo!!!! ang gandang surprise nun. though hindi naman talaga siya sinadya kasi nagkataon lang talaga. basta ang lungkot kasi naming lahat. tapos nung nagdecide na kami maging happy, bigla na lang siya nag-appear. happiness is a choice - really. and sobrang saya talaga namin. lalo na si dina! waaah! nakakakilig. "at the right place, at the right time." go liveraide!!


it's the summer feeling i really love
6:33 PM





Tuesday, March 06, 2007



30 minutes late na naman ako kaninang physics. cram ng chem experiment 14 postlab at experiment 15 prelab. gamit ang ipod ni jean kaninang chem lec kaya hindi na naman ako nakinig. medyo nagkalat ung group namin sa speech choir kaninang comm. so parang wala talaga kong nagawang matino ngayong araw. T_T




oh well, bumoto naman ako. :) at hopefully manalo sila kasi alam kong they deserve to win. kayang kaya nila lahat ng mga responsibilities na ibibigay sa kanila.


napanood ko rin ung ham ni ate melody. second time. :P sobrang tapang niyang babae that's why i like her. nakakainspire ung mga sinabi niya kanina at marami akong natutunan. kaya congrats ate!! malapit mo na makuha ung gusto mo kaya bawal sumuko. i believe in you.




wala na ko masyadong makwekwento at pagod na pagod ako today. kaya matutulog na lang ako. goodnight world. :D


it's the summer feeling i really love
9:37 PM





Monday, March 05, 2007



march 03, 2007


pumunta ako sa up ng napakaaga para sa comm 3 group meeting. speech choir kasi namin bukas. the bells ung piece namin. sana maging maayos naman ung presentation kahit hindi kami masyadong nakapagpractice.


nagmaniax kami after nina von at ron sa sm. oh well. sobrang bano ko na! kailangan ng matinding practice ulit this summer. :) then kumain kami sa yoshinoya.


ham ni ate rhea. hindi ako pwede maglagay ng details whatsoever. pero pasensya ka na talaga ate. alam ko namang gets mo kung bakit ganun. basta congrats!!! bawal magdefer ah. malapit na matapos ang application process. go go go lang.


astig forever ang streetdance club! ang ganda ng street fuzion 7! dapat may homecoming ulit next year. ang galing galing niyo talaga. special mention na dyan sina toki at david. the crew. lalo na si sir!! i'm so happy sa success ng concert. and it's good to know na hindi siya wala lang, na may reason behind their dance. really a concert for a cause.




march 04, 2007


happy happy birthday sa aking ka-swasti na si clara! 18 ka na. happiness. :P




march 05, 2007


happy happy birthday sa isa ko pang ka-swasti na si adam! miss na miss na kita hunniebunnie. sana classmate na ulit kita next sem. para mas marami na tayong bonding moments, at maplano na rin natin ang susunod na reunion ng swasti.


cello's mode kami nina kara, josef at louie kanina. i love super strawberry. :) strawberry flavored doughnut + vanilla ice cream + whipped cream + strawberry syrup. sarap!!!


ham nina ate rheena at ate khim kanina. hindi ko masyado napanood. T_T




iboto niyo po sina:
hernan barce ng kaisa bilang usc chairperson
april iola "pheng" cunanan bilang esc councilor
dianne alberto, dale emet altar, jericho art antonio, benjo cuento at mark ivanz espiritu bilang che rep


it's the summer feeling i really love
8:31 PM





Friday, March 02, 2007



short post lang dahil over pagod ako ngayon. like kakauwi ko lang kasi. :P




happy happy birthday reuben!! waaah. wala lang. miss na miss ka na namin to the highest level. umuwi ka na kasi dito para masaya! akala ko talaga dati bumalik ka na ng pinas. niloko mo pa ko! haha. :) basta ingat ka lang dyan palagi. and i am so happy na masaya ka rin dyan sa states life mo. sobrang nakakamiss nga lang. T_T




share ko lang na inspired talaga ko ngayon. yii. bakit kaya?? wala lang talaga. inspired lang ako gumawa ng mga bagay bagay and everything. hindi ko rin alam kung bakit. marami lang siguro akong natutunan na mga new things. :D


pero syempre napakasama ko these days. mere presence pa lang ni kortni, iritang irita na ko. at feel ko naman alam niya yun. kaya dapat wag na siya lumapit sa akin. babanatan ko lang talaga siya. and sobrang nakakainis na ung mga kayabangan niya. buti sana kung magaling siya diba? in his dreams. bwahaha!!!!!!!


it's the summer feeling i really love
11:33 PM





Thursday, March 01, 2007



hindi ko napanood ung ham ni jet kahapon. late kasi akong nagising. so sayang talaga! T_T pero napanood ko naman ung kay jami. in fairness may sakit pa siya nun. basta magaling. :) medyo napanood ko rin ung kina kuya enzo, ate angge at kuya brylee kanina kaya lang hindi ko na alam kung anong nangyari. may klase kasi ako so parang napadaan lang. bottom line ng mga sinasabi ko ngayon? congrats mga aplikante!!! tapos na ang ham!! :P




pumunta kami nina choops at josef kahapon sa greenhills. nagpasama kasi si choops bumili ng bagong cellphone. kaya adventure kami. :D pero nakakaiyak ung sobrang pagod after. mga 3 hours rin yata kami lakad ng lakad. sabi nila parang from up to sm north ung nalakad namin. so imagine ung sakit ng paa.


kapag naging mayaman ako, magpapatayo talaga ako ng landbank sa kalagitnaan ng greenhills. promise ko yan sa sarili ko. hell ang paghahanap namin sa bank na yun. pero happy naman kasi may bago ng phone si choops. maganda talaga ung w900i. :)




nanood rin ako ng basilia ng malolos kagabi. late yata ako ng mga 15 minutes. kaya medyo nangangapa pa ko dun sa story nung simula. pero nagets ko rin naman siya fortunately. tsaka mas naenjoy ko siya kesa sa hamlet. siguro kasi mas audience friendly ung play ngayon. laugh trip rin talaga siya. magaling ung cast at kakaiba ung mga banat. it is really worth watching. pero nakakahiya kasi napagsabihan pa ko nung isang girl na bawal magtext. malay ko ba naman!


nilagnat ako pagkauwi. nice talaga! dahil na rin siguro sa sobrang pagod. bagsak tuloy ako sa kama kaya walang nagawang homework. :(




may genmeet kami kanina. actually campaign siya for elections. dapat hindi ako pupunta kasi may iba akong lakad. pero biglang sumama ung pakiramdam ko kaya hindi na ko tumuloy dun sa isa ko pang lakad. pumunta na lang ako ng engg. at nakita ko pa tuloy si noel reyes!! wheee! gwapo niya talaga!! hahaha.




~happy birthday kina lara at sharlene. kahit na asa naman talagang mabasa niyo. :P


it's the summer feeling i really love
8:59 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007