Sunday, April 01, 2007



happy birthday erica!!! :P


ayun 18th birthday nga niya ngayon. tapos kagabi ung party sa casa milan sa fairview. wala lang, masaya lang talaga ako.




luau kasi ung theme nung debut. so syempre summer attire naman kami. ung iba nga sobrang karir mode pa ung mga damit. nakakatuwa lang. nanghuhula pa kami kung paano ung entrance ng debutante, baka gamitin pa nga ung slide. wahaha. mga trippings lang namin kagabi. pero grabe ang level ng entrance niya! hindi ko kinaya! nakasakay siya sa parang duyan na bitbit ng dalawang guys. kumakaway pa ang loka. kakaiba ka talaga friend.


dinner at picture time. nagpakaadik na naman kami sa pictures. as in maya maya hawak ung camera at ngiti dyan. may mga fhm pose pa kaming nalalaman. mahahalay na mga bata! basta nakakamiss lang ng sobra ang kageca.


first time ko rin pala magtreasures. at dahil si erica nga ung may birthday, kakaiba ung gift namin ni kassa. swimming attire. kumpleto pa talaga. nasa akin ung top then nasa kanya ung bottom. at may slippers pang kasama. syempre hinati pa rin namin yun. kaya nakakatawa nung binuksan ni erica ung gift ko kasi ang weird naman talaga noh. baliw lang talaga kami. :)


at nagspeech pa si erica. kumanta pa siya ng thanks to you para sa dad niya. umuwi pa yun galing australia para lang dun sa debut. at ang sweet rin nung isa niyang kapatid.




basta fun talaga!! salamat erica. at tungkol dun sa tinext mo sa akin kanina, sure pupunta ako next time. kapag kinasal ka na. haha. kitakits na lang sa debut ng susunod na kageca debutante. [sino nga ba? si kassa na yata ung next.] oh well. happy birthday ulit. miss na miss ka na namin. at happy april fools day na rin!


it's the summer feeling i really love
5:19 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007