Wednesday, June 27, 2007



"lahat naman tayo FRIENDS dito ah. except for one.
oops, did i just say that out loud?"

bad kathy. T_T


~*~*~


nakakapagod ang cwts kanina.
kahit na film showing at pace factor lang naman talaga siya.

ang tagal namin nakaupo at nanonood ng an inconvenient truth. basta something about global warming. nagpractice rin ng pagkabit ng sling in 5 seconds. at ang haggard haggard na paglalakad ng 100 meters 10 times. one kilometer rin un in fairness. ang init pa, kaya nagpapaypay ako habang umiikot ng vanguard quadrangle. kulang na lang may payong pa kong hawak. :)

0.69 of a meter daw ung laki ng isang step ko?
kakaiba. sana pala niliitan ko pa ung steps para mas cute. haha.


it's the summer feeling i really love
7:39 PM





Tuesday, June 26, 2007



suuuuuuuper love ko ang sarili ko ngayon. :)

parang ang pangit. ang selfish ng dating. pero totoo naman talaga. these past few days, hindi ako nag-uupdate so obviously maraming nangyayari. i've been through a lot of changes. akalain mo un, pwede pa pala ko magbago. ahaha.

but seriously. MASAYANG MASAYA AKO.
and nothing could probably change that.

naovercome ko na kasi ang aking pagiging princess of denial. feel ko nga sa sobrang pagpapakatotoo ko, mamahalin talaga ako ni wendy paglabas niya ng big brother house.

bottom line: huwag na itago lalo na kung halata naman. nagpapagod ka lang. effort at time ang nasasayang.

wah. baliw na ata ako?!


it's the summer feeling i really love
8:27 PM





Sunday, June 17, 2007



hindi na ko nagpopost. wah. T_T

busy?
not really. dakilang tamad lang talaga.

wala rin akong balak mag-update ngayon. gusto ko lang magtype, kahit na walang sense. basta next time ko na ikkwento ung nangyari sa first week of classes at birthday outing ni kim. kapag hindi na ko tinatamad. ahaha.

pati pala layout ko wala ng kwenta. tapos na ang summer. sadness.

pero sobrang happy pa rin talaga ako. can't explain why kasi kakaibang happiness ung nararamdaman ko. charing.

[belated happy birthday kim! 18 ka na! weee!]
[at ikaw na rin ronald! kasama ka sa celebration ng birthday ni kim. ilang beses ka namin binati, though malamang hindi mo alam yun. haha.]


it's the summer feeling i really love
9:41 PM





Thursday, June 07, 2007



~ third day of registration ~

wala lang. gusto ko lang magkwento in detail ng aking adventure. :)

mga 6.30 ako dumating sa up kanina. ang usapan kasi namin ni jane 6 magkikita para kami ung mauuna sa enlistment. [obviously late ako!] pero hindi pa rin nagpapapasok sa as nung ganung oras kaya ayos lang naman.

more than one hour kaming naghintay sa labas ng room. naglaro lang kami ng cards pangpalipas oras. dami naming new friends. :P

hanggang sa dumating na nga ung girl na may hawak ng chem 28. at bad news ang dala niya. hindi talaga pumayag ung director na mag-add ng mga slots dun sa lab. sagad na daw talaga ung 18 slots. pero nag-open naman sila ng bagong class, mth 2.30-5.30. yun na lang daw ung kunin namin.

kaya lang physics lec namin yun. so malabo talaga. hindi namin siya pwedeng icancel kasi ang alam namin wala ng slots sa ibang schedule ng physics lec tapos wala rin kaming paglilipatan.

hanggang sa chem 31 na ung sinusubukan namin. desperate. pero wala pa ring slots.

pumunta kami ni jane sa physics pav. mag-eenlist lang dapat siya ng physics lab niya. pero nagdradrama drama na kami nun kasi feel namin wala na talagang pag-asa. 8 units na lang talaga ako. buti na lang naalala kong may 8.30-9.30 class pala ng physics. kailangan ko na lang icancel ung physics lab ko para makuha yun. slots nga lang problema namin.

pagpasok namin sa enlistment room...
WAH! MAY 2 SLOTS SA 8.30-9.30 NA PHYSICS 72!

