Thursday, April 26, 2007



kahapon lang, ako na ang pinakabitter na tao sa buong mundo. T_T

oh well. kung hindi niyo alam ung reason eh mas mabuting wag niyo alamin. mababaw lang siya if you really think about it. pero obviously mababaw talaga akong tao kaya nagbibitter-bitteran sa mga ganung bagay.

ngayon lang, ako na ang pinakasweet na tao sa buong mundo. :P

kasi wala naman akong karapatan maging bitter. ewan ko nga ba bakit nagdradrama-drama pa ko dyan. eh nonsense lang rin pala. ang dami ko pang inaaway at tinatarayan na wala namang ginagawa sa akin. kaya nevermind.

kaya nga sweet bitterness diba?? haha. walang makakaintindi sa akin. ang dali ko lang masyado nakamove on.


wala lang. quote na bagay sa akin ngayon:

friends cheer you up whenever you're down,
comfort you when you're sad,
fight for you when you're hurt.

friends are always there for you.

but like you, they also encounter problems
which make them sad and feel so down.

so if ever you think your friend has changed
and doesn't care for you anymore,
just think that friends do cry and get tired too.

they probably are just trying to fix some troubles with themselves
and earning some strength in order to be your shield again..


it's the summer feeling i really love
6:49 PM





Wednesday, April 18, 2007



belated happy birthday kay lorraine anne perez! :)
[sorry talaga hindi ako nakapunta. ang sad.]


acad mode. org mode. lakwatsa mode.

haha. wala lang. ayoko muna mag-elaborate tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. dahil nakakatamad magtype. dahil hindi ko rin naman talaga alam ang mga nangyayari. dahil napakagulo. gets?

basta currently enjoying life. :P


it's the summer feeling i really love
8:50 PM





Monday, April 16, 2007



first day ng summer classes. :D

haha. nakakatamad pala ang more than 3 hours na math. lalo na kapag aircon ung room. parang ang sarap matulog. pasalamat na lang ako na marami akong nakakausap. kahit na napakaevil namin dahil may mga pinagtatawanan kami. my nose. [bad kathy talaga!]

so kumusta ang prof? no doubt na matalino talaga siya. may problema nga lang sa pagtuturo dahil ang gulo. hindi lang siguro siya prepared. pero naiintindihan ko naman compared sa ibang mga prof dyan...

nagnonotes na rin pala ako ngayon. as usual simula lang yan. after one week, balik na naman ako sa buhay batugan. good luck na lang.

ayoko na magsummer. T_T


first genmeet rin ng summer.
blockhandler daw ako? kakaiba. not sure kung tama ung narinig ko.


at feel na feel ko na: magkakaroon ng matinding war. umaapaw ang mga emosyon at damdamin ng mga tao kanina. to the nth level. akala ko ok na lahat, well i was wrong. basta malapit na yun. abangan. :P

[parang excited pa ako eh noh? joke lang.]


it's the summer feeling i really love
10:59 PM





Sunday, April 15, 2007



~ debut ni hazel ~

kahit na parang ang daming problemang pumipigil sa akin nung friday the 13th, nakapunta pa rin ako sa debut ni hazel. happiness. :)

wala lang. nagiging reunion talaga lahat ng debut na pinupuntahan ko. dun ko lang kasi nakikita ulit ang mga ateneo friends. at pati na rin ung iba pang up friends na napakarare. as expected, may hangover pa ang mga tao tungkol sa real time enlistment. tinatawanan na lang namin. haha.

ang ganda ng motif ni hazel. yellow with a touch of green. spring time nga sabi ni gerald. tsaka naenjoy rin namin ung food dahil konti lang kami sa table. weeee!

first time ko rin magcandle. surprise pa yun. hindi kasi dumating si miles, kaya ako na lang ung pinalit ni hazel sa kanya. sobrang kinakabahan pa kami ni maikka kasi hindi namin alam kung anong sasabihin. puro joke lang tuloy ung speech ko.

syempre pwede bang mawala ang disco part? at kaadikan sa pictures? ginawa na naming studio ung jade valley. at ang kulit nung mga candid pics namin. korean look.

happy happy birthday ulit hazel!!


