Wednesday, August 01, 2007


august na!!

oh yeah. ang saya saya. :)

sinimulan ng physics exam. of course nakakainis ung part na yun. ang tricky nung questions. tapos cwts pa! sumakit lang ung katawan ko dahil sa one man under at aussie na yan. [joha!!! kumusta naman ang one hour moment natin kanina? ahaha.]

pero still very very happy. yii. nababaliw na ako. kasi naman ang wating.

marami pang kailangan gawin. may es quiz pa bukas na wala na kong naiintindihan. at experiment na naman sa chem. nakakasawa na. T_T

happy happy birthday edina michaela galapon! well sayang hindi tayo nagkita kanina. kumpleto pa naman sana tayo. pero may next time pa naman. libre namin. :P



it's the summer feeling i really love
5:24 PM





Wednesday, July 25, 2007


dahil nauuso ang 20 things...

madaya ako. 20 things nga siya, pero for more than 20 people. pagbigyan na. :P

1. madalas kitang makwentuhan ng mga kalandian ko. salamat talaga kasi alam kong naririndi ka na sa akin pero hindi mo lang pinapakita. at ikaw rin ung nagparealize sa akin na sobrang laki na ng pinagbago ko as a person, that somehow i have to return to what i used to be.

2. nakakatawa noh? sorry ka ng sorry at sorry ako ng sorry, pero wala naman talagang nangyayari. hindi pa rin tayo nagkakasundo. siguro sobrang magkaiba na ung mundo natin. hindi na nagtutugma. sayang lang ung dati.

3. huwag mo palaging isipin na people around you are always against you. masyado kang defensive. subukan mo rin intindihin ung sinasabi nila at baka maliwanagan ka. at hindi rin pwedeng ikaw na lang forever. marami pang taong mas nangangailangan ng tulong compared to you.

4. ang sama ko kasi naiisip kong ayaw mo talaga kong kaibigan, to think na magkabarkada tayo. siguro dahil nakikita kong iba ung pakikitungo mo sa akin kaysa sa iba. na parang bale wala lang ako sayo.

5. naiinggit ako sayo. feel ko lahat na sayo na. hindi kasi tayo ganun kaclose, kaya hindi ko makita kung ano ung nakita niya sayo. pero nasasaktan lang talaga ko tuwing makikita ko kayong magkasama. dahil alam kong sobrang napapasaya mo siya.

6. pareho tayo ng ugali at lahat na. pero napakaunique mo at the same time. sana one of these days maisip mo rin kung anong mga bagay ung meron ka, at pahalagahan mo ung mga un. wag mo na hintayin na mawala pa.

7. childish ung actions mo but i know may something deeper sayo. hindi ko lang talaga makakalimutan na nung time na hindi pa tayo close, nagshare ka sa akin ng isang bagay na feel ko konting tao lang talaga ung nakakaalam. at thank you kasi palagi kang nandyan. karamay ko sa lahat.

8. naaappreciate ko ung pakikipagclose mo sa akin. pero alam mo bang dumating sa point na akala ko gusto na kita? pasaway ka kasi. mababaw lang akong tao kaya madali lang akong kiligin.

9. feel ko palagi kitang namimis-interpret. kasi minsan akala ko sa akin ka lang ganun pero hindi naman pala. usually napakasweet at napakabait mo sa akin, tapos biglang mood swing. nalilito ako. hindi ko alam kung saan ko ilulugar ung sarili ko.

10. nobela na ung magagawa ko kapag nilagay ko dito lahat ng gusto kong sabihin sayo. kaya nevermind na lang. sure naman akong alam mo na ung mga bagay na un. pero meron akong napakalaking kasalanan, na hanggang ngayon hindi pa rin akong handang ipaalam sayo. i'm so sorry.

11. you're very important and special to me. at huwag mong tanungin kung bakit, dahil hindi ko rin alam. basta sobrang nalulungkot ako kapag wala ka. pakiramdam ko may kulang.

12. dalawa kayo sa pinakamakukulit na taong nakilala ko. minsan nakakainis lalo na kapag wala ako sa mood makipag-usap. pero natutuwa rin ako kasi pinagkakatiwalaan niyo ako sa madalas niyong pagshare ng mga bagay tungkol sa mga sarili niyo.

