Sunday, March 25, 2007



haha. hindi ko na natuloy ung hell week update ko. T_T




hell week 1, day 2


nakakaiyak kasi halos hindi ako nakatulog dahil ginagawa ko ung poster presentation namin. pero wala rin namang nangyari. kahit hindi ako pumasok nung physics lec, hindi ko pa rin siya natapos. pasalamat na lang talaga ko at hindi rin pumasok si miss romero. kaya hindi ako absent. :D


kumopya lang ng postlab sa chem. syempre wala na kasi akong time para gawin yun sa bahay. nagpractice pa ko para sa aking speech. mabait na bata eh.


pumunta kaming cellos. happy birthday choops!! obviously nilibre niya kami. haha. salamat. :) tapos sa mcdo na lang kami naglunch pero dumaan muna kong national para bumili ng tangrams for my speech in comm. nakakatawa ung mga napag-usapan namin sa mcdo. nakita ko rin pala si regine na elem friend ko at nalaman na common friend pala namin si louie. what a small world talaga! then bumalik na sa up dahil may math ung iba sa amin.


at ako nga pala ung huling nagspeech. may nakipagpalit kasi sa akin. eh si sir pasaway, ginawang 8 minutes lahat ng speech. dapat 10 minutes ung akin. kaya hindi ko talaga siya natapos. shinortcut ko na lang.




hell week 1, day 3


wala akong pasok pero ano pa nga ba, nasa up pa rin ako nun. gumising ako ng maaga para lang tapusin ung poster presentation namin. punta na ng up after para dun sa meeting namin para sa final group presentation sa comm 3.


as usual early bird ang lola. late ako pero ako ung pinakaunang dumating. dahil kailangan ko nga magpatarp, umalis ako ng maaga sa practice.


kasama ko naman si von sa orange segment. at dun ko lang narealize na sobrang haba pala talaga nung poster namin. ang gulo gulo ko pa pagdating dun sa dimensions. sorry naman kasi first time eh. naexcite masyado. medyo matagal ung hihintayin kaya tumambay muna kami sa bahay nina josef. dami rin tao dun kasi nagprapractice sila. :) so nakigulo lang talaga ko.


bumalik kaming orange segment after 2 hours pero hindi pa rin daw tapos. kaya kumain muna kami sa pizza place na i forgot the name. so ang takaw namin kasi naubos namin ung large pizza. wahaha.




hell week 1, day 4


the big day for our poster presentation. hindi ako kinakabahan nung una kasi ang sabi naman sa amin ng ibang classes hindi kami babarahin. parang magtatanong lang sila. low level lang ang kailangan na defense.


tapos biglang ang taray ni miss lani at nung kasama niyang judge. nakakatakot. as in parang lahat nakikitaan nila ng mali. lahat sinasabon nila. buti na nga lang nadefend namin ng medyo maayos ung project namin kaya hopefully ayos rin ung grade. written report at handout nalang naman ung kulang namin.


may meeting kami ulit for comm. at in fairness pumunta naman ako. pero tatlo lang kaming nandun kaya wala rin nagawa.


dapat uuwi ako ng maaga para mag-aral ng math. pero oh well. tinulungan ko pa kasi si kim dun sa fil 40 survey niya. about texting and relationships. sabi nga nila, lahat daw yata ng iniinterview ni kim parang pinapatay na rin niya. ang wating kasi nung first question. at syempre umiral ang kabaliwan naming magkakaibigan. wahaha.




hell week 1, day 5


ang supposedly last day of classes. pero syempre hindi ko feel yun. absent nga ako nung physics lec namin.


kumain kami sa chocolate kiss [after 48 years!] para makapag-aral ng math. tahimik kasi dun eh. pero sa katag talaga kami naglunch. medyo naiintindihan ko na rin ung math nung mga oras na yun. pero may nangyaring stupid kaya nawala lahat ng understanding ko.


NADAPA AKO PAPUNTANG CHEM PAV! parang so elementary noh. as in nakakahiya kasi ang daming nakakita tapos muntikan pa kong masagasaan kasi may umaatras pa lang kotse. kaya tawa na lang ako ng tawa. syempre ung mga kasama ko tumatawa na rin. eh nung tinayo nila ko dun ko lang nakita na nasugatan pala ko, na talagang dumudugo siya. nakaskirt kasi ako nun. edi naglabas sila ng water at tissue para punasan. ayun lang. iyak na ko ng iyak. imagine nasa sidewalk kami nun. kumusta naman talaga ang eksenang ginawa ko!! ano ba naman ang sem-ender ko. hanggang chem lec umiiyak pa rin ako.


nagtaxi na kami papuntang math kasi hindi ako makapaglakad. habang nag-eexam, nakatitig lang ako dun sa sugat ko. kaya wala akong nasagot. :( maaga pa ko umalis para sa comm kaya nawalan ako ng 1 hour. goodbye sa pinapangarap kong 1.25 sa math.


sinamahan ako ni niccolo papuntang cal. [waaah! salamat talaga niccolo!] tapos nagstay na rin siya dun. ang saya nung play kahit na parang extra lang talaga ko dun. taray a girl kasi role ko eh kaya sobrang naenjoy ko siya. nagpakain rin ung group namin ng barbecue sa buong class. at nagspeech pa si sir. ang drama pa nga eh.


pumunta rin si nat sa up kasi malungkot ung batang yun. kaya sinamahan ko na lang siya papuntang sc.


salamat kina jaimee, inah, abi at dina na sinamahan ako hanggang 7 pm sa up. hinintay talaga nila na masundo ako ng parents ko. natouch ako dun. wahahaha. labshu guys!! :P sana talaga sumabay na lang kayo sa akin pauwi. pero ang happy kasi ngayon na lang ulit tayo nakapagbonding ng ganun. mga baliw mode.




hell week 1, day 6


hindi ako nakapag-aral ng physics. umiyak kasi ako ng umiyak nung ginagamot ng nanay ko ung sugat ko. hanggang sa makatulog na ko.


so cramming talaga nung umaga. scan ng libro tapos sagot ng sample exams. oh well. sa tingin ko papasa naman ako dun sa exam, pero mababa ung score ko. ang dami ko na kasing mali. kaya goodbye na rin sa pinapangarap kong 1.5 sa physics. basta ang importante tapos na ung third long.


dapat tuturuan ko si jem ng chem 16 kasi exam rin nila. pero hindi ko nagawa kasi i'm not feeling well kahapon. pasensya na jemuel..


pero kahit masama pakiramdam ko, pumunta pa rin ako ng mcdo nung gabi. birthday party kasi ni matthew. eh minsan lang sila umuwi dito sa pinas, kaya ang sama ko naman kung hindi ako pupunta diba. tsaka masaya rin naman ung party niya. sobrang daming food. nakakatawa pa ung mascot kasi parang lasing, hindi pa maayos ung pagkakasuot nung costume.


happy birthday rin nga pala kay nat!! same age na tayo ngayon. :)


it's the summer feeling i really love
8:38 AM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007