* happy birthday na rin kina mj kahapon at via ngayon! :P


it's the summer feeling i really love
4:59 PM





Thursday, April 12, 2007



real time enlistment?

almost 3 hours akong nakatayo at nakabilad sa araw para lang makakuha ng isang 0 unit subject. halos isang oras rin akong nakapila sa labas ng che department para makapag-enlist ng pe. pero sa huli wala rin nangyari, hindi naman pala nadagdagan ung slots ng bawat klase.


real time enlistment daw ba? now, really?

mas mabuti pa ang manual enlistment. mas maayos at mas organized. medyo assured ka pa na meron kang makukuhang slot.

alam niyo ung feeling ng naghihintay ka sa wala? ganun. instructions pa lang napakagulo na. hindi nila sinabi na sa computer center lang pala pwede. ang malala pa, hindi alam ng departments na binago pala ung enlistment process. so kumusta naman talaga? down pa ung server.

this is worse than what i experienced nung first sem. much much worse.


i have nothing against the crs team or whatsoever. maganda ung gusto nilang mangyari. it could really help.

pero as of now, masyado lang talagang idealistic.

hindi kaya ng nag-iisang computer center na iaccommodate ang buong up. kailangan talaga by college or by department. by subject would even be better. pero ung lahat? malabo. lalo na kung first come first served basis siya at nagkakaroon ng external access.

at sa tingin ko, hindi pa kaya ng up yun ngayon. financially not ready. dapat paghandaan kung gusto talaga ng pagbabago. buti na lang at summer nila naisipan mag-experiment.


pasalamat na lang talaga ako. binigyan ako ng crs ng math 54 nung first run pa lang. made my life a lot easier. as in swerte.


it's the summer feeling i really love
9:06 PM





Wednesday, April 11, 2007



reunion with my 2 best friends in grade school. :)

kumain sa greenwich. baked mac + garlic stix forever. nanood ng the reaping. kumusta naman ang twisted plot with the ever-so-bitin ending? not to mention na almost half of the time nakatakip ung mata ko. pero love ko ung blue eyes nung little girl. studio pic sa kameraworld. as usual napakalanding wacky pic. at ang daming nakakalat na xientians. chikahan sa food court.

sarap alalahanin ng nakaraan. pati na rin ang makibalita tungkol sa mga taong higit na apat na taon kong hindi nakita.

mm, salamat talaga ng marami. sobrang namiss ka namin ni kassa. :)


started reading for one more day.
[thanks nga pala kay kassa na nagpahiram sa akin nung book.]

well what can i say? basta ang creepy niya. pero like tuesdays with morrie, nakakaiyak pa rin. bittersweet realizations.

if you had the chance, just one chance, to go back and fix what you did wrong in life, would you take it? and if you did, would you be big enough to stand it?

love it. :P


it's the summer feeling i really love
8:38 PM





Tuesday, April 10, 2007



kakacheck ko lang ng grades online.

...at INC ako sa pe?

this is so stupid talaga. may classcard na ko dun eh. guess i have to make corrections na lang sa our. katamad. T_T


it's the summer feeling i really love
8:05 PM





kagabi i realized na napakasama kong kaibigan. i keep on forgetting their birthdays. kaya babawi na talaga ko ngayon. belated happy birthday kina:

SHANELLE nung april 1
RON nung april 2
ARJAY nung april 5
WILSON nung april 9

sorry guys. T_T alam kong ung iba napakalate na talaga ng bati ko, pagpasensyahan na. basta happy happy birthday pa rin!! :)


umuwi na pala ulit ung kuya ko sa us. oh well. syempre nakakalungkot kasi hindi ko sila masyadong nakasama nung nagbakasyon sila dito. at nakakamiss ung mga pamangkin ko. hindi man kami ganung kaclose, malamang alam niyo naman ung feeling na nabibigay ng mga bata. ung tipong bigla ka na lang mapapangiti at matutuwa kapag andyan sila. hay. sadness talaga. :(


balik gc mode. dos na dos na talaga ko sa math. wala na kong magagawa dun! i already have my classcard so no more changes. babawiin ko na lang sa 54.

pero so happy naman kasi 1.25 ako sa comm 3. [hopefully hindi nagkamali si sir ng sabi sa akin kanina.] in fairness hindi ko talaga inexpect yun. sobrang pessimistic ako pagdating sa public speaking but i'm so glad i did it. haha. kapal lang talaga ng mukha.