13. tuwing naiisip kita, naiiyak pa rin ako. yeah i have moved on pero nanghihinayang ako hanggang ngayon. you couldn't blame me. it really wasn't my fault.

14. minsan naiilang ako sayo. pero for a person like you, i should be proud na nagkakasundo tayo. but it doesn't mean na palagi akong makikiride on. mag-ingat ka kasi ayokong dumating ung time na pagsisihan mo lahat ng ginagawa mo. na lahat yan bumalik sayo. it could be very harsh.

15. akala ko ung friendship natin dahil lang sa we have so many common friends. but you proved me wrong. pinatunayan niyong dalawa sa akin na naging close tayo hindi dahil sa kanila, kundi dahil may mga bagay na tayo lang rin ung nakakaintindi sa isa't isa.

16. hindi ko ineexpect na magiging close ako sa inyong dalawa. kasi pareho ko kayong crush dati. nakakatawa lang isipin na kayo pa madalas ung nasasabihan ko ng mga problema at kachuvahan ko ngayon. at namimiss ko kayo palagi kahit na nandyan lang naman kayo. kakaiba.

17. obvious bang naiirita talaga ko sayo? ang manhid mo kapag hindi mo napansin un. masyado ka kasing selfish. ung ikakasaya mo lang ung palagi mong iniintindi. wala kang pakialam sa mga mangyayari sa iba.

18. ikaw ung sumira sa buhay ko. but don't get me wrong, i'm not really mad at you. dahil alam kong hindi naman un ung intention mo. tuwing nakikita nga lang kita, napapaalala mo sa akin na nagkamali ako dati at hindi ko na dapat ulitin un. i'm just glad na friends pa rin tayo hanggang ngayon.

19. hindi ko alam kung anong tingin niyong dalawa about me. tawanan at kwentuhan tayo most of the time pero may mga pagkakataon na palagi niyo akong inaasar at tinatarayan. pakiramdam ko tuloy naiinis kayo sa akin, ayaw niyo lang ipahalata.

20. minsan hindi kita naiintindihan. as much as i want to see things the way you see them, hindi lang talaga tumatama. feel ko parang may mali sa mga iniisip mo. once kasi na un na ung view mo about an issue, hindi mo na babaguhin. kahit na alam mong hindi ka na rin tama.

haha. sino kaya yang mga yan??



it's the summer feeling i really love
7:19 PM





Monday, July 23, 2007



NO CLASSES TODAY. :)

feel ko tuloy i'm so free this week. eto lang naman ung mga ikakastress ko:
* practical exam sa cwts [fade away!!]
* philo readings
* es homework [i forgot how to integrate]
* double indicator titration

hindi pala ganun kakonti. pero kung icocompare sa susunod na buwan, omg ultimate hell month! every week may long exam. T_T kailangan talaga magpakasaya muna ko.


watched harry potter. nagandahan ako. but i haven't read the book yet so i guess isang factor un. ang cool ni bellatrix lestrange. and luna lovegood of course. ayaw ko pa rin kay cho chang, solid harry-hermione forever. kahit alam ko na ung ending ng hp7. spoiled na spoiled na ko. ahaha.

nagpapakaactive sa kem. may buddies eh, batch head pa ung isa. :P and the other one i don't know. hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikita. kumusta naman.

natapos na rin ang first long exam sa es at math. es is like whatever. alam ko na kung bakit sinusumpa ng maraming tao ung subject na un. three questions lang na mostly trial and error, kaya ang saklap kapag may hindi ka nasagutan. math is fine. solvable pero nakakatamad ung exam. lalo na kapag nagcram ka lang sa pag-aaral.

a couple of uaap games. up is still looking for its first win. pero happiness talaga magcheer lalo na ang manglait ng ibang schools. oh yeah very mean.

and i miss so many people. magpakita naman kayo sakin. :)


it's the summer feeling i really love
7:22 PM





Saturday, July 07, 2007



i really love the date today. :)
07-07-07. ayii!


official start of my cheerleading career. uaap season 70 opening. host ang ust. well i think that is obvious, halos masakop na nila half ng araneta. with all those yellow balloons and tiger-like accessories.

