Tuesday, April 03, 2007



NASA MANILA ZOO AKO KANINA!!!
wahaha. kakaiba noh? ang tanda ko na para dun. pero sinamahan ko lang naman ung mga pamangkin ko mamasyal.

nakakapagod maglakad at tumingin sa mga animals. naaliw lang talaga ko dun sa monkey dahil kinakain niya ung binibigay kong nuts. at sosyal siya in fairness. nung binigyan siya nung girl ng saging, tinapon lang niya sa isang tabi. so kumusta naman ang unggoy na ayaw ng banana diba?? pero sandali lang ako natuwa sa kanila. kasi bawal pala magpakain sa mga hayop dun. hindi ko nabasa agad. T_T


nagbaywalk lang kami pagkagaling sa zoo at kumain sa aristocrat.

first time ko makakita ng setting sun sa manila bay. hindi siya ganun kaganda sa ineexpect ko. or siguro hindi lang talaga ako nakafocus masyado kanina. ang dami kasing iniisip.

...which leads to a painful realization...
may mga bagay talaga na nangyayari ng hindi mo napapansin. mararamdaman mo na lang kapag tapos na. kaya dapat hindi natin itake for granted ung mga simpleng bagay sa buhay natin. kasi kahit gaano pa kaliit ung bagay na yun, maaaring yun ung pinakamagpapasaya sayo. hindi mo kailangan hintayin na mawala yun bago pa siya pahalagahan. live life to the fullest.

[parang ang gulo ng sinabi ko. pero nagkakainsight na ang blog ko ngayon. nahahawa na yata ako sa mga ibang tao dyan.]


random lang dahil pinapanood ko siya ngayon:
ang ganda na talaga ng princess hours. :) nakakakilig. nakakatuwa. si princess janelle at prince gian na. kawawa naman tuloy si prince troy.


it's the summer feeling i really love
10:28 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007