2.083 ang gwa ko for this sem.
1.784 ang gwa ko for this year.


err, ok na yan. to think na may chem 17 at math 53 naman na sumira sa buhay ko. basta ang importante nakakasurvive pa rin. hindi pa naman ako nagbabalak magshift. medyo inspired pa nga ako na mag-aral this summer eh.


it's the summer feeling i really love
7:01 PM





Monday, April 09, 2007



happy easter! :) [kahit late na.] belated happy birthday rin kina albert nung april 6 at miss arlene nung april 8. miss ko na ang bec4!!


quote for the day

"many are cold, but few are frozen."
~nabasa ko sa isang mini store in makati

haha. speechless ako nung nabasa ko yan. hindi ko alam kung matatawa ba ko or maiinis or something. basta ang alam ko lang, biglang nalaos ang ice for sale drama.

kakaiba noh?


it's the summer feeling i really love
7:06 PM





Saturday, April 07, 2007



dumarating sa buhay ng tao ang isang pagkakataon kung saan tayo ay nagkakamali. tayo ay nagbubulag-bulagan sa isang bagay na sa simula pa lamang ay alam na nating hindi tama, kaya lang pilit pa rin natin ginagawa. hanggang sa tayo ay madapa. umiyak at masaktan. ngunit sa bandang huli ay makakatayo pa rin at masasabing lahat ng bagay na iyon ay tapos na.

pero sa ganun na nga lang ba matatapos ang lahat? sa simpleng paglimot sa isang bagay na nagawa mo? hindi ba dapat aminin mo rin sa sarili mong nagkamali ka?

oo, alam naman ng lahat ng tao kung gaano kahirap tanggapin ang isang pagkakamali. lalo na ang sabihin sa iba na nagkamali ka nga. na pinagsisisihan mo ang lahat ng mga ginawa mo. ngunit alam rin naman ng lahat ng tao sa mundo na ito ang nararapat gawin.

madali lang naman yan. maging responsable ka sa lahat ng mga idudulot nyang bagay na yan, hindi lamang sa buhay mo kundi pati na rin sa iba. humingi ka ng tawad sa mga taong nasaktan at nadamay mo. humingi ka rin ng tawad sa diyos. madali lang naman talagang sabihin, ngunit hirap na hirap tayong gawin. bakit? dahil sa wala tayong lakas ng loob. at madalas ayaw rin natin magpakumbaba. ayaw natin tanggapin na tao lang tayo, nagkakamali sa pagpili ng desisyon.

nakakatawa. kapag kalokohan ang pinag-uusapan, kahit kailan at kahit ano ay handa tayong gawin. pero kapag mabuti at tama na ang ipapagawa, natitigilan na lang tayo. nagdadalawang-isip.

pero wala tayong magagawa. yun ang totoo. harsh realities in life, ika nga.

kaya pa ba natin baguhin ang ugaling nakagisnan na? maaaring oo, maaari rin naman hindi na. pero naisip mo bang ang ibang tao kayang gawin yun? kaya nilang panindigan kung ano man ang kanilang nagawa at amining sila ay nagkamali? kung kaya nila eh dapat kaya mo rin.

napakaimposible naman na kahit minsan ay hindi tayo magkamali. parte na yan ng buhay. ngunit sana naman ang bawat pagkakamaling nagawa natin ay magsilbing daan upang tayo ay matuto. upang malaman natin na marami pa tayong bagay na dapat malaman. mga bagay na matututunan natin sa mas komplikadong paraan.

at masasabi mo lamang na ikaw ay natuto na kapag dumating ang panahon na natanggap mo na sa sarili mo at naamin mo na sa iba na ikaw ay nagkamali.


it's the summer feeling i really love
8:03 PM





Thursday, April 05, 2007



~*~ apat na oras pa lang akong gising. sarap matulog!

~*~ napalitan na ung grade ko sa physics. nagkamali daw kasi si miss romero sa paglagay ng mga recit scores kaya lahat nagbago. nakuha ko na ung 2.25 ko. yipee. :)

~*~ dos lang ako sa math. T_T yeah i know, yun ung expected grade ko. pero hindi ko naman inakalang yun talaga ung makukuha ko. kahit man lang 1.75 ayos na sa akin. or better yet 1.5 kasi kailangan talaga at least 2 gwa ko for this sem. sana talaga maawa sa amin si sir wong para mabago pa ung final grades.