first game is up vs dlsu. they won. pero come to think of it, nakakahiya naman kung matatalo pa sila. one year silang nanahimik. they should really make a comeback. but don't get me wrong. gusto ko talaga manalo ang up. kaya nga walang tigil ako sa kakasigaw kanina. i won't tell any other details of my "cheers" pala dahil baka may pumatay sa akin kapag may ibang nakabasa nito. :P just UP FIGHT!

nakakapagod magcheer. masakit sa lalamunan. nakakangalay ang pagtayo at pagsuntok sa hangin. pero masarap magpakamean. masarap bumanat at pagtawanan ang pagkakamali ng iba. proud na kung proud, pero fulfilling talaga.


* wag makisawsaw kapag hindi kayo involved. nakakainis.
[this goes for everybody, not just uaap matters.]


it's the summer feeling i really love
6:48 PM





Monday, July 02, 2007



july na. :)
[as usual late reaction ako. july 2 na nga eh.]


bakit kaya ang aga ko ngayon? cram mode na naman. may ipapasa akong report mamaya at hindi ko pa nagagawa. so kumusta talaga. nasanay na akong ispend ang 2/3 of the day sleeping. napakaproductive grabe.

tapos may quiz kami sa philo. sobrang daming readings. pati rin ata sa chem lab may quiz? pero sana panaginip ko lang un. at physics!! wah! lagot na.

ang sipag ko pa magblog di ba. come on.


si bea ang big winner ng pinoy big brother season 2. in fairness, gusto ko naman siya talaga from the start. sila ni gee-ann. kaya masaya akong nanalo siya.

kawawa naman si wendy. oh well kasalanan naman niya kasi. exagge ung sinasabi niyang pagpapakatotoo to the point na ang dami na niyang nasasaktan. sana nga lang wag na siya masyado mabaliw at mawating sa labas ng bahay.

pero ayoko pa rin sa kanila ni bruce! omg. tigilan ang kalandian.


akala ko end of my world na dahil may nagbalita sa akin ng ending ng harry potter. turns out fanfic lang pala ung nakuha niyang "manuscript." thank god. ikamamatay ko talaga ang ganung ending. umaasa pa rin ako sa harry-hermione ship. YUCK ang harry-ginny.

malapit na rin pala ung movie. at hindi ko pa nababasa ung book 5. ang tamad ko naman.


hindi pa ko makakain ng maayos. sakit ng ngipin ko. pesteng braces. T_T


it's the summer feeling i really love
6:14 AM





Wednesday, June 27, 2007



"lahat naman tayo FRIENDS dito ah. except for one.
oops, did i just say that out loud?"

bad kathy. T_T


~*~*~


nakakapagod ang cwts kanina.
kahit na film showing at pace factor lang naman talaga siya.

ang tagal namin nakaupo at nanonood ng an inconvenient truth. basta something about global warming. nagpractice rin ng pagkabit ng sling in 5 seconds. at ang haggard haggard na paglalakad ng 100 meters 10 times. one kilometer rin un in fairness. ang init pa, kaya nagpapaypay ako habang umiikot ng vanguard quadrangle. kulang na lang may payong pa kong hawak. :)

0.69 of a meter daw ung laki ng isang step ko?
kakaiba. sana pala niliitan ko pa ung steps para mas cute. haha.


it's the summer feeling i really love
7:39 PM





Tuesday, June 26, 2007



suuuuuuuper love ko ang sarili ko ngayon. :)

parang ang pangit. ang selfish ng dating. pero totoo naman talaga. these past few days, hindi ako nag-uupdate so obviously maraming nangyayari. i've been through a lot of changes. akalain mo un, pwede pa pala ko magbago. ahaha.

but seriously. MASAYANG MASAYA AKO.
and nothing could probably change that.

naovercome ko na kasi ang aking pagiging princess of denial. feel ko nga sa sobrang pagpapakatotoo ko, mamahalin talaga ako ni wendy paglabas niya ng big brother house.

bottom line: huwag na itago lalo na kung halata naman. nagpapagod ka lang. effort at time ang nasasayang.

wah. baliw na ata ako?!


it's the summer feeling i really love
8:27 PM






November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007