~ third day of registration ~
wala lang. gusto ko lang magkwento in detail ng aking adventure. :)
mga 6.30 ako dumating sa up kanina. ang usapan kasi namin ni jane 6 magkikita para kami ung mauuna sa enlistment. [obviously late ako!] pero hindi pa rin nagpapapasok sa as nung ganung oras kaya ayos lang naman.
more than one hour kaming naghintay sa labas ng room. naglaro lang kami ng cards pangpalipas oras.
dami naming new friends. :Phanggang sa dumating na nga ung girl na may hawak ng chem 28. at bad news ang dala niya. hindi talaga pumayag ung director na mag-add ng mga slots dun sa lab. sagad na daw talaga ung 18 slots. pero nag-open naman sila ng bagong class, mth 2.30-5.30. yun na lang daw ung kunin namin.
kaya lang physics lec namin yun. so malabo talaga. hindi namin siya pwedeng icancel kasi ang alam namin wala ng slots sa ibang schedule ng physics lec tapos wala rin kaming paglilipatan.
hanggang sa chem 31 na ung sinusubukan namin. desperate. pero wala pa ring slots.
pumunta kami ni jane sa physics pav. mag-eenlist lang dapat siya ng physics lab niya. pero nagdradrama drama na kami nun kasi feel namin wala na talagang pag-asa. 8 units na lang talaga ako. buti na lang naalala kong may 8.30-9.30 class pala ng physics. kailangan ko na lang icancel ung physics lab ko para makuha yun. slots nga lang problema namin.
pagpasok namin sa enlistment room...
WAH! MAY 2 SLOTS SA 8.30-9.30 NA PHYSICS 72!
syempre kinuha na namin yun. excited pa kami. kinancel ko ung physics lab at lec ko. ililipat ko na lang dapat ung physics lab ng wednesday. kaya lang isa na lang ung slot tapos more than 10 ung nag-aagawan. eh bunutan pa naman yun. of course hindi ako nabunot. T_T
pagbalik namin ng chem wala si enlistment girl. pagbalik niya, kasama niya ung director yata un. edi pinapakiusapan pa rin namin kung pwede pa ung tf 8.30-11.30 na lab. pero ayaw talaga. so nag-enlist na kami dun sa bagong class. muntikan pa nga kaming mawalan ulit ng slot eh.
ung sa math 55 naman, 1 pm pa daw ung start ng free-for-all. kaya lunch muna kami.
pumunta kami dun ng mga 12. as expected may pila na rin. at hindi na talaga ko umaasang makakakuha pa ko kasi kailangan may magcancel pa ng slot para sa akin. wala na kasi talagang available dun sa kailangan kong schedule. balak ko na lang sana ienlist ung tf 4-5.30 class tapos change mat na lang. laro ulit ng cards with friends habang naghihintay.
good news naman nakuha namin sa math. sabi nung enlistment guy, magbubukas daw ng 2 slots per section. kinakabahan lang ako kasi marami ung tao before me kaya baka pagdating sa akin ubos na naman.
maswerte pa rin talaga. si ronald ung unang nakakuha nung tf 10-11.30 tapos ako naman ung second. buti umabot pa ko.
really happy now. :)18 units na ko ngayon! hindi na ko underload! almost successful na!
problema ko na lang ung physics lab. pero prerog na lang yun.
pag-uwi ko nga lang, haggard kung haggard. as in. hindi na talaga ako nagsasalita kanina sa sobrang pagod. parang lahat na ng stress sa mundo napunta sa akin. ang gulo gulo pa ng schedule ko. pero i really don't care. though hindi ko na classmate forever ung mga blockmates ko. basta ang importante may klase. ok na ok na un sa akin.
it's the summer feeling i really love
6:36 PM