~*~ MAY NAUNO AKO! uno ako sa physics 71.1. kahit one unit lang yun, sobrang saya ko pa rin na uno ko siya. puro line of 2 kasi mga major subjects ko eh.

~*~ may bago pala kong crush. yikee! summer love. :P bwahaha.


it's the summer feeling i really love
6:04 PM





Tuesday, April 03, 2007



NASA MANILA ZOO AKO KANINA!!!
wahaha. kakaiba noh? ang tanda ko na para dun. pero sinamahan ko lang naman ung mga pamangkin ko mamasyal.

nakakapagod maglakad at tumingin sa mga animals. naaliw lang talaga ko dun sa monkey dahil kinakain niya ung binibigay kong nuts. at sosyal siya in fairness. nung binigyan siya nung girl ng saging, tinapon lang niya sa isang tabi. so kumusta naman ang unggoy na ayaw ng banana diba?? pero sandali lang ako natuwa sa kanila. kasi bawal pala magpakain sa mga hayop dun. hindi ko nabasa agad. T_T


nagbaywalk lang kami pagkagaling sa zoo at kumain sa aristocrat.

first time ko makakita ng setting sun sa manila bay. hindi siya ganun kaganda sa ineexpect ko. or siguro hindi lang talaga ako nakafocus masyado kanina. ang dami kasing iniisip.

...which leads to a painful realization...
may mga bagay talaga na nangyayari ng hindi mo napapansin. mararamdaman mo na lang kapag tapos na. kaya dapat hindi natin itake for granted ung mga simpleng bagay sa buhay natin. kasi kahit gaano pa kaliit ung bagay na yun, maaaring yun ung pinakamagpapasaya sayo. hindi mo kailangan hintayin na mawala yun bago pa siya pahalagahan. live life to the fullest.

[parang ang gulo ng sinabi ko. pero nagkakainsight na ang blog ko ngayon. nahahawa na yata ako sa mga ibang tao dyan.]


random lang dahil pinapanood ko siya ngayon:
ang ganda na talaga ng princess hours. :) nakakakilig. nakakatuwa. si princess janelle at prince gian na. kawawa naman tuloy si prince troy.


it's the summer feeling i really love
10:28 PM





Monday, April 02, 2007



babati muna ako: happy birthday kay ate rhoda! :)

at syempre happy birthday rin kay jemuel!
[wah. sorry talaga kanina. no idea kasi ako na ngayon ung birthday mo. inalila pa kita sa chem pav. pasensya na.]


oh well. ayos naman ang second day of summer ko.
halong saya at lungkot.

first stop ko ang chem pav. nakakatawa kasi binigay sa akin ung class card ko kahit may kulang pa ko sa lab. pero aasikasuhin ko na yun sa wednesday. anyway kahit alam kong pasado na ko, kinakabahan pa rin ako kanina. baka nagkamali lang kasi ng sabi sa akin. PERO PASADO NGA AKO! at hindi siya tres. 2.75 naman. nakuha ko ung target grade ko. sobrang thank god.

nagcheck naman ako ng grade sa physics. 2.5 ung nakasulat. expected grade ko naman yun. medyo nalungkot nga lang ako kasi hindi ko nakuha ung target grade ko na 2.25. umaasa na lang ako na sana magbago pa since ipapacheck ko kay miss romero ung quizzes at recit ko. ang baba kasi kaya feel ko may mali. at kailangan ko na lang ng 0.58. come on naman ang kasayangan! pero kahit hindi siya mabago, ayos na rin siguro. marami kasing bumagsak sa class namin. T_T

*trivia lang* kapatid pala ni jacy si miss jacq. kanina ko lang nalaman. kaya pala halos pareho ung pangalan nila, nagkaiba lang ng spelling. kala ko dati coincidence.


pumunta ako sa sm after. supposedly manonood kami ni kassa ng movie. pero walang maganda kaya next time na lang. tumambay lang kami sa national dahil bumili siya ng five people you meet in heaven [na oh my gosh i really like. :( not to mention na meron na rin siya nung pinapangarap kong for one more day. wala lang kasi akong pera ngayon!] at kumain sa red ribbon. topic na naman namin ang college life. realities nga naman ng buhay.