syempre kinuha na namin yun. excited pa kami. kinancel ko ung physics lab at lec ko. ililipat ko na lang dapat ung physics lab ng wednesday. kaya lang isa na lang ung slot tapos more than 10 ung nag-aagawan. eh bunutan pa naman yun. of course hindi ako nabunot. T_T

pagbalik namin ng chem wala si enlistment girl. pagbalik niya, kasama niya ung director yata un. edi pinapakiusapan pa rin namin kung pwede pa ung tf 8.30-11.30 na lab. pero ayaw talaga. so nag-enlist na kami dun sa bagong class. muntikan pa nga kaming mawalan ulit ng slot eh.

ung sa math 55 naman, 1 pm pa daw ung start ng free-for-all. kaya lunch muna kami.

pumunta kami dun ng mga 12. as expected may pila na rin. at hindi na talaga ko umaasang makakakuha pa ko kasi kailangan may magcancel pa ng slot para sa akin. wala na kasi talagang available dun sa kailangan kong schedule. balak ko na lang sana ienlist ung tf 4-5.30 class tapos change mat na lang. laro ulit ng cards with friends habang naghihintay.

good news naman nakuha namin sa math. sabi nung enlistment guy, magbubukas daw ng 2 slots per section. kinakabahan lang ako kasi marami ung tao before me kaya baka pagdating sa akin ubos na naman.

maswerte pa rin talaga. si ronald ung unang nakakuha nung tf 10-11.30 tapos ako naman ung second. buti umabot pa ko.

really happy now. :)
18 units na ko ngayon! hindi na ko underload! almost successful na!
problema ko na lang ung physics lab. pero prerog na lang yun.

pag-uwi ko nga lang, haggard kung haggard. as in. hindi na talaga ako nagsasalita kanina sa sobrang pagod. parang lahat na ng stress sa mundo napunta sa akin. ang gulo gulo pa ng schedule ko. pero i really don't care. though hindi ko na classmate forever ung mga blockmates ko. basta ang importante may klase. ok na ok na un sa akin.


it's the summer feeling i really love
6:36 PM





Wednesday, June 06, 2007



~ second day of registration ~

akala ko makukuha ko na ung chem 28.1 at math 55 ngayon.
but i was so wrong.

nabanggit ko bang magiging madugo ang pagmamanual ko? wah. dapat pala inexpect ko na dati pa ang worst case scenario. mukhang mag-eenroll ako na 8 units lang ung meron. kapag wala kasi ung math, useless ung es 21. kapag wala akong nakuhang chem lab, sapilitan nilang aalisin ung chem lec ko. at ang pe? napakagulo na talaga ng schedule.

umaasa na lang ako sa mga taong magcacancel ng slot nila. or kaya naman prerog. pero obvious bang asa pa? nakakaiyak ang first sem. T_T

todohang late reg na ito..


it's the summer feeling i really love
8:28 PM





Tuesday, June 05, 2007



~ first day of registration ~

believe it or not, hindi naman naging university of pila ang up kanina. well at least sa department namin. mabilis ko naman nakuha ung form 5a ko kahit mahaba ung pila. kaya congrats sa mga che reps dahil efficient sila sa pagtratrabaho. :)

pero mukhang hindi na talaga maaalis ang tricol. i hate priorities. lalo na kapag wala ako dun. though hindi ko pa rin talaga alam kung fair or unfair ung pagpriprioritize sa kanila. but still, wala akong napala. hindi ako nakakuha ng chem lab at math. at pati rin ung inaasahan kong cwts eh bukas pa rin pala. so goodluck naman sa madugong pagmamanual.


~ randomness ~

ung ineexpect kong dalawang pasabog kanina, naging 58726493154 na mga pasabog. kasi naman information overload na ko sa mga revelations. literal na sobrang dami kong nalaman sa mga chismisan ng mga tao. ahahaha.

at natupad na ulit ung pangarap naming chocolate kiss ni louie. sarap ng food! :D

photo shooooooot!!
ang saya magpichuran sa up dahil very close to nature. kahit na ang daming failed attempts, enjoy talaga. not to mention na nakakapagod tumalon talon at mukha na kaming mga baliw. i will be posting pics soon kapag nakuha ko na kina jane at louie ung mga kaadikan pictures namin. [thanks in advance!]

kakaibang taxi. :P nasakyan namin nina choops, josef at louie nung papuntang sm. basta mas malaki at mas malamig siya compared to ordinary cabs. friendly pa si manong driver.

nagiging hobby ko na yata ang pagrarant these days. happiness. :)


it's the summer feeling i really love
8:14 PM





Sunday, June 03, 2007



huling hirit bago magpasukan: ROADTRIP!!!

