Tuesday, March 27, 2007



sino bang pwedeng magturo sa akin kung paano mag-aral?!?!




my god. finals ko bukas sa math at physics. kailangan ko magbasa ng 7 chapters sa tc7 at 16 chapters sa university physics. not to mention na kailangan ko rin magsagot ng mga exercises to make sure naintindihan ko nga ung mga binasa ko. so ano na nangyayari sa akin ngayon?


wala pa rin. wala pa kong nasisimulan, at mukhang wala talaga kong balak simulan. alam niyo ung ganung feeling.. gusto kong mag-aral. [for the first time ay ginusto ko talaga mag-aral.] pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano. come on! blog mode pa nga ako ngayon diba. ang labooooooo.




bakit ba kasi ako nasanay magcram? ung tipong ilang minutes before the exam, dun pa lang ako magbabasa ng notebook ng iba. tapos bigla na lang akong matataranta kasi hindi ko alam ung sinasabi nung katabi ko. napakainosente ko naman.


nakakatawa pa nga eh. dati hindi ko madefend ung pagiging crammer ko. na pag tinatanong ako ng mga tao kung bakit hindi ako nag-aral, ang sasabihin ko lang "kasi tinatamad ako." pero ngayon iba na. may dahilan na ko kung bakit ako nagcracram. syempre napulot ko lang yun sa iba pang crammer sa mundo. kapag nagtrabaho ka ba, bibigyan ka ng 3 weeks para gawin ung isang task? hindi naman. usually that day mo rin siya kailangan matapos. kaya dapat masanay ka na talagang magcram para adjusted ka na kapag may trabaho ka na. makes sense ba? sa tingin ko.




pero for some weird reason, ayaw ko na ng ganitong buhay. gusto ko ung maayos. ung hindi ako naloloka dyan dahil may hindi pa ko nagagawa. ung prepared ako sa lahat. ung sa huli hindi ko pagsisisihan ung makukuha kong grades.


and speaking of grades. obvious bang kailangan ko talaga mag-aral? singko nga standing ko sa chem eh. at sino ba ang gustong umulit ng chem 17?! matagal ko na sinabing ayoko talaga ung feeling na binibigay sa akin nung subject na yun. na parang ikaw na ung pinakabobong tao sa mundo. wala kang masagot. how stupid.




bottomline? kailangan ko talaga mag-aral. kailangan ko na talaga baguhin ung cramming attitude ko because it's not working anymore. siguro nung highschool oo. pero ngayong college, definitely hindi. kausap ko nga si kassa kagabi tungkol sa acads. at nagkasundo kami sa isang bagay. masyado naming inunderestimate ang college. akala kasi namin parang highschool pa rin, kaya pa rin namin magshine. mahirap pala yun. nakakafrustrate. haller kathy. up kaya pinasukan mo.


naaalala ko pa ung isang incident sa national. last last week lang yata yun. basta kasama ko si abi, tapos may nakita kaming libro. parang "how to study" book. at in fairness binasa ko talaga siya. desperado na ko matuto kung paano mag-aral!


at isa pang kakaibang bagay. tinanong ako ni kenneth kung anong ginagawa ko sa mga sample exams sa math eh hindi ko naman daw binabasa. nasa filecase ko lang siya the whole time. pareho pa kami ng sagot ni louie nun. ang sabi namin, gusto lang namin ung feeling na may sample exams kami kahit hindi namin sinasagutan. basta mas confident kami kapag ganun.




haaaaaay. hindi ko na alam gagawin ko ngayon. basta ang alam ko lang, naniniwala pa rin akong makakaya ko yang finals. makakaya ko ung future subjects ko. kaya ko pa rin magshine tulad ng dati. kung paano hindi ko talaga alam, pero alam kong kaya ko. [mataas talaga ang confidence level ko kahit kelan.]


it's the summer feeling i really love
8:48 AM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007