Saturday, May 26, 2007



HAPPY 100TH POST TO ME! :)
omg. sumisipag na talaga ko these days. come on.


update lang sa first three days ng bakasyon ko..

~ first time bumisita sa ateneo. [nasanay akong sila ung pumupunta sa up. oh well.] tour guide ko si kassa. nakita ko rin sina arvie at sol. of course laitera-a-girl ako so talagang pinagdiinan kong ang liit ng school nila. haha. bad ako.

~ watched pirates of the caribbean: at world's end. sobrang nakakatawa kahit na may mga hindi ako magets dahil hindi ko na maalala ung naunang dalawang pirates. tagal na kasi nun. basta favorite ko ung "up is down" at "marry us" scenes. kinikilig pa rin talaga ako kina will at elizabeth. ayiii.

~ 97th birthday celebration ni lolo vic. parang naging reunion na rin siya ng mga lolo at lolang magkakaibigan. wala lang. nakakatuwa sila kasi ang tanda na nila, pero magkakasama pa rin. true meaning of friends forever.

~ upstage: black to block. chorale and dance competition na para pa rin sa fop. ang galing galing ng upcc at upsa as in. kakaiba ang level na tinatahak nila. parang nastarstruck ako nung sila na ung kumanta. at syempre todo cheer para sa up kem. wala talagang makakatalo sa troupers. simply astig. congrats!!!

~ badminton with team quesci. obviously hindi ako naglaro. [asa pa naman kasi sa akin. baka madapa lang ako. traumatic experience nga naman.] pinanood ko lang sila tapos kwentuhan na rin.


bukas jollibee party naman somewhere in marikina.
wala talaga kong pahinga. T_T


it's the summer feeling i really love
8:32 PM





Wednesday, May 23, 2007



my summer sem is now officially over. :)

parang yan rin ung linya ko about 7 weeks ago?
for second sem nga lang. haha.

nakakapagod pala, pero masaya naman. imagine tapos na ang math 54! nasacrifice nga lang ung 2 months ng bakasyon. oh well. may 2 weeks pa naman na natitira before ang first sem. just make the most out of it.

pero mukhang walang matutuloy sa mga out-of-town chuvaness ko. kaya mabubulok na naman ako sa bahay. kailangan ko na lang magdvd shopping para may imarathon, at syempre babasahin ko na rin ang hp 5. come on anong petsa na!


14 units na pala ko sa crs.
imamanual or prerog ko na lang talaga ung cwts at math 55 since hindi naman daw talaga siya lalabas sa crs.

pinakaproblema ko na lang ngayon ung chem 28.1 dahil closed na lahat ng sections at hindi ko na alam gagawin ko. sana lang mag-open sila ng additional slots as in now na.


it's the summer feeling i really love
9:45 PM





Friday, May 18, 2007



random na ito..


birthday party ni jane sa mcdo marikina sports center. first time ko makaattend ng isang kiddie debut. fun fun fun. :) syempre may mga parlor games and 18 treasures rin siya. maraming food at pisay people. i think apat lang yata kaming hindi pisay [except for the family, that is] pero hindi naman op. andyan kasi sina louie at von na sinamahan kami the whole time.

results ng crs first run. oh well, hindi na ko ganun kamahal ng crs ngayon. imagine wala akong chem lab at naturingan pa naman akong isang chem engg student. closed na ung sked na pwede sakin. T_T so i guess manual na ito or prerog. pero other than that ay ayos naman. nakakuha ako ng 10 units.

malapit na matapos ung summer classes. don't know kung masaya ako or malungkot tungkol dun. haha. basta excited lang ako magkaroon ng medyo mahabang bakasyon kasi napapagod na rin ako at ayaw ko naman haggard haggard pumasok sa first sem. fourth long exam sa monday at finals sa wednesday na lang. marami na rin nakasked sa akin after that namely: pirates with kageca, hopefully ek with them, out-of-town namin nila kassa at gerald sana, outing para sa birthday ni kara at debut ni anna c. sana talaga lahat matuloy!

first and second bagsakan ng fopc. enjoy lang ang sorting, house to house at syempre magbagsak ng mga pet bottles and papers. natuwa nga ako kasi umabot ng 134 bottles ung nabagsak ko kahapon. sana talaga steering com ulit kami para masaya. :P manonood rin kami next friday ng upstage.


haha. tinatamad na ulit ako magtype. next time na lang ulit. :)


it's the summer feeling i really love
9:21 PM





Friday, May 11, 2007



third long exam kahapon. siguradong mababa makukuha ko dun dahil

1. hindi ako nakapag-aral [at ung magaral-habang-nasa-jeep tactic ko ay hindi effective dahil may nakasabay akong kaibigan tapos daldal to the max kami]

2. nahirapan ako sa exam habang ung ibang tao sinasabi madali lang daw [i hate 3D forever]

buti na lang mabait si sir kaya wala kaming pasok kanina. baka tinatamad lang siya pero i really don't care. basta long weekend talaga for us. wala rin kasing pasok sa monday. kaya happy life. :)


fourth failed attempt ko na ata sa spiderman? hahaha.


it's the summer feeling i really love
8:56 PM





Monday, May 07, 2007



three failed attempts of watching spiderman 3

attempt #1: may 03 2007
kasama ko dapat sina jami. kaya lang libre yun ni alfred sa kanila so nakakahiya naman sumama. kahit na ako mismo ung magbabayad ng movie ticket ko, nakakashy type pa rin. tsaka maaga ako umalis dahil may inasikaso pa ko right after math.

attempt #2: may 04 2007
kasama ko dapat sina joha. matutuloy na talaga sana yun kaya lang last minute nagbackout ako. kila choops kasi kami naglunch tapos late na sila pumuntang gateway. eh pinapauwi ako ng maaga ng parents ko, kaya nagpakabait muna ko. sayang nga lang kasi nagpastudio sila at hindi ako nakasama. alam niyo namang adik talaga ko sa pictures. T_T

attempt #3: may 07 2007
kasama ko dapat si kassa. as in ayun na. nasa tapat na kami ng bilihan nung tickets. pero nung nakita namin ung schedule, 4 pm ung next screening at 3.55 na nun. hindi pa kami kumakain ng lunch. next showing after that is 5 pm at around 8 pm na matatapos. eh may postlab pa siyang gagawin. so kumusta naman kami.. mas pinili namin kumain. haha.

kailan naman kaya ang fourth failed attempt ko?! mukhang hindi na talaga ko makakapanood ng spiderman 3 forever. marami pa naman daw gwapo dun. tsk.


pero ok lang naman. sabi nga namin kanina, hindi naman kami ung tipong makikipagpatayan para panoorin ung movie na yun. dami ko pang naririnig na not-so-good feedbacks about it. buti sana kung harry potter yan!! haha. excited. :)


it's the summer feeling i really love
7:45 PM





Friday, May 04, 2007



after 47236574 failed attempts, may multiply na rin ako. ang saya. :)

credits muna: maraming salamat kay inah mae para sa pagiging source ng unang batch ng pics ko. haha. salamat mare! :P at advanced thank you na rin kina jaimee, maikka, choops etc. para naman sa mga susunod na pictures. mahal ko kayo. yii.


it's the summer feeling i really love
10:00 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007