it's the summer feeling i really love
6:34 PM





Sunday, April 01, 2007



waw. pangatlong post ko na for the day. naadik na yata? :P

gusto ko lang naman ibroadcast sa buong mundo: bago na ung layout ko! second skin ko pa lang ever since nabuhay ang aking blog. at syempre makiuso tayo. SUMMER TIME!! :) i really love. kailangan ko ng mahabang bakasyon. ang dami ko na agad planong gawin para sa two weeks. dapat maenjoy ko yan bago magclasses ulit.


salamat nga pala kay jaimee kasi siya ung nag-inspire sa akin magpalit ng skin. [ohyesss. special mention. haha.] at sa designer na rin ng layout. happiness. :D


it's the summer feeling i really love
9:30 PM





happy birthday erica!!! :P


ayun 18th birthday nga niya ngayon. tapos kagabi ung party sa casa milan sa fairview. wala lang, masaya lang talaga ako.




luau kasi ung theme nung debut. so syempre summer attire naman kami. ung iba nga sobrang karir mode pa ung mga damit. nakakatuwa lang. nanghuhula pa kami kung paano ung entrance ng debutante, baka gamitin pa nga ung slide. wahaha. mga trippings lang namin kagabi. pero grabe ang level ng entrance niya! hindi ko kinaya! nakasakay siya sa parang duyan na bitbit ng dalawang guys. kumakaway pa ang loka. kakaiba ka talaga friend.


dinner at picture time. nagpakaadik na naman kami sa pictures. as in maya maya hawak ung camera at ngiti dyan. may mga fhm pose pa kaming nalalaman. mahahalay na mga bata! basta nakakamiss lang ng sobra ang kageca.


first time ko rin pala magtreasures. at dahil si erica nga ung may birthday, kakaiba ung gift namin ni kassa. swimming attire. kumpleto pa talaga. nasa akin ung top then nasa kanya ung bottom. at may slippers pang kasama. syempre hinati pa rin namin yun. kaya nakakatawa nung binuksan ni erica ung gift ko kasi ang weird naman talaga noh. baliw lang talaga kami. :)


at nagspeech pa si erica. kumanta pa siya ng thanks to you para sa dad niya. umuwi pa yun galing australia para lang dun sa debut. at ang sweet rin nung isa niyang kapatid.




basta fun talaga!! salamat erica. at tungkol dun sa tinext mo sa akin kanina, sure pupunta ako next time. kapag kinasal ka na. haha. kitakits na lang sa debut ng susunod na kageca debutante. [sino nga ba? si kassa na yata ung next.] oh well. happy birthday ulit. miss na miss ka na namin. at happy april fools day na rin!


it's the summer feeling i really love
5:19 PM





my second sem is now officially over. :)


pumunta ako sa up nung friday para ipasa ung written report at handout para sa physics lab. yun na ung last paper requirement ko for the sem. kasama ko sina hk at ate ten. [in fairness mamimiss ko ung groupmates ko! yey! we survived kahit tatlo lang tayo!] sa monday daw namin makukuha ung grade. 1 or 1.25 please. para naman may line of 1 akong grade bukod sa pe.


dumating rin si von para tignan ung grade sa physics lec. pero hindi naman namin nakita si miss romero kaya hindi rin namin nakuha. siguro sa monday na rin yun. at hopefully may grade na rin ako sa comm 3 by that time. kailangan ko ng at least 2 sa ge.


kahapon nasa up pa rin ako. last exam for the sem: finals ng chem 17. oh my god talaga. 30 minutes left nasa kalahati pa lang ako nung exam. as in bigla ko na lang nakalimutan lahat kung paano isolve at pati ung conceptual hindi ko rin maisip ung mga sagot. damang dama ko na nun ang pagsusummer ng chem. but no. with the help of von, nalaman kong pasado na ung final grade ko. weee!! ang saya saya ko talaga!! as in sobrang gumaan ung feeling ko. hindi ako bumagsak. hindi ko pa nga lang alam ung grade, pero kahit tres yun ayos lang. thank god!


kaya tapos na ang sem. alam kong hindi maganda ang performance ko. [duh.] so hindi rin ako magtataka na mababa ung makukuha kong grades. pero i'm just thankful na after 5 months, nakatulog na ulit ako ng walang inaalala. walang prinoproblema. feel ko i am so free. that is, for two weeks. :P


it's the summer feeling i really love
9:26 AM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007