Thursday, April 12, 2007



real time enlistment?

almost 3 hours akong nakatayo at nakabilad sa araw para lang makakuha ng isang 0 unit subject. halos isang oras rin akong nakapila sa labas ng che department para makapag-enlist ng pe. pero sa huli wala rin nangyari, hindi naman pala nadagdagan ung slots ng bawat klase.


real time enlistment daw ba? now, really?

mas mabuti pa ang manual enlistment. mas maayos at mas organized. medyo assured ka pa na meron kang makukuhang slot.

alam niyo ung feeling ng naghihintay ka sa wala? ganun. instructions pa lang napakagulo na. hindi nila sinabi na sa computer center lang pala pwede. ang malala pa, hindi alam ng departments na binago pala ung enlistment process. so kumusta naman talaga? down pa ung server.

this is worse than what i experienced nung first sem. much much worse.


i have nothing against the crs team or whatsoever. maganda ung gusto nilang mangyari. it could really help.

pero as of now, masyado lang talagang idealistic.

hindi kaya ng nag-iisang computer center na iaccommodate ang buong up. kailangan talaga by college or by department. by subject would even be better. pero ung lahat? malabo. lalo na kung first come first served basis siya at nagkakaroon ng external access.

at sa tingin ko, hindi pa kaya ng up yun ngayon. financially not ready. dapat paghandaan kung gusto talaga ng pagbabago. buti na lang at summer nila naisipan mag-experiment.


pasalamat na lang talaga ako. binigyan ako ng crs ng math 54 nung first run pa lang. made my life a lot easier. as in swerte.


it's the summer feeling i really love
9:06 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007