…to las piñas…
sinundo namin ung brother ng dad ko kasama na rin ung wife niya and two kids.

…to kawit cavite…
sister naman niya ung pinuntahan namin. [nakakawindang. 15 years na pala silang hindi nagkikita. sa las vegas na kasi siya nakatira so ngayon lang siya ulit nakabalik dito.]

…to tagaytay…
kumain sa leslies. and traveled so far na nasa may boundary na kami ng batangas just to have a very good view and some fresh air. then off to people’s park in the sky na nasa may laguna na yata. back to tierra de maria para magpakabanal, at stopover sa chowking.

…to silang cavite…
bumili si tita norma ng plants para pasalubong sa mother-in-law niya. ang daming magandang flowers! weee.

…to imus cavite…
dinaanan lang si ate jingle sa palm grove. nice place talaga.

syempre bumalik ulit kami ng kawit at las piñas para ihatid sila. kaya pag-uwi namin eh bagsak ako agad sa kama. i mean, after more than 15 hours nakaupo sa sasakyan, looking through the window at nagpapakasenti mode, sino ba namang hindi mahihilo??

pero happy talaga. :) minsan lang kasi ang get-together sa father’s side. usually kasi mga relatives sa side ng mother ko ung mga kasama namin.


while in tagaytay, nagpakafuturistic na naman ako:

1) sobrang naamaze talaga ko sa mga bahay dun. kaya naman gusto ko rin magpatayo ng sarili kong place sa tagaytay. labo noh? well hindi naman masama mangarap. basta i love the idea of having a palace-like house there. please lord.

2) dahil buong araw ako kinulit ni tita na sa states na lang mag-aral, kinoconsider ko tuloy siya ngayon. pero definitely hindi college. siguro after i graduate. i plan to continue my studies there. tsaka gusto ko kasi sariling sikap. money ko talaga ung gagamitin ko para makapunta dun, makapag-aral at makapagstay.

so kumusta naman talaga ako!
ang hilig ko magplano ng mga bagay na madalas hindi natutupad. T_T


it's the summer feeling i really love
2:12 PM





Friday, June 01, 2007



mahal na mahal ko talaga ang up! :)
bakasyon na nga pero punta pa rin ng punta. come on.

ang sabi kasi ni sir, bigayan na daw ng classcards kahapon. eh si inah excited kaya punta naman kami nila maikka. nakita rin namin si von tapos may pasalubong pa siya from nueva vizcaya. [thanks vony!]

pero wala si sir. sayaaaaaaang.

lumabas lang ung grades sa crs kagabi. at happy talaga ako. nabawi ko na rin ung math 53. now i can really say that i love math again.


bonding with MADJIK sa sm north. puro kain at chismisan na naman ang ginawa namin. may videoke at arcade rin. pero wala talagang makakatalo sa pictures. kumusta naman, mas nagpichuran pa kami kesa kumanta sa videoke. multiply ladies. :P

wala lang. parang sobrang tagal ko silang hindi nakita. mga naging busy kasi sa cwts at math nung summer kaya ganun.

sana naman matuloy pa rin ung puerto galera ngayong june diba?
[kahit na feel ko hindi naman ako papayagan. haha.]


at speaking of june…

wah june na nga talaga!!! omg. enrolment na sa tuesday. ang bilis talaga ng panahon. pasukan na naman kahit na kakabakasyon ko pa lang.

pero for some weird reason, excited ako pumasok this sem. ayiii.


kailangan ko lang talaga ishare:
mas magaling magtaktak si grimace kesa kay jollibee. biased talaga eh noh? oh well. mcdo fan naman talaga ko simula pa nung high school. at syempre purple si grimace eh. :)


it's the summer feeling i really love
8:14 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007