hindi ko napanood ung ham ni jet kahapon. late kasi akong nagising. so sayang talaga! T_T pero napanood ko naman ung kay jami. in fairness may sakit pa siya nun. basta magaling. :) medyo napanood ko rin ung kina kuya enzo, ate angge at kuya brylee kanina kaya lang hindi ko na alam kung anong nangyari. may klase kasi ako so parang napadaan lang. bottom line ng mga sinasabi ko ngayon? congrats mga aplikante!!! tapos na ang ham!! :P
pumunta kami nina choops at josef kahapon sa greenhills. nagpasama kasi si choops bumili ng bagong cellphone. kaya adventure kami. :D pero nakakaiyak ung sobrang pagod after. mga 3 hours rin yata kami lakad ng lakad. sabi nila parang from up to sm north ung nalakad namin. so imagine ung sakit ng paa.
kapag naging mayaman ako, magpapatayo talaga ako ng landbank sa kalagitnaan ng greenhills. promise ko yan sa sarili ko. hell ang paghahanap namin sa bank na yun. pero happy naman kasi may bago ng phone si choops. maganda talaga ung w900i. :)
nanood rin ako ng basilia ng malolos kagabi. late yata ako ng mga 15 minutes. kaya medyo nangangapa pa ko dun sa story nung simula. pero nagets ko rin naman siya fortunately. tsaka mas naenjoy ko siya kesa sa hamlet. siguro kasi mas audience friendly ung play ngayon. laugh trip rin talaga siya. magaling ung cast at kakaiba ung mga banat. it is really worth watching. pero nakakahiya kasi napagsabihan pa ko nung isang girl na bawal magtext. malay ko ba naman!
nilagnat ako pagkauwi. nice talaga! dahil na rin siguro sa sobrang pagod. bagsak tuloy ako sa kama kaya walang nagawang homework. :(
may genmeet kami kanina. actually campaign siya for elections. dapat hindi ako pupunta kasi may iba akong lakad. pero biglang sumama ung pakiramdam ko kaya hindi na ko tumuloy dun sa isa ko pang lakad. pumunta na lang ako ng engg. at nakita ko pa tuloy si noel reyes!! wheee! gwapo niya talaga!! hahaha.
~happy birthday kina lara at sharlene. kahit na asa naman talagang mabasa niyo. :P
it's the summer feeling i really love
8:59 PM