happy birthday kina: bessie at jan lynn nung 6, danielle at kuya mandy nung 8, dina nung 9 at noemie ngayong 10. :) haha. ang tagal ko rin kasing hindi nagpost kaya ngayon lang ako nakabati. tsaka as if naman mababasa niyo yan! wahaha! ang dami ko rin tuloy kwento these past few days.
~ wednesday ~
pumunta akong kalai ng mga 2 pm kasi dapat magprapractice kami for streetdance. pero walang nangyari. T_T nagchikahan lang kami sa may lagoon. tapos kumain sa lkb.
dapat magwiwindow shopping ako sa sm. kaya lang bigla kong naisip pumuntang kisay. weird noh? so kakausapin ko sana si miss marie pero absent daw siya. nagkasakit dahil na rin siguro sa grease. kaya get well soon! anyway intrams nila at sobrang ingay. basta iba na talaga ang kisay. elections rin sa kanila at ano ba naman ang tumatakbo pala si kimby as president. kumusta naman talaga ang fighting powers ng batang yun!!
at since medyo malungkot ako that day, i had a haircut. ang ikli na niya. namimiss ko tuloy ung long hair ko dati. pero may reason naman talaga kung bakit ako nagpagupit. ewan ko. basta para sa akin, new life ang ibig sabihin nito. o diba? may ganun pa kong nalalaman.
~ thursday ~
absent na naman ako sa physics lec. gumawa pa kasi ako ng reaction paper ng street fuzion at nag-attempt mag-aral sa math. pero ang saklap kasi wala naman pala si sir wong. so hindi natuloy ung exam, at free time ko pa ung 12-4. dapat dun na lang ako gumawa ng paper. bad kathy talaga! :(
isang worksheet na lang ung hindi ko napapasa sa physics lab. may mali kasi kaming ginawa dun sa simple harmonic motion experiment kaya next week na lang daw namin ipasa. good thing na by group siya. tapos may malaki kaming problema. ung experiment kasi namin ay tungkol sa friction at wala naman kaming device na magagamit to get the theoretical coefficient. baka magbago tuloy kami ng experiment. pero two weeks na lang kasi. good luck to us. ano bang magandang topic?
medyo naayos na rin namin ung routine for streetdance. konti na lang ung inedit namin dun sa isang song para hindi na kami malito. sana talaga magawa namin siya ng tama sa monday at hindi kami pumalpak. go go kaya yan!!
miting de avance ng 5-8 pm. as usual late na naman kami pumunta dun. first time ko rin pala mabasa ung plan of action nina ate carla at ate mils. kaya confused talaga ako kung sino ung iboboto ko. pero one thing is for sure: kahit naman sino ung manalo sa kanila, alam kong gagawin niya lahat for kem. syempre mahal na mahal nila ung org eh.
masaya rin ako this day kasi may ginawa akong tama. or at least sa tingin ko tama ung ginawa ko. i still love myself. haha. :P kakaiba talaga ko forever.
~ friday ~
cute ng physics recit. AMMONIACAL pa talaga ung name ng group namin. si josef ung nagsasabi ng pik, si louie ung pak, ako ung boom and si josef ulit ung name nung next na group. nagsurvive kami!!! dalawang beses rin kami nagkamali pero nalampasan naman ung consequence. ung first question ay physics related. tapos ung second about food at syempre mahilig kami kumain kaya alam namin ung sagot. happy! :)
walang chem lab kaya pumunta na kami ng tambayan. kemelections for the third time. hindi na rin ako pasaway ngayon kasi ang aga ko na talaga nagvote. pumunta naman kami nina von at kumi sa engg caf after para kumain at mag-aral sa math.
so kumusta naman ung fourth long exam?? nahirapan ako dun sa integration part. T_T akala ko kasi madali lang yun kaya puro area at volume ung inaral ko. oh well. nasagutan ko naman lahat pero sure na kong mali ako dun sa una. nakakawating kasi ung trigo tsaka kulang na rin sa time. sana lang medyo mataas naman ung makuha ko dun! delikado na rin ang grade ko sa math.
30 minutes late ako sa comm 3 dahil na rin dun sa exam. pinaringgan pa ko ni sir. anyway kasalanan ko rin naman kaya ayos lang. bawi na lang ako next time. aagahan ko talaga pagpasok dun. gagawa na rin ako ng speech plan.
dahil birthday nga ni mamaw dear, nanglibre siya sa amin. at omg talaga ang mga pangyayari sa mundo!!!! ang gandang surprise nun. though hindi naman talaga siya sinadya kasi nagkataon lang talaga. basta ang lungkot kasi naming lahat. tapos nung nagdecide na kami maging happy, bigla na lang siya nag-appear. happiness is a choice - really. and sobrang saya talaga namin. lalo na si dina! waaah! nakakakilig. "at the right place, at the right time." go liveraide!!
it's the summer feeling i really love
6:33 PM